Kabanata 9

0 0 0
                                    

Buwan ng Wika

Mga dalawang buwan na ang nakalipas. Naging mabilis lang ang panahon. Ewan ko kung bakit. Dahil buwan ng wika, kailangan naming magsuot ng damit na pang Filipino. Lunes ngayon araw at ako'y papasok na ng school.

"Woah! Ayos yan ah...Barong!"
Sabi sakin ni Vincent.

"Malamang! Anong gusto mo?"

"Joke lang....ito naman seryoso lagi!" Patawa niyang sinabi.

Nakarating na kami sa classroom at nakabarong sila halos. Siguro wala na silang ibang choice! Nagsimula na ang klase parang normal lang. Third period ang Soc Sci namin ngayong araw. Ano kaya suot ni Miss Oliveros?

"Paalam na sa inyo." Sabi ni Miss Reyes.

"Paalam at salamat po Miss Reyes!"

Pagkatapos nun, ang mga kaklase ko ay excited na rin sa pagpasok ni Miss Oliveros. Maya maya ay pumasok na siya.

"Wooooow!!!" Amaze na amaze ang mga kaklase ko at siyempre, ako.

Sagot naman ni Miss, "Why? Is there something wrong?"

Sabay sagot ng kaklase kong isa, "Miss you look PERFECT!". Napatawa ako sa sinabi niya. Ganun din si Miss Oliveros.

Nagsimula na siya ng kanyang lesson. Nakakadiatract siya! Kahit yung mga iba kong kaklase nadidistract din! Iba talaga siya.

"Ok....Dahil buwan ng wika, tungkol sa Pilipinas ang itatanong ko." Aniya

"Sino si Jose Rizal? Napakadali niyan ah, ewan ko nalang pag di niyo pa nasagot yan?" Habol niya

Marami nanaman ang nagtaas ng kamay. Siyempre Jose Rizal! Sino ba hindi yun kilala!

Di alam ni Miss kung sino pipiliin niya. Napatingin siya sakin at tinawag ako. Patay na!

"Ikaw Mark....Sino si Jose Rizal?"
Tanong niya.

"Ah Miss....Siya po ang pambansang bayani ng Pilipinas."
Confident ko itong sinagot.

"Aside from that. Anyone?" Nagtanong siya ulit.

"Ikaw Miguel?"

"Siya ay nagsakripisyo para lang sa Pilipinas. Miss parang ako lang si Jose Rizal....Nagsakripisyo din ako pero hindi niya lang nakikita!"

"Woah!!!" Sigaw ng klase. Iba talaga humugot si Miguel sabi ko kay Vincent.

"Lagi ka nalang humuhugot Miguel!" Palokong sinabi ni Miss.

"Ganun talaga Miss pagbroken!"

Tumawa si Miss Oliveros pati ang klase. Sabi ko nanaman sa sarili ko.

"Woooow! Napakaganda talaga niya! Lalo na pag tumatawa siya. Haays!"

"MARK!" Sigaw ni Vincent.

"Ano nanaman Vincent?!" Pasigaw ko ring sinabi.

"Wala....wala." Loko talaga tong si Vincent. Kala ko pagtitripan niya nanaman ako. Haaays

Ding Dong! Ding Dong!

"Good bye class!" Sabi ni Miss Oliveros

"Good bye Miss Oliveros!" Sinabi namin ito ng malakas tapos ngiti! Iba talaga..

Next Part

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 14, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Maging SilaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon