PINKY"Ma!" Tawag ko kay mama na hanggang ngayon ay nakatuon pa rin sa computer at hindi manlang ako nililingon.
Nagulat ako ng tumili si mama.
"Kyaaaaaaaah! Ang gwapo ni bo gum!"
Anak ng.... (-_-)
Nahampas ko nalang ang noo ko. Jusko yung nanay ko nilamon na ng kpop. Napailing nalang ako.
"MA!" This time sumigaw na ako.
Nilingon niya ako at tiningnan ng masama.
*gulp*
"Ano na naman ang problema mo pinky ha?" Tinaasan niya pa ako ng kilay. Ang taray eh noh.
"Eh, kasi ma yung uniform k---"
"Uniform na naman? Wag mong sabihing sira na naman?"
Napakamot nalang ako sa batok ko. "Hehe... Parang ganun na nga."
"Jusko naman pinky! Ano bang klaseng katawan meron ka ha anak? Daig mo pa ang balyena ah."
Sige lang ma, lait pa more! Ang supportive ng nanay ko noh? -_-
Nga pala kilala niyo na ba ako? Hindi pa? Oh siya, ako si Pinky Allison Andrada. Isang dyosa ng kagandahan, ubod ng ka-sexyhan, walang kang mamalait sa akin, in short almost perfect.
Sana lang ganyan ako noh? Pero isang malaking KALOKOHAN.
Dahil....
Ako si Pinky ang nanawalang sirena este balyena sa dagat pero syempre joke lang. Simple lang akong tae este tao pala. Corny ba? Well, masanay na kayo dahil mahilig ako sa mais.
Mataba ako? Oo, aminado naman ako diyan hindi ko naman kasalan kung bakit ako naging mataba eh, kasalanan ni mama yun! Ang sarap niya kasing magluto hihi!
Hindi porket mataba ako magiging nega na ako. Hello, tao pa rin ako! Likha rin ako ni papa G. Hindi ako nega thinker actually masayahin ako, hindi ako kj, marunong akong lumugar.
Maraming kagaya ko ang nagiging sentro ng bullying, dumaan naman ako sa ganyan pero papatalo ba ako? Syempre hindi noh!
Sa school namin kilala akong miss AB. Amazonang baboy! Akala niyo maganda ang ibig sabihin no? Pwes nagkakamali kayo.
Nung bata kasi ako ang hilig kong makipag-away, inaaway ko lang naman yung mga nambubully sa akin. Dinadaganan ko sila yung tipong mapipipi na sila! Sumo wrestler kasi ako! Hahaha joke!
"Oh, anong gusto mong gawin natin ha pinky?" Tanong sa akin ni mama, nakapameywang pa. Psh. -_-
"Edi bibili ng bago, kasi bukas na yung pasukan ma."
Hayy, pasukan na naman. Makikita ko na naman ang mga kaklase kong mga panget.
Nga pala, 4rth year high school na ako, konting tumbling nalang gra-graduate na ako. Sa PLUA(PEACE LOVE & UNITY ACADEMY) ako nag-aaral simula ata elementary diyan na ako nag-aral, isang pribadong paaralan ang PLUU kahit papaano afford naman namin, Hindi naman kami mahirap hindi din mayaman kumbaga sakto lang.
"Anak alam mo namang yang size mo napaka unique! Ang hirap maghanap ng damit o uniform dahil diyan sa katabaan mo. You know what I'm saying."
Pa ingles ingles pa ang lola niyo!
Grabe lang, ang swet ni mama. Nilalanggam na ako oh. -_-
"Yung totoo ma, anak mo ba ako?" Kasi naman kung makapanglait daig pa ang mga kaklase Kong froglet!
"Yung totoo anak, hindi ko din alam eh, yung tatay mo kasi may pagka babaero baka am--"
"MAAAA!" Umuusok na ang pango Kong ilong dahil Kay mama. Huhu. Ang sama, kung hindi ko pa pinatigil sasabihin pa talagang ampon ako! Eh, hindi naman ako ampon noh!
"Eto naman hindi mabiro hahaha! Pumunta ka kela Sheen tapos magpatahi ka Kay manang Celi. Okay na?"
