Alexa's POV
"Hello?"
"Hon late akong makakauwi mamaya. Wag mo na akong antayin dito na ko mag didinner. Just cook for yourself. Take care." at pinutol na nya ang tawag.
Hayyss.. Ang swerte ko talaga sa asawa ko.
Masipag, maalaga, mabait, matalino, gwapo, macho, responsable, ideal man ng lahat ng mga babae.
Kaya masasabi kong swerte ako dahil ang lalaking sinasamba ng mga babae ay syang sumasamba sa akin. :)
Ako nga pala si Alexa A. Velanze. May bahay ni Luis Velanze.
Magdadalawang taon na kaming kasal ng aking asawa.
Kung itatanong nyo kung bakit wala pa kaming anak? Well it's because ganun kalaki ang respeto ng asawa ko saken. Wala pa kasi sa plano namin ang pagkakaroon ng anak.
Gusto naming makaipon muna at masiguro ang magiging kinabukasan ng magiging anak namin. Ayaw naming magpadalos dalos.
10:05 pm na at wala pa rin ang asawa ko. Sinubukan kong tawagan pero naka off na ang phone nya. Kinakabahan na ko. Nasan kaya si Luis?
Nag antay pa ko. 20minutes na ang nakalipas ng marinig ko ang isang sasakyan sa labas. Alam ko asawa ko na yon. Dahil don napawi na ang kabang nararamdaman ko.
Dali dali aking bumaba para salubungin sya.
"ohh hon bakit gising ka pa?" sabi nya ng makita nya ako sa couch sa sala namin. Mababakas don ang pagkabigla nya.
"ehh hindi kasi ako makatulog hon ehh. Kaya hinintay na lang kita." sabi ko ng nakapout.
Lumapit sya saken at hinalikan ang noo ko.
"diba sabi ko wag mo na kong hintayin dahil malalate ako ng uwi?"kalmadong sabi nya.
"alam mo namang di ako makatulog pag wala ka sa tabi ko ehh." sabi ko naman na may halong paglalambing.
Napa sigh na lng sya. Totoo naman ehh. Sinanay nya kasi akong laging nasa tabi ko sya.
Inakay na nya ako paakyat sa kwarto namin. Pagpasok namin ay agad syang nagtungo sa harap ng cabinet at kumuha ng damit nya pantulog. Pagkakuha nya non ay sunod naman nyang tinungo ang banyo para doon na magpalit. Paglabas nya ng banyo ay agad syang humiga sa tabi ko.
Ang bango ng asawa ko. Ewan ko ba? siguro pinampapaligo nito ang pabango ehh.
Naramdaman ko na ang mainit na braso nyang yumakap sa akin. Umikot ako para makaharap sya.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng mukha nya.
Ang gwapo talaga nya. Pano kayabg ang isabg gwapong gaya nya ay umibig saken?
"hon?" tawag nya sken na nagpabalik sakin sa katinuan ko. Kung bakit ba naman kasi pag nakatingin na ko sakanya ehh nawawala ako sa ulirat ko?
"ikaw hon ahh. Baka nmn nirarape mo na ko sa imagination mo. Sabihin mo na kasi hon kung gusto mo na. hindi naman ako mahirap kausap ehh" nakangising sabi nya.
Hinampas ko sya ng mahina sa dibdib nya.
"wag ka ngang feeling. Hindi ako ganun kahalay mag isip nuhh. Baka ikaw." nakasimangot na depensa ko sakanya.
Ehh sa hindi naman talaga ehh. Masyado lang feelingero tong asawa ko.
"grabe hon ahh. Kelan ka pa naging brutal?" biro nya saken. Tinalikuran ko na lng sya.
"hmp. Matulog ka na nga at marami ka pang gagawin bukas." sbi ko na lng at pumikit na.
Hinigpitan naman nya ang pagkakayakap sakin.
~••~
YOU ARE READING
Lies Behind Love
RomancePag-ibig o nakaraan mo? Nanaisin mo bang kalimutan ang pagmamahalan at masasayang pangyayari sa iyong buhay na inyong punagsaluhan? Pipiliin mo bang balikan ang mga alaalang sisira sa pagkatao mo sa kasalukuyan? Hahayaan mo na lang bang lamunin ng g...