2nd Day
Kring! Kring! Kring!
"Nako! Nag-alarm na!"
Di na ako nagbabad sa kama. Bumaba akong nagmamadali. Pagbaba ko naman ako nakahain na ang almusal ko. Binibilisan ko ang pagkain.
Sabi ni mommy, "Oh anak....Dahan dahan lang ang pagkain. Ano bang meron at nagmamadali ka?"
Sabi ko naman, "Ah wala naman po mommy. Excited lang talaga ako pumasok.
Tinuloy ko na ang pagkain hanggang matapos ako. Naligo rin ako ng mabilis. Syempre nagready na ako ng gamit ko, ni ready ko sarili ko para sa gagawin ko.
Pagkatapos naglakad na ako patungong school. Unang una ako sa classroom namin. Tapos dumating ang adviser ko.
"Oh Mark bakit ang aga mo naman?"
"Ah Miss Tuazon, ayaw ko lang po talaga ma late. Yun lang po."
"Nako napakaaga pa...Kahit isang oras ka pa sa bahay hindi ka parin malelate."
Tapos lumabas si Miss Tuazon at pupunta raw siya sa faculty.
Nakita kong dumaan si Miss Oliveros sa labas! OMG! Dali dali kong tumakbo sa labas at tinawag ko siya.
"Miss! Good morning po."
Hindi ko ineexpect ang ginawa niya. Nilagpasan niya lang ako. Maayos naman ang pagsabi ko. Bakit kaya?
Maya maya ay dumating na si Vincent.
"Vincent! Alam mo ba nag good morning ako kay Miss Oliveros? Alam mo ginawa nya?!"
"Oh anong ginawa niya? Nag good morning back?"
"Yun na nga eh...." Malungkot ko itong sinabi sa kanya.
"Sabi na nga ba Mark eh!"
"Bakit nanaman?"
"Type mo siya noh?"
Sineryoso ko ang pagsagot sa kanya. "Ang totoo niyan Vincent eh meron talaga akong gusto sa kanya."
"WOAH! Seryoso ka ba?" Paggulat niyang sinabi.
"Oo nga....Kaso alam ko namang hindi niya ako papansinin."
"Most likely Mark....Ganito nalang gawin mo. Makipagkaibigan ka sa kanya."
"Oo nga noh! Sige!"
Pagkatapos ng aming pag-uusap, gumaan ang loob ko.
Magsisimula na ang 1st subject namin. Eh hindi namin alam kung ano dahil wala pa yung schedule sa bulletin. Maya maya pumasok na si Miss Oliveros.
Pasigaw kong sinabi, "NAKO!"
Nagulat si Vincent sakin! Sabi nya, "Bakit?! Bakit?!". Sabay tumingin si Vincent sa desk ng teacher.
Sabi ni Vincent, "Ahhhhhh kaya naman pala. Ok lang yan....makinig ka nalang at magrecite ng marami!"
Next part

BINABASA MO ANG
Maging Sila
General FictionSi Mark, isang matalinong estudyante, ay may nagustuhang isang tao na alam niyang malabong maging sila. Pero sa huli, naging masaya parin sila kahit ganun ang naging sitwasyon nila.