Chapter 4

7 0 0
                                    

Chapter 4

I'm Here

Papunta ako kela Tobi noon nang makatanggap ako ng tawag kay tita Dianne. Nung una hindi ko siya masyadong maintindihan dahil humahagulgol siya.

Nang marinig ko yun, kinabahan kaagad ako. Hindi yung usual na kaba na nararamdaman ko pag kasama si Tobi. Itong kabang ito… para bang may inaasahan akong hindi magandang mangyayari.

"Phoebe," nanginginig na sabi ni tita. "Pumunta ka dito s-sa Cardinal Santos."

"Bakit po tita? Are you okay?"

"S-si Tobias…"

Tila nabuhusan ako ng malamig na tubig. She never calls him by his full name. And…and… oh God. Nasa ospital sila!

"Sige po tita. On the way na ako."

Binaba ko ang tawag at pumara ng taxi. Buti nalang hindi ko pa nadedeposit sa bangko ang ipon ko.

"Manong sa Cardinal Santos po."

Pag dating dun, tinanong ko kaagad ang pangalan niya at sinabi sa aking nasa emergency room daw.

Tumakbo na ako habang tinatawagan si tita pero hindi na kailangan dahil nakita ko na sila. Kasama niya si tito Mikko na hindi mapakali sa kakalakad habang siya naman ay nakaupo lang at tahimik na umiiyak. Nandoon din si yaya Marga na mayordoma nila tita.

"Ano pong nangyari?" Hinihingal kong tanong.

Mukhang nahihirapang magsalita si tita kaya si tito ang nagsabi sakin. "Inatake siya."

"Inatake ng ano po? M-may sakit po ba siya?"

Tumango lang si tito Mikko. "Pinanganak siya na mahina ang katawan niya," nagiwas siya ng tingin, "lalo ang puso."

"Alam naman namin yun kaya nga ginawa namin ang makakaya namin para wag lumala ang kondisyon niya pero…" nilagay ni tita ang mukha niya sa dalawang kamay.

Naupo sa tabi niya si tito bago pinatong ang ulo ni tita sa kanyang balikat at hinalikan ang temple nito. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil inabutan ako ni yaya Marga ng panyo.

Agad ko naman itong pinunasan. Kailangan kong maging malakas. Para pag nakita niya ulit ako… para pag nakita ko ulit siya…

Dumating ang doctor at agad hinanap ang magulang ni Tobi. Sinabi na stable naman na daw siya at nilipat na sa isang private room. Hinatid niya kami doon bago ni-request na kung pwede ay pribado silang makausap.

Niyakap lang ako ni tita Dianne bago sila sumunod sa doctor.

Tinignan ko ang walang malay na si Tobi. Ang payapa ng itsura niya. Para lang siyang natutulog. Hindi halata na inatake siya kanina o na may sakit siya. Kundi lang dahil sa mga aparato sa tabi ng kama niya, mukhang okay lang naman siya.

Who am I fooling?

Simula palang nang makilala ko siya, mukha na siyang may sakit. Masyado siya payat, masyadong maputla. Mahinhin lagi kumilos, malumanay. Mahina.

Kasi may sakit siya.

Bakit hindi ko napansin?

Without HimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon