Vincent
Pagkatapos ng first three subjects ay recess. Sinamahan ulit ako ni Vincent.
"Brad sama ako sayo!"
"Sige lang..."
Maya maya tinanong niya ko.
"Brad kamusta lovelife mo?". Nagulat ako sa sinabi niya! Kaya sabi ko, "Woah! Parang may lovelife ako!"
"HAHAHAHAHA" Sabay kami humalakhak.
"Ano bang pumasok jan sa kokote mo at tinanong mo ako niyan?"
"Wala lang...Pero seryoso bakit tulala ka lagi? Magsabi ka ng totoo!" Seryoso niyang sinabi yan. Sige na nga sasbihin ko na kay Vincent. He's my bestfriend anyway.
"Sige....Sasabihin ko na! May gusto ako kay Miss Oliveros."
"Wehhhh?!" Nagulat siya sa sinabi ko!
"Oo nga!!!"
"Alam mo brad yang nararamdaman ay normal. Pero sa teacher, ewan ko nalang kung normal yan!"
"Alam ko naman yan Vincent...Pero ano magagawa ko? May tips ka ba jan?
Naintindihan naman ako ni Vincent kaya binigyan niya ako ng advise. Una raw ay ang pinakamagandang, kaibiganin ko raw siya. Naisip ko na rin yan kaya gagawin ko yan. Pangalawa, irespeto mo siya. Irespeto dahil mas nakakatanda siya. Panghuli, dapat anjan ka lagi para sa kanya.
"Ano?! Yung panghuli? Eh hindi nga pwede diba?"
Nagulat ako sa panghuli niya. Grabe siya!
"Hindi kasi Mark! AS A FRIEND!!!"
"Ahhhh sabagay may point ka jan!"
Tapos sinundan ko ang sinabi ko sa kanya.
"Eh paano yung feelings ko?"
"Ganito gawin mo. MAGMOVE ON KA NA!!!" Natawa ako sa sinabi niya!
"Wooow! Nakatulong yang sinabi mo! SERYOSO!"
Sinagot niya na ang tanong ko ng seryoso.
"Ang masasabi ko lang Mark, eh intindihin mo nalang. Alam mo namang hindi pwede eh. Alam ko mahihirapan ka. Kaya be there for her nalang always para kahit papano kasama mo siya. Diba?"
Nung sinabi niya yun, napa-isip ako. Sabi ko
"Tama....tama...sige. Teka! Bakit ang dami mong alam tungkol jan?"
"Aba ewan ko! Pero alam kong yan ang tama."
Ding Dong! Ding Dong!
"Sige salamat sa pag-intindi sakin Vincent. Kaya idol kita eh!" Sabi ko
"Ikaw pa brad! NP!"
Pagkatapos niyan ay umakyat na kami para sa mga huling subjects.
Next Part

BINABASA MO ANG
Maging Sila
General FictionSi Mark, isang matalinong estudyante, ay may nagustuhang isang tao na alam niyang malabong maging sila. Pero sa huli, naging masaya parin sila kahit ganun ang naging sitwasyon nila.