Limelight Part 1

7.6K 202 46
                                    

Mula sa direksyon ng The Soldier and I at Imbisibol

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Mula sa direksyon ng The Soldier and I at Imbisibol. Narito ang isang kwento na tiyak kapupulutan ng aral at inspirasyon..

Limelight: public attention and interest

Special Thanks to Miss Haruka Ojo / @cold_deee (Wattpad) for the Cover

--------------------

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

**************

Limelight

AiTenshi

March 30, 2017

"Samantala, balitang showbiz naman tayo mga katropa. Mainit na usapin ngayon ang pag remake sa isang sikat na Hollywood movie na ang title ay "Brokeback Mountain". Ito ay isang gay themed film na kinabibidahan nina Heath Ledger at Jake Gyllenhaal. Ang pelikulang ito ay sumikat noong taong 2005 na may budget na 14million US dollar at naging Box office na mayroon 178.1 million US dollar. Ngayon 2017 ay pinag p-planuhan ang pag gawa ng kaparehong kwento at sa pag kakataong ito ay dito na sa bansa gagawin ang naturang pelikula. Maraming sikat na artista ang napipiga upang gumanap sa role ng mga bidang tauhan at sa pag kakataong ito ay abala na ang management sa pag pili ng karapadapat sa pinoy version ng brokeback mountain.

Ilan naman sa mga lalaking artistang pinag uusapan sa mga social media ay sina Jevan Monsuni, Albert Rogondola, Jaspher Santos, Rico Ramos, Niko Cruz at Mark Kiko Peralta. Halos hindi na rin nila maitago ang excitement sa naiibang pelikula ng taon."

"Oh diba, atleast kasama ka sa pinag uusapan sa social media. Iyan ang patunay na napapansin kana ng mga tao." ang wika ng aking manager habang nanonood kami ng telebisyon.

"Na gumanap sa isang gay themed na movie? Hindi nalang.." sagot ko naman.

"Bakit hindi Kiko? Isang malaking break ang nag hihintay sa career mo kung sakaling ikaw ang makuhang star ng brokeback mountain na iyan. Alam mo naman hindi sapat yung pa extra extra at pa sabit sabit natin sa mga sitcom at pelikula, saka ano bang kinatatakot mo? May talent ka naman sana diba?" sagot niya.

"Eh kung mag quit nalang kaya ako sa showbiz at ipag patuloy ang aking pag aaral? Tutal 3rd year naman na ako pag pasok sa kolehiyo." tugon ko.

"Hindi naman tama na mang iwan ka sa ere hano. Ang pag aaral ay walang pinipiling edad, maaari kang mag aral habang nag aartista. May mga online subjects naman na pwede mong ienroll. Pero ito Kiko, itong project na ito ang mag dadala sa iyo sa rurok ng tagumpay. Ano IN ka ba o OUT? Malaki pa naman ang chance mo. Sabi nga ni Direk Jojo Marquez ay nakikita ka niya sa role ni Jake Gyllenhaal."

LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon