Chapter 2: Part 2 ( Chick magnet? )

231 6 0
                                    

Nagi's House

Saturday; 11:30 AM

Pumunta sa 'min si Thea para sabay kami magpunta sa park. Nakasuot siya ng white dress, black leggings at boots.

Infairnes!  Parang fashionista ang dating!

Ako pa nga, naka jeans, t-shirt at may sapaw na jacket lang. Hindi ako tomboy ha!

"Ano ba yan? Pupunta ka ba sa park? Kailangan mo magpaganda Nagi!" sabi niya.

"Ha? Sa park nga tayo pupunta eh!"

"Hindi! Sasabihin ko sa kanila na magpunta tayo sa mall."

"Eh?? Bakit pa?"

"Eh.. kasi boring kung sa park lang tayo, ano ba dapat nating gawin dun, tignan ang mga bata mag laro?"

"Yes?"

"NO! May dala pa kong mga damit dito oh! Alam ko kasing mangyayari to. Tara punta tayo sa room mo."

Bago ako makasalita hinila na niya agad ako papunta sa room ko.

Kung ano anong damit ang binigay niya sa 'kin. "Ok! Pili ka lang kung anong suutin mo! Mga cute na dress yan lahat ah! Take your time!" At lumabas na siya sa kwarto ko.

After 10 minutes lumabas na 'ko

"Wow! and cute mo talaga Nagi!! Ma inlove talaga si Luke sa 'yo! " sabi ni Thea.

Nakasuot ako ng dress na hanggang sa tuhod ko, light blue ang kulay, sinuot ko din yung blazer ko na white, (kasi sleevless yung dress) at light blue din na doll shoes. Ang buhok ko, braided. Para akong country girl. Cute country girl. ♥

Pinasuot din niya ako ng mga necklace accessories. Ang bonga ko talaga! Parang sino! Parang hindi na si Nagi na palagi kong nakikita. XD

Pumasok kami sa living room dahil nandoon si mama at dad upang makapag-paalam.

Oops, I forgot to tell you right?

Meron akong little sister, si Mayumi, 12 years old.

"Wow! Onee-san! you look so kawaii!!" sabi ni Mayumi sa 'kin. Hindi pa rin niya namamaster ang japanese kagaya ko, mga words lang alam namin. :(

"Oh! Sige picture kayo! Wait lang ha kunin ko muna ang camera." sabi ni mama.

"Onee-san's meron kayong date?" - Mayumi

"Oo, Mayumi, mga gwapo ka date namin!" Biro ni Thea,

"Hindi Mayu, Nagbibiro lang siya!" sabay tingin ko kay Thea.

"Sino ka date niyo?" tanong ni dad habang bumabasa ng dyaryo.

"Ah! Wala dad, hangout lang sa mga friends" nakakatakot talaga tong si dad.

"Weh? Istoryahee! Huwag kang magbibiro sa 'kin Nagi," - dad

Hayy.. ano ba yan, "Weh" at "Istoryahee"? Na influence yata to sa TV kaysa sa akin.

"Im telling the truth dad, we're just going to hang out with our friends." I swear to God, he's always SO protective of us.

Well that just shows how much they love us right?

"Then, wag mo kalimutan yung cp mo." sabi niya at bumalik sa pag babasa ng dyaryo

"Opo." sabi ko naman

"O nakita ko na ang camera! sige na, Dikit kayong tatlo and smile!." sabi ni mama.

"Wait! bakit kasali si Mayu?" tanong ko.

"Does it really have to be all about you and Thea?" sabi ni Mayumi. Hala! Ang strict naman nito ah! Suplada talaga! Sisipain ko to siya eh!

Click!

Mga ilang shots ang nakuha namin, parang mga 60 ata.

Si mama kasi hindi marunong magkuha ng pictures. Palagi blur ang pictures at palagi niyang napepress yung shut down button.

"Oh sige! Alis na kami!" Sabi ko sa kanila.

"Take care!" Sabay nilang sabi sa 'min.

                                            *********

Mga 12:47 PM na pag alis namin, sabi ni Luke na magkita daw kami quarter to one sa park. Pagating namin dun, meron na si Luke at Asa, naguusap.

Lumapit kami sa kanila at agad nagulat ang dalawa.  "Hoy Thea! Sino ba yang kasama mo? Ang ganda ah! Si Nagi ba yan? " tanong ni Asa at lumapit sa kin.

"O sige na, maganda na siya!." sabi ni Thea sabay pag pout

"Wag ka nang magalit Thea, maganda ka din!" sabi ni Asa sabay lapit kay Thea at kinurot and kanyang mga pisngi. Sabay kaming tumawa ni Luke.

 Nang manahimik na kami ay bigla lang nag tanong si Asa. "Ano bang gawin natin ngayon?" o.O

"Punta nalang tayo sa mall!" - Thea sabay pagtalon parang palaka

"O sige"- Luke

"Pero anong sasakyan natin?" Mag je-jeep ba kami?

"Meron kaming driver, wait lang tatawagan ko muna." sabi ni Luke sabay pagkuha ng phone niya. Wow! May driver pa talaga.

After 8 minutes may sasakyan nang dumating.  "O sige na pasok kayo." sabi ni Luke at binuksan ang pinto sa backseat.

Pagpasok namin, ang ganda at ang bango. I wouldn't mind living here in this car.. not at all...

"Hindi ko alam na ganito pala kayo ka yaman Luke." sabi ni Asa at nagsimulang nag drive yung driver.

"Ahh.. Hindi naman" sabi ni Luke na nakasandal sa kanyang upuan.

"Anong gagawin natin sa mall?" tanong ko. Bakit ako nalang ba ang parating tumatanong =.=""

"Hmmm.... Ah! Tingin tayo ng cine!" sabi ni Thea sabay pagtaas ng kanyang kamay. Bakit pa siya parating bumibigay ng suggestions? Habang ako, tanong ng tanong ng mga bagay-bagay!

"That's a good idea, pero anong movie?" - Asa

"Meron silang horror movie ngayon diba?" Tanong ko nanaman. =.=""

"Oh! Sige ! 2 girls 2 boys watching a horror movie Kyahhh!! What do you think will happen?! XD" - Thea

"Shut up Thea!  =.= " Now I feel uneasy.

"Dont worry Nagi, We'll never do that to you." sabi ni Luke at tumigin kay Asa.

Anong that? that that or that that? Anyway why did he looked at Asa? They were smiling at that time. Are they planning to do that to us? What the hell is that?? GAHHHHH!!!!!

 Mga ilang minuto nakarating na kami sa mall.

"Nandito na po tayo." Sabi nung driver.  Lumabas kami, at umalis na yung sasakyan.

"Tara bili muna tayo ng pagkain bago mag cine" suggest ni Thea. =.="

Bumili kami ng burgers at drinks at pumunta para mag bili ng ticket. I-lalabas sana namin ang aming mga wallet nang magsalita si Luke

"Ahh.. huwag na, my treat" sabi niya at ngumiti. Ang mga babae na malapit samin ay agad na tumigin sa kanya with eyes shaped like hearts.  ♥.

Ughh.. Bakit ba sila tumitingin sa kanya palagi! >.< Nakaka-atract talaga ng mga babae! Parang magnet!

Love at First Sight?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon