PINKY
*Tiktilaoooooook*
*Tiktilaooooook*
"Anak naman ng manok oh! Kanino bang manok yan at ng makatay!"
Dahil sa letseng manok na yan nagising tuloy ang mga taba ko sa katawan. Ang aga-aga pa, pag talaga nakita ko yang manok na yan papakatay ko yan ng makain!
Wala na akong nagawa at tuluyan ng bumangon. Naghilamos muna ako at tsaka bumababa.
Habang papunta ako ng kusina nakaamoy ako ng masarap. "Hi ma! Bogumorning!" Masayang bati ko sa kanya.
Nagulat ako ng iduro sa akin ni mama ang kutsilyong hawak niya. Kakatayin na ata ako!
"Akin lang si bo gum tandaan mo yan!"
"Haaayyyy!" Napasabunot nalang ako sa buhok ko. Seriously? =_=
"Ma isusumbong kita kay papa! Nangangaliwa ka!"
*Pakkk*
"Aray ma! Masakit yun ah!" Napaka amazona talaga ng nanay ko, hinampas ba naman ako ng choppingboard?! Oh, alam niyo na kung saan ako nagmana?
"Subukan mo lang akong isumbong sa tatay mo. Isusumbong ko lahat ginagawa mong kalokohan! Hah! Kala mo ah may alas din ako."
Lumapit ako kay mama at niyakap siya, habang nakatalikod at nagluluto.
Akala niyo good girl ako? Good girl naman ako kaya lang pinapalibutan ako ng mga demonyo! Kaya ang nangyayari ako na mismo ang naghahatid sa kanila kay kamatayan.
Wala kasing araw na wala akong nakaka-away. Lahat kasi ng nang aasar sa akin, hindi ko pinapalampas. Ang kakapal ng mukha nila mas makapal pa sa bilbil ko, kung lait-laitin ako akala mo nga perpekto! Pwe!
Tinanggal naman ni mama ang pagkakayakap ko sa kanya at hinarap ako.
"Oh, ganito walang sabihan ng sikreto ah. Pinkyswear."
Nakipag pinkyswear naman ako kay mama.
Yung tatay ko kasi napaka seloso nun, ang childish! Kahit mga artista na lalaki na iniidolo ni mama pinagseselosan niya tapos iiyak. Parang eng-eng lang.
*********
"Bye ma alis na ako!"
"Sandali lang pinky!"
Napatigil naman ako.
Nga pala, first day of school ngayon ayoko sanang pumasok dahil wala namang gagawin kaya lang etong si mama mapilit.
Natahi na pala ni manang yung uniform ko kaya eto komportableng-komportable ako dahil may adjustment, maluwag sobra.
Tips ko para sa mga kagaya ko wag na wag kayong mag susuot ng hindi naman kayo komportable, nakakabawas yun ng kompyansa sa sarili. Okey?
"Oh, ma bakit?" Tanong ko ng makalapit si mama.
"Hindi ka ba sasabay kay Sheen?"
"Nako, ma di bale nalang. Mas prefer kong mag jeep."
Sa totoo lang ayaw ko talagang mag jeep naaawa kasi ako sa mga nakakatabi ko. Dahil kasi sa katabaan ko naiipit sila.
Medyo malayo kasi samin yung school kaya hindi ko kering lakarin. Tsaka nakakatamad mag lakad noh.
BINABASA MO ANG
ANG LOVESTORY NG ISANG MATABA
HumorBUNGA ITO NG KAABNORMALAN NG UTAK KO. SO PLEASE ENJOY READING! ~ LP