Habang kumakain kami ng kapatid ko ay tinanung nya kung anung pangalan ng asawa ko.
Nang mabanggit ko ang pangalan ni Alexa ay napatigil sya sa pagkain at iniangat ang tingin sa akin.
Binigyan ko naman sya nang kilala-mo-ba-sya look.
"ahm kuya ahh.. ehh.. ano ba ang buong pangalan nya?" utal na sabi ng kapatid ko.
"Alexa Antonio Velanze. Kilala mo ba sya?" nagtatakang tanong ko sakanya.
"kasi kuya...." naputol ang sasabihin nya nang mag ring ang phone ko.
Pinaalala lng ng secretary ko ang meeting ko.
Malalate na pala ako kaya agad akong nagpaalam sa kapatid ko. Binayaran ko muna ang bill namin bago ko sya iwan sa restaurant.
Alexa's POV
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako ngayong.
Habang naglilinis ako sa loob ng bahay pakiramdam ko may nagmamasid sa akin.
Nilingon ko ang paligid at wala naman akong nakita.
Tinawagan ko na lang si Lea para magpasama dito sa bahay.
Hindi naman kasi ako hinahayaan ni Luis lamabas mag isa. Mas maganda nang si Lea ang kasama ko dito sa bahay kesa mga bodyguard na inasign para sakin ng asawa ko.
Habang hinihintay ko ang kaibigan ko ay binuksan ko na lang ang tv.
Di naman nagtagal ay may nagdoorbell kaya agad akobg lumabas.
Si Lea yun. Pinapasok ko na sya. Pinaghanda ko sya ng meryenda. Nagtsismisan lang kami. Hanggang my tumawag sakanya.
Nagpaalam na sya saken. Emergency daw kaya kailangan na nyang umalis.
Hinatid ko sya hanggang sa gate. Paglabas nya ay agad ko namang isinara ang pinto at pumasok na sa loob.
Hindi pa man ako tuluyang nakakaupo ay may nagdoorbell.
"baket kaya sya bumalik? siguro may naiwan." sabi ko habang papalapit sa gate.
Pagbukas ko wala naman akong nakitang tao. Pero pagtingin ko sa baba ay may nakita akong kahon.
Pumasok na ko sa loob at binuksan na yung kahon.
Nanlamig naman ang buong katawan ko at pakiramdam ko ay nanlambot ang tuhod ko.
Nabitawan ko yung kahon na hawak ko. Kasabay ng pagbagsak ng kahon na yun ay ang pagbasak ko rin sa sahig.
Nakatulala lang ako di ko namalayang gabi na pala. Nakita ko na lang na napatakbo sa dereksyon ko ang asawa ko.
Agad akong yumakap sakanya at sumiksik sa dibdib nya.
hindi ako makapagsalita. Natatakot ako. Takot na takot. Pero nung yumakap na pabalik ang asawa ko kahit papaano ay naramdaman kong ligtas ako.
Luis POV
Nagtataka ako kung bakit ni text wala akong natanggap sa misis ko.
Tinawagan ko sya pero hindi nya sinasagot ang mga tawag ko.
Dali dali akong umuwi dahil di na ko mapakali.
Pagpasok sa loob ay nakita ko ang asawa ko na tulalang nakatingin sa kahon sa harap nya.
Nang lapitan ko sya ay agad nya kong niyakap. Ganito yung yakap nya sakin noon bago sumabog ang eroplanong sinasakyan namin noon.
Punong puno ng takot. Agad akong yumakap pabalik para ipaalam sakanya na nandito lang ako.
Nang mahimas masan sya ay agad ko syang iginiya paakyat sa kwarto namin.
Nung masiguro kong nakatulog na sya ay bumaba ako.
Tumungo ako sa sala para tignan yung kahon.
Biglang nanlamig ang katawan ko sa nakita ko.
~••~
YOU ARE READING
Lies Behind Love
RomancePag-ibig o nakaraan mo? Nanaisin mo bang kalimutan ang pagmamahalan at masasayang pangyayari sa iyong buhay na inyong punagsaluhan? Pipiliin mo bang balikan ang mga alaalang sisira sa pagkatao mo sa kasalukuyan? Hahayaan mo na lang bang lamunin ng g...