Group Project
Nakalipas na ang unang linggo sa school. Masaya naman...Pero nagsisimula na magbigay ng group projects ang mga teachers.
"Ok...Ang gagawin niyo lang naman ay isang presentation. Ang magiging report niyo ay buod ng Kabanata 1 ng Noli Me Tangere. Tatlo lang kayo sa grupo.
Pinapili kami ni Miss Reyes ng kagrup. Siyempre pinili ko si Vincent at si Miguel.
"YES! Tayo nanaman ang magkagroup!" Tuwang tuwa sinabi ni Vincent.
"Oo nga eh!" Habol ni Miguel
"Ok madali lang toh basta magfofocus tayo sa report."
"Bakit? May iba pa ba tayong gagawin?" Tanong nila sakin.
"Ummm wala naman....Sige na simulan na natin ito para tapos na agad. Sa isang araw na due nito.
Ang sumunod naman na subject na nagbigay ng group work ay ang Soc Sci.
Ok guys...Simple lang tong ipagagawa ko. Ibigay niyo lang ang mga bansa sa europe. Yan lang. Tatlo lang dapat kayo sa group. This is due today!" Sabi ni Miss Oliveros
"Ok....Alam na Vincent ang Miguel. Tayo nalang ulit!"
"Oh sure!" Sabay nilang sinabi.
Pagkasabi ni Miss Oliveros ay sinimulan na namin agad.
"Ok hahatiin natin sa tatlo ito. Ikaw Vincent sa east. Miguel ikaw naman sa gitna ng europe at ako naman sa west."
"SIE YES SIR!!!" Loko loko talaga tong mga toh!
Lumipas ang sampung minuto. Natapos agad namin ito. Kinuha ko na ang research nila at cinompile ko na. Tapos pinasa ko na kay Miss Oliveros.
"Miss! Miss! Tapos na po kami!"
Nagmamadali kong sinabi."Woow! Nakakatuwa talaga kayong tatlo. Napakaproductive niyo." Napangiti pagkatapos niyang sabihin iyun.
Namutla ako. Grabe talaga siya! Pagkatapos ko ipasa ay bumalik na ako kala Vincent.
"Oh brad anong sabi niya?"
"Napakaproductive daw natin!" Masaya ko itong sinabi.
"Siyempre basta ba magtutulungan tayo, maraming matatapos. Diba Mark?"
"Oo naman!"
Pagkapasa namin ay sunod sunod narin yung mga iba nagpasa. Nag uunahan talaga sila para mapuri. Pero nauna kami. YEAH!
Next Part

BINABASA MO ANG
Maging Sila
General FictionSi Mark, isang matalinong estudyante, ay may nagustuhang isang tao na alam niyang malabong maging sila. Pero sa huli, naging masaya parin sila kahit ganun ang naging sitwasyon nila.