Chapter 2

5 0 0
                                    

Chapter 2

Milk Shake

Simula noong araw na yun, lagi ko nang pinipilit si mama na isama niya ako kela tita Dianne para maturuan ako ni Tobi mag piano. Pagkatapos namin sa piano, tinuruan naman niya ako mag gitara at base. Kadalasan ay sa mini Studio niya kami nag pra-practice para hindi kami maingay. Maraming instruments doon. May drums, acoustic guitar, electric guitar, base guitar, ukulele, keyboard at kahit pati violin ay meron. Meron ring mic kung saan minsan ko na siyang naabutang kumakanta doon.

Ang sabi niya sakin, pag wala daw siyang magawa, tinutuon nalang niya ang atensyon sa musika. Kaya inaral niya ang pagtugtog simula bata pa lang.

Naging magkaibigan kami kahit na medyo masungit pa rin siya sakin. Nang tinanong ko siya kung bakit hindi siya pumapasok sa school, ang sabi niya ay home-schooled daw siya kaya hindi ko na inusisa pa.

Sa loob ng tatlong taon ko siyang kasama, wala pa akong nakikita na ibang bata na nakakahalubilo niya. Ako lang. Pero minsan, na-aabutan ko siyang may kausap sa telepono at masayang nakikipagkwentuhan.

Kaya naman nagulat ako nang hinarap niya ako na may malawak na ngisi.

Grade 6 na ako sa pasukan. Siya rin siguro grade 6 na kung pumapasok siya sa school. Malaki ang tinangkad niya sakin, hanggang balikat nalang niya ako kahit dati mag kasing height lang kami. Pero payat pa rin siya. At maputla. Minsan nga natatakot akong hawakan siya eh, baka kasi mabalian ko siya ng buto. Malaman pa naman ako kasi lagi akong ginugutom ni mama tuwing nagluluto siya ng masasarap na pagkain. Lalo na desserts.

Tinignan ko si Tobi na may halong pagdududa. Nung huling beses na nginitan niya ako ng ganyan, umuwi ako sa bahay na may harina ang buhok, mukha at katawan. Paano ba naman, ni-prank niya ako. Kaya ngayon ay nagdududa nanaman ako kung may sinet up nanaman siyang prank para sakin.

"Oh, bakit ganyan ka makatingin?"

Pinanliitan ko siya ng mata. "Eh bakit ganyan ka rin makangiti?"

Mahina siyang napatawa at mas lalo pang lumawak ang ngiti. Kumalabog ang puso ko. Kinakabahan ako.

"Pupunta kasi dito sina Kyo at Momo!" Masaya niyang sabi habang nagtatatalon.

Pinagmasdan ko lang siya at naupo sa sofa. "Sino yun?"

"Pinsan ko si Kyo at kaibigan naman namin si Momo. Sa states kasi sila nag aaral."

"Kaya ngayong summer, uuwi sila?" Kinuha ko ang remote at binuksan ang TV.

Tumango siya at inagaw sakin ang remote.

"Hoy!"

"Bawal kang manood kasi tuturuan mo akong magbake ng cookies." Ma-awtoridad niyang utos sa akin.

Tinaasan ko siya ng kilay at humalukipkip. "At bakit ko naman yun gagawin?"

"Kasi best friend kita kaya tutulungan mo ako."

Bahagyang uminit ang pisngi ko. "Psh. Ako lang naman kaibigan mo eh," bulong ko.

"Ano yon?"

"Wala, wala." Pumunta na kaming kusina at naabutan si mama na nagluluto doon.

"Oh? Naparito kayo?"

Without HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon