PINKY
"Oh, Ms. Andrada akala ko fli-nash mo na ang sarili mo sa inidoro pero imposible pala yun dahil hindi ka kasya."
Nagtawanan naman ang mga kaklase ko.
Yan agad ang bungad sa akin ni mam pagbalik ko ng klasroom. Lalong napabusangot ang mukha ko. Busangot na busangot na ang mukha ko, nasisira tuloy ang ganda ko. *sabay flipped ng mahaba kong buhok*
Badtrip na badtrip akong bumalik ng klasroom. Letse yung payatot na yun sinampal ako! Pakiramdam ko matatanggal na ang bagang ko, kahit pala payatot yun mabigat rin pala ang kamay.
Sabagay, hindi ko naman siya masisi siguro nakita niya yung ginawa ko sa babaeng sinasamba niya. Tse! Tama lang yun sa kanya.
Kung inaakala niyong magmumukmok ako dahil sinampal lang naman ako ng matalik kong kaibigan na si Sheen Fontanilla. Kababata ko pa yun ah tapos sasampalin niya lang ako dahil sa isang babae? Ha?! Huhuhu ang sama niya! Hindi ko siya mapapatawad. Lintik na ang walang ganti! Chos.
So, kung inaakala niyo magmumukmok ako hell noh! Sinampal niya ako, o, eh ano naman ngayon? Iiyak ako ng isang drum? Duh! Hindi ko sasayangin ang luha ko sa kanya atsaka patay lang ang iniiyakan. Sabagay patay naman si Sheen eh.
Patay na patay kay Vanessa, tse! Ibaon ko silang dalawa sa lupa eh. Para Till death do us part ang peg nila. -_-
Pupunta na sana ako sa upuan ko ng pigilan ako ni mam.
"Ms. Andrada anong nangyari sa mukha mo? Bakit namumula?"
Napahawak ako sa mukha kong nagmukha ng kamatis sa sobrang pula. Ikaw ba naman ang sampalin ng pagka-lupet lupet tapos mag-asawang sampal pa ang natanggap ko, magkabilaang pisngi. Para tuloy akong nginudgod sa sandamakmak na blush on.
Ngumiti ako kay mam. "Ang init po kasi sa labas mam eh. Sun burn lang po yan."
Tinaasan niya ako ng kilay. "Pinagloloko mo ba ako?"
Umiling-iling ako. "Hindi po mam ah. Seryoso po ako. Masyado po kasing sensitive ang skin ko eh~" Inartehan ko pa ang salita ko.
"Okay, anong konek?" Nag face palm nalang ako. Bwesit tong si mam barado ako dun ah. -_-
Padabog akong umupo sa upuan ko. Kaya naman mukhang na-istorbo ko ang lalaking masipag na nagsusulat.
Tiningnan niya ako ng masama at kung laser beam lang siguro ang mga mata niya kanina pa ako nalusaw.
"Oww, shuri shuri." Tinaas ko pa ang dalawang kamay ko na tila bang sumusuko.
"Kung may galit ka sa mundo wag kang mandamay ng inosente."
"Wow! Big word I-NO-SEN-TE. Inosente ka ba?"
"Shut up!" Singhal niya sa akin kaya napatikom ako ng bibig. Nagbalik na ulit siya sa pagsusulat ako naman umupo na.
Binuklat ko na ang notebook ko at nagsimulang magsulat.
Ay, sandali.... Nasaan nga pala si Hershey?
Tiningnan ko ang katabing upuan ni Baro. Walang tao, ay mali hindi pala tao ang naka-upo doon kundi kabayo.
"Hoy, Baro yung kabayo diyan nasaan?"
"Aba malay ko. Tanungan ba ako ng nawawalang kabayong mahaba ang baba?" Hindi manlang niya ako tinitingnan habang nagsasalita at patuloy lang sa pagsusulat.
Ba't ba ang sungit nito ngayon? Daig niya pa ang babaeng may dalaw sa sobrang kasungitan niya.
Sulat lang ako ng sulat kahit na tamad na tamad na ako. Si mam kasi bigla-bigla nalang natayo tapos iikot-ikot at magugulat ka nalang nasa likod mo na siya.
BINABASA MO ANG
ANG LOVESTORY NG ISANG MATABA
HumorBUNGA ITO NG KAABNORMALAN NG UTAK KO. SO PLEASE ENJOY READING! ~ LP