ALSNIM🐷4

21 1 0
                                    

                        PINKY

Oh, I'm a Gummy Bear Yes

Yeah, I'm a Gummy Bear, Yeah

Oh, I'm a Yummy, Tummy, Funny, lucky Gummy Bear

I'm a Jelly Bear, cuz I'm a Gummy Bear

Oh, I'm movin', grovin', jammin', singin', Gummy Bear

Oh, Yeah

"Nyaaaaaaw!" Napamulat ako ng mata ko at inunat ang mga kamay ko.

"Sarap matulog!" Banggit ko habang nakahiga pa rin at nakatingin lang sa kisame.

Buti naman at hindi na tiktilaok ng manok ang gumising sa akin dahil kung hindi kakatayin ko na talaga yun. Kaya lang dahil sa gummy bear song na yan nagugutom tuloy ako.

Boing day duty party

Napalingon ako sa side table ko malapit sa kama ko. Nag ri-ring nga pala ang cellphone ko. Sino naman kaya ang tatawag ng ganito kaaga? Istorbo. Buti nalang at maganda ang gising ko, dahil kung hindi bubulyawan ko to ng bonggang-bongga.

Tamad na tamad akong kinuha ang cellphone ko hindi ko na tiningnan kung sino ang tumatawag at sinagot nalang ito.

"He----"

"PINKYYYY!" Dahil sa gulat ko sa pagsigaw sa kabilang linya nailayo ko agad ang cellphone ko sa aking taing at dahil sa nagulintang ako nalaglag lang naman ako sa kama. -_-

"Aisssh! Piste ang sakit ah." Daing ko habang nakadapa sa sahig. Oo NAKADAPA! Pakiramdam ko sumakit buong katawan ko. Sa bigat ko ba naman to malamang masakit ang pagkakabagsak ko. Pakiramdam ko nga lumindol eh.

Umayos ako ng upo at hinanap ang cellphone ko. Nang nahagilap ko na ang cellphone ko tiningnan ko kung sinong hinayupak ang tumatawag at bigla-bigla nalang sumigaw. Hindi ko kasi narecognize yung boses kanina.

"Kaya naman pala!" Sambit ko pagkakita ko kung sino ang tumatawag.

Kahit kailan talaga ang babaeng to parang may megaphone sa bunganga. Mamaya yari to sa akin. Nabingi ata ako sa sigaw niya. Nyeta.

Narinig ko pa na nagsasalita pa rin siya. Syempre nadala na ako kaya ni-loud speaker ko nalang at tinapat sa bunganga ko.

"HINAYUPAK KA TALAGA HERSHEY! SIGAW KA NG SIGAW!" Syempre bumawi ako ang sakit kaya ng tenga ko at pagkakabagsak ko.

"Ako pa talaga ang hinayupak? Hoy alam mo ba kung anong oras na ha?" Sabi niya sa kabilang linya. Tumawag ba siya para lang tanungin kung anong oras na? Kinginers talaga to, wala ba siyang relo? Mamaya nga hahampasin ko to ng wall clock.

"Tumawag ka ba para lang tanungin kung anong oras na ha? Ang aga-aga mong tumawag tapos yan lang ang itatanong mo? Buset ka!"

"Ang aga pa? Huh! Gaga 7:20 na at 7:00 po ang pasok nati---"

Hindi ko na siya pinatapos at basta ko nalang hinagis ang cellphone ko sa kama. Dali-dali akong pumunta ng banyo. Takte late na ako!

Pagkalabas ko ng bahay pumunta muna ako kina yats. Sasabay ako wala naman akong kotse. Ayaw akong bigyan ni mama ng kotse dahil gastos lang daw. Gastos daw para sa gulong dahil sa pag araw-araw na pagsakay ko ma-fla-flat lagi. Bait diba? =_=

"Goodmorning tita Sandi." Bati ko sa mama ni Sheen na nagdidilig ng halaman.

Tumigil naman siya sa pagdidilig at tumingin sa akin. "G-goodmorning Pinky." Bakit garagal ang boses niya? At yung mata niya parang galing lang sa iyak.

ANG LOVESTORY NG ISANG MATABATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon