Limelight Part 2

3.6K 172 47
                                    

PAUNAWA:

"Hindi lang ikaw ang manunulat sa mundo. Ang ano mang pagkakahawig ng tauhan, lugar at pangyayari sa totoong buhay ay hindi sinasadya ng manunulat. Ang mga nilalaman ng akdang ito ay pawang kathang- isip lamang. Kung hindi mo gusto ang iyong binabasa maaari mong lisanin ang pahinang ito. Maraming salamat po."

Limelight

AiTenshi

April 1, 2017

Mula sa aking kinatatayuan ay sumalubong ang malakas na liwanag na nag mumula sa loob buong silid. Nakaka silaw ito at nag bibigay ng kakaibang pakiramdam..

Ito na ang oras upang ipakita sa lahat ang tunay na talento ni Mark Kiko Peralta Jr.

Part 2

"Welcome Mr. Kiko. Upo po muna kayo." ang bungad ng isang staff.

"Bakit walang tao?" tanong ko naman.

"Nasa loob na kasi si Mr. Niko. Nag a-audition na siya." ang sagot niya sabay turo sa isang silid kung saan nagaganap ang pang huhusga kaya naman muli ako binalot ng kaba.

Napabuntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa pinto ng naturang silid. "Sabi sa iyo sakto lang ang dating natin. Mag relax ka lang dyan at mamaya ay sa iyo na ang major role." wika ni Dada sabay tapik sa aking braso.

"Bahala na, basta may plan B ako." sagot ko naman.

"Wala nang Plan B dahil ito na iyon. This is it ng bonggang bongga."

At habang nasa ganoong pag uusap kami ay siya namang pag kakagulo ng tao sa hallway. Dito ay nakita ko ang isang lalaking papasok, naka salamin at maraming nakapaligid na body guard. Ang lalaking ito ay si Albert Rogondola na naka suot ng sirang maong at sandong itim na pakat na pakat sa kanyang matipunong dibdib na animo nililok sa perpektong hugis. Noong mga sandaling iyon ay napatingin ako sa aking ayos, pareho kaming naka sando ngunit hindi ganoon kaganda ang aking katawan kumpara naman sa kanya. "Umuwi na tayo, siguradong si Albert na ang makukuha." ang bulong ko sa manager ko na animo pinang hinaan ng loob.

"Aba, bakit tayo aalis? After ng mga hirap at pag pupuyat mo sa gym? Never tayong aatras no. Saka sino ba nag sabing siya na agad ang makukuha?" ang tanong ni Dada.

"Yung abs nyang 6 pack. Umuwi na tayo!" ang wika ko sabay tayo sa aking kinauupuan ng biglang bumulaga sa aking harapan si Albert. Medyo na starstruck pa ako ng kaunti dahil ngayon ko lamang siya nakita ng personal. Mas matangkad ito sa akin, pakiwari ko ay nasa 6ft siya, maputi at parang may lahing banyaga dahil sa kanyang mata na kulay brown. "Hi pare, tapos na ba?" tanong niya.

"Ah eh, hindi pa. May nag aaudition pa sa loob Ang sabi ay tatawagin nalang daw kapag okay na." sagot ko.

"Sige bro. Goodluck sa atin." naka ngiting sagot niya sabay upo sa kabilang gilid ng waiting area.

Walang kibuan, ititigan lang kami. At pakiramdaman. Hindi ko alam kung anong isinisip niya pero sa tingin ko ay over confident siya na mag tatagumpay na makuha ang role. "Basta bahala na, may the best man win." ang bulong ko sa aking sarili.

At habang nasa ganoong pag iisip ako ay bumukas na ang pinto ng silid kung saan nagaganap ang audition at mula nga dito ay lumabas si Niko Cruz. Masayang masaya ito at kinamayan pa ang lahat ng staff sa loob waiting area. Yung tipong parang nag tagumpay na siya. Ito ang rin ang unang pag kakataon na nakita ko siya. Katulad ni Albert, maganda rin ang kanyang katawan, payat ngunit bato bato ito. Mag kasing tangkad lang kami at mas chinito lang siyang tingnan lalo na kapag ngumingiti.

"Mga pare goodluck sa inyo." ang wika nito sabay kamay sa amin ni Albert.

"Salamat." sagot ko naman.

LimelightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon