Medyo iniba ko nga pala ang plot ng story. Sarehh na naguguluhan kasi ako. Paano pa kaya kayo? Wala basagan ng trip to owkey? Kung trip niyong basahin hanggang dulo ngayon palang sobrang salamat talaga! Hulog ka ng langit prend! Yun lang, sensya na nga pala sa typos, wrong grammar at spelling. Wala akong time i-edit eh.
So ayun lang! Salamat sa mga nagbabasa kung meron man. 😎
----- FEELING AUTHOR LP -----
Picture: Baro Martinez
********
PINKY
"Nandyan na si Miss AB!"
"Bigyan ng daan dahil hindi siya kasya!"
"Lilindol ng malupet kaya kumapit kayo!"
Akmang kukunin ko na sana ang sapatos ko para ibato sa mga hinayupak na yun pero pinigilan ako ni Hershey.
"Chill lang Pinky babe, masyadong kang HOT." Inismiran ko lang si Hershey. Hot-in mo mukha mo.-_-
Eto ang pinaka-ayaw ko sa lahat eh. Ang mga froglet kong mga schoolmates, mga froglet sila dahil ang hilig nilang kumo-kak! Puro talak lang! Parang baril ratatat!
Papunta na kami ngayon sa room at dahil sa masyado akong attractive. Bulong here, bulong there! Nakuuuu. Kung hindi lang ako graduating student pinagdadaganan ko na ang mga yan. Wala ng ginawa kundi ang manglait! Akala mo naman kegaganda, mas maganda pa nga ang pwet ko sa kanila.
Habang naglalakad kami sa hallway para hanapin ang section namin nagsalita naman tong si Hershey.
"Nga pala nasan si Sheen? Ba't biglang nawala?" Oo, iniwan lang naman kami ni yats. Buset yon.
Binatukan ko siya kaya napa-aray siya at napahawak sa ulo niya. "Tae naman to! Ang kati ng ulo ko sa pagbatok mo, nilagyan mo ba ako ng kuto?"
Tinapat ko sa mukha niya ang kanang kamao ko. "Gusto mo sapak?"
"Ayaw ko nga! Ano bang problema mo at bigla ka nalang nang babatok? Amazona ka talaga eh. Pasalamat ka wala ako sa mood ngayon para bawian ka. Hmmmp!" With matching taray pa. Dukutin ko mata neto eh!
"Ikaw kasi ha," Huminto muna ako at ganun din siya, "Bigay ka ng bigay ng advice baluktot naman! May pa 'Isang yakap o halik lang ang makakapagpapigil sa lalaking highblood.' At ako naman si uto-uto sumunod!" Sigaw ko sa kanya, wala akong pake kung pinagtitinginan na kami. Gagawa kami ng world war III pake niyo?!
Pinameywangan ako ng lukaret with matching taas kilay pa. "Oh, bakit tumalab naman ah. Sus kunyari pa ginusto mo rin naman."
"HORSHEY KA TALAGA!" Singhal ko sa kanya.
"PIGLET KA NAMAN!" Sigaw niya rin sa akin. Alam kong mukha na kaming tanga ang lapit namin sa isa't-isa pero kung magsigawan kami parang nasa magkabilang bundok kami.
Hanggang sa makarating kami ng classroom walang tigil ang pagbabangayan namin. Well, ganito talaga kami ganito ang tunay na magkaibigan, harap-harapan ang laitan hindi yung laitan kapag nakatalikod.
"Alam mo ang taba mo na! Mag diet ka nga kung hindi siguro semento tong inaapakan natin, kanina pa gumuho to!"
"Aba hoy," Sabay duro ko sa mukha niyang panget. "Alam kong mataba ako hindi mo na kailangang ipakalandakan sa pagmumukha ko! At kung ako mataba ikaw yang baba mo tapyasan mo na! Mukha ka ng mangga!"

BINABASA MO ANG
ANG LOVESTORY NG ISANG MATABA
HumorBUNGA ITO NG KAABNORMALAN NG UTAK KO. SO PLEASE ENJOY READING! ~ LP