"PSH!"
Padabog akong lumabas ng bahay, ka-imbyerna si mama. Kung hindi ko lang talaga nanay yun, dinaganan ko na. Pero kahit ganyan yan alam Kong mahal na mahal niya ako. Syempre mahal ko din, haha.
Agad naman akong pinapasok kung guard kasi kilala naman niya ako.
"Oh, tabs ginagawa mo dito?" Yan agad ang pambungad sa akin ng payatot na masungit na to. Psh kung hindi ko lang kaibigan to... Nako.
"Dun ka nga! Hindi naman ikaw ang pinunta ko dito." Tinulak ko siya at pumasok na ako ng tuluyan.
Yan si Sheen Fontanilla, ang napakabait kong kaibigan kulang nalang sa sobrang bait niyan sunduin na siya ni kamatayan.
Childhood friend ko siya, yung mga magulang ko at magulang niya tropapits kaya nagging magkaibigan na rin kami.
Hindi ko nga alam kung paano ko natiis ang payatot na yan. Saksakan ng sungit niyan, lagi akong pinagtitripan, mapang-asar, at higit sa lahat walang modo. Pero mabait naman yan, slight lang!
Magkapit bahay lang kami, nakatira kami sa isang village.
"Tss. Kunyari ka pa, na-miss mo lang ako eh." Nakangisi siya na parang aso.
Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. "Alam mo yats, kahit ikaw nalang ang matirang lalaki dito sa mundo hinding- hindi ako magkakagusto sa'yo! Tse!"
Yats ang tawag ko sa kanya, siya naman tabs ang tawag niya sakin. Bunga yan ng kaabnormalan namin.
Pinuntahan ko nalang si manang Celi sa kusina. Paano ko alam? May naamoy akong masarap at alam kong siya ang nagluluto.
Hindi kasi marunong magluto si tita Sandi mama ni Sheen. Shhh lang kayo ah.
Nga pala nakalimutan kong sabihin may kapatid pala ako. Nakalimutan ko, sarehh! Hindi naman kasi siya importante non! Clyde Andrada, mas matanda siya sa akin ng dalawang taon. Hindi namin sila kasama ni mama. Nasa ibang bansa sila ni papa, dahil tini-train ni papa si kuya kung paano humawak ng bussiness. Miss ko na ang mokong na yun.
Pagdating ko sa kusina tama ako nagluluto nga si manang! Adobo mga sis! Bigla tuloy akong nagutom kahit kakain ko lang.
May dragon kasi sa tiyan ko, wag kayong maingay secret lang yun! Haha.
"Hi, manang! Mukhang masarap yan ah!"
"Ikaw pala Pinky! Masarap talaga to."
"Pwedeng patikim?" Hehe. Oo, na ako na ang matakaw. Bakit ba? Masarap kayang kumain.
"Oo naman, basta ikaw. Nga pala bat nagawi ka dito?"
"Eh, kasi manang papatahi sana ako ng uniform." Nahihiya kong sabi. Naka sampung uniform na ang pinatahi ko nung nakaraang taon, lahat yun nasira.
"Hahahahahahaha! Papayat ka na kasi!" Nilingon ko ang demonyong nasa likuran ko. Ayun, patawa-tawa naluluha pa ang loko. Dadaganan ko to pigilan niyo ko!
Kinuha ko ang sandok ni manang at ibinato yun sa kanya. "Bulls eye! Bang!" Nag akto pa ako na parang may hawak na baril.
Buti nga sayo! Bleeeeeh!
*******
MUNTING PAALALA NI LP: Nga pala binura ko na yung SWDM nawala na kasi sa isip ko yung idea para doN. Salahat ng readers ng SWDM kung meron man, eto nalang basahin niyo!
Sana magustuhan niyo! Saranghae!
Picture: Pinky Allison Andrada
Kunyari mataba ahehehe.
BINABASA MO ANG
ANG LOVESTORY NG ISANG MATABA
HumorBUNGA ITO NG KAABNORMALAN NG UTAK KO. SO PLEASE ENJOY READING! ~ LP