Chapter 5

5 0 0
                                    

Chapter 5

Tobi Suplado


Hindi ko namalayan na lumabas na pala sila tita Dianne. Still, kahit kaming dalawa nalang ang natira, wala pa rin kaming sinabi sa isa't-isa. Hawak hawak ko lang ang kamay niya habang humaharentado ang puso ko. Natatawa nga ako pag lumalakas ang tibok ng puso niya eh. Literal. Dahil sa aparato na nagmomonitor ng heartbeat niya, naririnig ko kung gaano kabilis ang tibok ng puso niya kaya naman lagi siyang namumula na parang kamatis.

Nagdaan ang dalawang linggo bago pinayagan ng doctor na ma-discharge siya. Hindi ko pa rin tinatanong kela tita kung ano ang sakit niya.

I'm scared.

Nang ma-discharge siya, hindi naman nagbago ang pakikitungo namin sa isa't isa. Pero mas naging observant ako. Nagkaroon na siya ng mga gamot na iniinom. Apat na gamot ang iniinom niya araw araw.

Kinabisado ko ang schedule kung kelan siya dapat uminom, para kung sakali na wala kaming kasama na katulong, ako ang magpapaalala sa kanya. Lagi narin akong may dalang tig tatlo ng bawat gamot para laging may extra. Para na nga akong naging nurse niya eh, dahil sa mga dala dala kong gamot.

Pero other than that, wala namang nagbago. Nag aaway pa rin kami, tumutugtog sa mini Studio niya. Minsan naglalaro sa Xbox niya o kundi naman ay nag mamarathon sa Netflix.

Patapos na ang school year, konting kembot nalang. Lumabas kami ni Tobi upang makapagpahangin siya. Hapon na nun nang magpunta kami sa playground ng subdivision nila.

Dahil na rin siguro puro rich kids ang nakatira dito at may kanya kanya silang Play Station o/at Xbox, wala masyadong dumadayo sa playground na ito.

Naupo ako sa swing set habang siya naman ang nagtu-tulak sakin.

"Ang bigat mo."

Siniko ko siya. "Edi wag mo akong itulak."

"Kain ka kasi ng kain."

"Edi wag mo na nga akong itulak. Tss."

"Hindi ka tuloy naging sexy."

Inirapan ko lang siya habang tinutulak pa rin niya ako.

"Nakita mo ba pictures ni Momo sa Facebook? Ang sexy na niya ngayon. Hindi tulad dati na para siyang plywood."

"Ikaw naman hanggang ngayon parang barbecue stick," bulong ko.

Nilakasan niya ang tulak niya dahilan para mapatili ako.

"May sinasabi ka ba Phoebe?" Kalmado niyang tanong pero halatang may halong pagbabanta.

Sinamaan ko siya ng tingin bago kumapit sa kadena at nag swing mag isa. "Sabi ko, ang stalker mo."

Inirapan niya ako at umupo sa katabi kong swing. "Psh. Hindi ako stalker 'no. Nagpost lang siya ng picture tapos nakita ko."

"Sus. Ni-like mo naman," bulong ko.

"Ano?"

"Psh. Bingi mo! Ang sabj ko, kailangan talagang ipamukha kung gaano siya ka-sexy?"

"Sexy naman talaga si Momo eh. Sigurado akong mas se-sexy siya pag tanda niya."

"Makasabi ka ng sexy akala mo naman sobrang prominent nung curves nung tao."

"Selos ka lang eh. Buti pa si Momo kahit papaano may curves. Eh ikaw?"

Sinamaan ko siya ng tingin habang siya naman ay nginisian ako. "Ibang klaseng curves yung meron ka. Curve kung curve eh," natatawa niya sambit.

Tatayo na sana ako para upuan siya para mas lalo siya ma-flat nang may nakita kaming lalaki na naglalakad patungo rin dito sa playground.

Mukhang ka-edad lang namin siya. Tulad ni Tobi, matangkad din siya at payat. Pero halata naman na healthy siya. Hindi tulad ni Tobi.

Binigyan niya kami ng tipid na ngiti. "Uh… hello. Akala ko walang tao."

Tinaasan siya ng kilay ni Tobi. "Eh bakit ka pa tumuloy? Kita nang may tao oh."

Nagulat ang lalaki sa sinabi ni Tobi at mukhang aalis na ulit sana. Siniko ko si Tobi dahilan para mapangiwi siya.

"Teka! Wag mong pansinin 'tong payatot na 'to. Ganito lang talaga yan. Parang laging may nakain na masama."

Mukhang nahihiya man, bumalik pa rin siya samin at naupo sa bench na katapat nitong swing set.

"Ako nga pala si Lance."

"Ako naman si Phoebe at itong payatot na 'to ay si Tobi Suplado."

Tinapunan ako ng masamang tingin ni Tobi ngunit hindi ko siya pinansin. Nakangisi lang ako sa tumatawang si Lance.

"Ano palang ginagawa niyo dito?"

Inirapan ulit siya ni Tobi at nagpatuloy sa pag swing. "Di mo ba nakikita na nagswi-swing kami?"

"Wala lang. Wala kasing magawa sa bahay eh, kaya natripan namin pumunta dito."

Tumango siya kahit na bahagyang napangiwi sa ka-supladuhan ni Tobi. Tsk.

"Ako rin eh. Bagong lipat lang kami nila papa dito kaya naisip kong libutin itong subdivision."

"Talaga? Taga saan ka dati?"

"Taga Mandaluyong kami. Pero na-relocate si papa kaya, ayun. Dito na kami."

"San ka nakatira? Itong si Tobi jan lang sa may tabi ng blue na bahay. Kanila yung cream ang kulay tapos may konting dark brown."

Tumango-tango si Lance. "Ah. Six houses away lang ako mula kela Tobi. Samin yung cream din at green na bahay."

"Malapit lang pala."

"Yup."

"Sige lang, mag usap lang kayo. Kayo lang kasi ang tao dito eh. Wala naman kasi ako diba," bulong ni Tobi na sana'y ako lang ang nakarinig. Pinanlakihan ko siya ng mata pero inirapan lang niya ako at nag swing lang nang nag swing. "Okay lang, Phoebe. Ako yung kasama mo pumunta dito pero iba naman 'tong kinakausap mo."

"Eh ikaw, Phoebe, taga saan ka?" Inosenteng tanong ni Lance. Inirapan siya ni Tobi na hindi naman ata niya nakita o hindi nalang niya pinansin.

"Ah, hindi ako taga dito. Sa Cubao pa banda bahay namin."

"Eh bakit ka nan—"

Naputol ang sasabihin niya nang biglang tumayo si Tobi. "Phoebe, tugtog tayo. Bored na ako." Hindi niya inantay ang sagot ko at basta nalang nag martsa patungo sa bahay nila.

Bahagyang napangiwi si Lance. "Ayaw niya sa akin 'no?"

Ni-pat ko ang shoulder niya. "Don't worry, he doesn't like people in general so don't take it personally. Nung una rin mas suplado pa jan ang pakikitungo niya sakin."

Tumawa si Lance bago bumuntong hininga. Siguro dahil mag isa nanaman siya. Tss. Yung lalaki kasing yun!

"Sige na. I better go—"

"Gusto mo ba sumama samin?" Nakangiti kong alok sakanya.

Lumaki ang mga mata niya. "Ha? Eh hindi naman ako inaya ni Tobi eh. Wag na. Alam mo namang ayaw niya sakin."

"I told you, ayaw niya sa lahat ng tao. May iilan lang na hindi masyado katindi ang pagka-ayaw niya. Tara na!" Hinigit ko siya patungo kela Tobi.

"This is a bad idea," kinakabahan niyang saad.

"Nonsense. Marunong ka ba tumugtog ng instrument?"

Umiling siya.

Nagkibit-balikat lang ako at ningisian siya. "Oh, well. I guess it's your lucky day. Tuturuan ka namin."

At sa pagpasok namin sa bahay nila Tobi, mukha parin siyang takot na rabbit na hinahatak papunta sa den ng mga fox.

Without HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon