Chapter 9

5 0 0
                                    

Chapter 9

Make a Wish

Masayang nagdaan ang summer na yun. Hinatid namin sila Kyo papuntang airport. Ang sabi niya samin, kino-convince pa niya ang parents niya na dito nalang mag aral sa Pilipinas, ganun din si Momo. Habang sila Hans naman ay napapayag na nila na dito nalang mag aral, sa tatlong kondisyon.

Una ay sila tita Dianne ang tatayong guardian nila habang nasa Pinas kaya dapat mapapayag din nila ang mga ito. Pangalawang kondisyon ay dapat kasama si Kyo at Momo. Kumbaga ay sama sama dapat sila. All or nothing. Pang huli ay dapat tapusin muna nila ang isang school year sa States.

Kung matupad nila ang mga kondisyong 'yon, next year dito na sila mag aaral. Sa private school sa tapat ng school ko. Ang Morrigan Academy.

Excited na kaming tatlo nina Tobi na mangyari yun kahit hindi pa natutupad ang pangalawang kondisyon. Napapayag naman na nila Tobi at Kyo si tita at tito sa arrangement na ito kaya okay na yung unang kondisyon.

Ngayong grade 8 na ako, mas humirap ang mga subjects pero kaya pa naman. Karamay ko na si Lance sa pag luluksa tuwing ni-tutor kami ni Tobi sa math. Grabe, mas terror pa siya sa teacher namin.

Mabilis nagdaan ang panahon. Hindi ko namalayan na October na pala at bukas na ang birthday ko.

Gustong-gusto ko talaga pag may birthday kasi ang ibig sabihin nun ay may handa. Lalo na pag birthday ko, dahil may handa na nga, may mga regalo pa ako!

Nagrequest ako kay mama na kung pwede ay dito matulog sila Tobi. Gusto ko kasi makaranas ng slumber party eh. Pumayag naman siya pati si tita Dianne. Pati si Lance ay kasama sa slumber party namin.

Kahit na birthday ko, todo linis ako ng bahay habang si mama naman ay busy sa pagluluto ng handa ko. Nakakahiya naman kasi kayla Tobi at Lance na engrade ang mga tahanan. Simple lang naman ang munti naming bahay. Cream at maroon ang coloring ng buong bahay. May second floor kami kung saan nandun ang kwarto ko, kwarto ni mama at isang guest room. Dahil sa kagustuhan ko, nagkaroon kami ng rooftop. Dati kasi ay tambakan lang ng mga gamit 'yon pero sinisikap kong linisan araw araw. Naglagay na kami ni mama doon ng mini vegetable garden ko. Ang susunod naman ay flower garden tapos papalagyan ko ng mga upuan o swing para cozy. May nailagay na nga akong hammock doon at gustong gusto kong humihilata dun lalo na pag maganda ang panahon.

Napatigil ako sa pag punas ng bintana nang mag ring ang doorbell.

"Phoebe! Baka sila na yun!" sigaw ni mama mula sa kusina.

"Opo!" sagot ko.

Agad akong tumakbo papuntang pinto. Binato ko muna sa ilalim ng silya yung basahan at marahang pinunas ang mga kamay sa damit. Pagkatapos ay lumabas na ako ng bahay para pagbuksan sila ng gate.

Kita ko na agad ang kotse nila Tobi sa tapat ng bahay namin.

"Teka lang!" Sigaw ko kahit alam ko naman na di nila ako naririnig.

Natataranta kong binuksan ang gate namin. Kasya naman yung kotse nila sa garahe namin. Just barely. May kotse naman kami. Dati. Kinailangan ibenta ni mama para magkapera kami.

Bumaba sila tita Dianne sa kotse habang sinasara ko palang ang gate. Babalingan ko na sana sila nang may yumakap sakin mula sa likod.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 06, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Without HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon