Chapter 6

5 1 1
                                    

Warning: Do not try this at home kids.
--------

Chapter 6

Tanduay Ice

Nagpadala ako kay yaya Marga ng meryenda sa mini Studio ni Tobi. Si Lance naman ay mukha paring kinakabahan hanggang ngayon.

"Basta wag mo lang tignan ng daretso sa mata para hindi ka malapa," payo ko sakanya.

Bahagyang natawa si Lance at mukhang nabawasan ang kaba sa loob.

Pumasok na ako sa mini Studio, nasa likod ko si Lance. Si Tobi ay nakaupo na sa stool habang tumutugtog ng gitara. Nag angat siya ng tingin sa amin at dumaretso ito sa tao sa likod ko. Inirapan lang niya si Lance at tinuon na ang atensyon sa gitara.

Mukha namang nakahinga ng maluwag si Lance dahil hindi siya na-kick out sa pamamahay ni Tobi. Binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Kukunin ko na sana ang gitara ko nang magsalita si Tobi nang hindi manlang ako tinitignan. Tss.

"Let's sing a cover."

Tinaasan ko siya ng kilay. "Kakanta ka?"

Binigyan niya ako ng hindi makapaniwalang tingin, "Hell, no. Syempre ikaw kakanta."

"Paano kung ayaw ko?" Hamon ko sakanya.

Sinimangutan niya ako at tinignan ng matagal na para bang may pinagiisipan. Tinignan niya si Lance at sinamaan muna ng tingin bago tinignan mula ulo hanggang paa.

"Edi siya nalang," he shrugged.

"H-ha? Pero h-h-hindi ako—" halata kay Lance ang kaba at hiya kaya naman to the rescue ulit ako. I swear, uupakan ko na talaga 'tong Tobi na 'to!

"Tss. Edi wag nalang kaya?" Inirapan ko si Tobi at nag pluck ng random strings sa gitara.

"Pinapunta-punta mo yan dito tapos wala namang gagawin," pagsusungit pa niya.

Tumungo si Lance na para bang hiyang-hiya na siya. Tss!

"Ikaw lang naman ang may gusto gumawa ng cover eh, so bakit mo kami dinadamay?!"

For a moment, betrayal flashed in his eyes, then it was gone. Sinamaan niya ako ng tingin at marahas na binaba ang gitara niya.

"Fine," he growled. Hindi niya pinansin si Lance na nasa tabi ng pinto nang lumabas siya at padabog na sinara ang pinto.

Lance flinched.

I sighed and walked over to him. Tinapik ko ang likod niya. "Don't mind him. Nag te-temper tantrum lang yun."

Tumungo ulit si Lance. Awe, para siyang puppy na nasipa… ang cute!

"Dapat hindi na ako pumunta," nagi-guilty niyang sambit.

Ginulo ko ang buhok niya at inaya siyang lumabas. Hinatid ko siya sa tapat ng bahay nila.

"Pasensya na talaga dun sa payatot na yun, ah? Suplado lang talaga yun pero mabait naman kahit papaano."

Binigyan niya ako ng malungkot na ngiti. Nakaramdam ako ng kirot sa puso dahil sa itsura niya. Mukha talaga siyang puppy! Ang cute!

"Okay lang. Sana maging mag kaibigan kami balang araw."

Tinapik ko ng malakas ang likod niya kaya naman napa-abante siya sa kinakatayuan. "Sisiguraduhin ko talagang maging magkaibigan kayo 'no! Masyado kasing anti-social at suplado yung payatot na yun kaya walang kaibigan eh."

Without HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon