"kuya bilis na. Tama na muna yang pambababae mo. Kailangan kita ngayon dito sa opisina."sabi nang isang babae. di ko maaninag ang mukha nya. Malabo at tanging tinig nya lang ang naririnig ko.
"oo na. Anu nanaman kasi yan?" pagmamaktol nung lalaki.
Siguro yun ang kuya nya.
"may kailangan akong puntahang business meeting. Ikaw muna ang mag take over saken habang wala pa ko." saad nung babae.
Parang pamilyar ang mga boses nila.
Di ko sila makilala dahil ang labo ng imahe nila."ahh. Gaano ka naman katagal mawawala huh?" sabi nung lalaki sabay tapik sa balikat nung babae.
"hindi ko alam kuya. Depende siguro kung madali kong makukuha yung deal."sabi nung babae sabay batok sa kuya nya.
"aray ahh. Makabatok ka wagas. Baka nakakalimutan mo kuya mo ako." pagalit na sabi nung lalaki.
"Kuya nga kita. Ehh kung umasta ka naman parang ikaw yung bunso. Tss. Sige na aalis na ko at baka mahuli pa ko sa flight kO." at tumalikod na yng babae.
Pero di pa sya nakakalayo ay nilingon nya ulit ang kapatid nya.
"Kuya umayos ka ah. Pagbalik ko dapat nasaayos pa rin ang opisina ko. Wag mong pairalin yang pagiging isip bata mo sa loob ng kompanya ko huh." may pagbabantang sabi nung babae.
"grabe ka naman maka ISIP BATA. Oo na. Have a safe trip." sabi ng kuya nya sakanya.
Habang nasa loob ng eroplano ay hindi mapakali yung babae.
Hanggang sa nakita nyang nagpapanic na ang mga crew sa eroplano at nagpagewang gewang na ang paglipad ng eroplano.
Ilang sandali pa ang lumipas at napuno na ng usok ang loob ng eroplano at hindi rin nagtagal ay sumabog ito.
Nagising ako na hinihingal at gabutil ang pawis.
Panaginip lang iyon? pero bakit parang totoo?
Naramdaman ko ang pag akap ng asawa ko mula sa likuran ko.
"hon bakit?" sabi nya. Halata sa boses nya na bagong gising lang sya.
Nilingon ko sya at binigyan ng isang pilit na ngiti kasabay ng marahang pag iling.
Tapos nun ay nilingon ko ang orasan na nakalagay sa side table ng higaan namin. 4:30am na.
"hon babangon na ko magluluto pa ko ng breakfast natin." sabi ko sakanya.
Bumangon na ko at ginawa na ang mornibg routines ko. Tapos nun ay nagluto na ko.
Pagkatapos kong magluto ay pinabangon ko na ang asawa ko. 5:30am na kasi at 6:00am dapat nasa opisina na sya.
Habang naliligo si Luis, naghain naman na ko sa lamesa. Bago pa sya bumaba galing sa kwarto ay nakapagtimpla na rin ako ng kape naming dalawa.
Ganito kami tuwing umaga. Pagkatapos nya kumain ay agad na syang nagtungo sa kotse nya. Sinundan ko lang naman sya. Pero bago pa sya pumasok sa kotse nya ay binigyan nya muna ako ng isang mabilis na halik sa aking labi tsaka sya sumakay at nag wave bago paandarin ang sasakyan nya.
Sinundan ko na lang ng tingin ang kotse nya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko.
Pumasok na ko sa loob. Gagawin ko na lang ang mga gawaing bahay.
~••~
YOU ARE READING
Lies Behind Love
RomancePag-ibig o nakaraan mo? Nanaisin mo bang kalimutan ang pagmamahalan at masasayang pangyayari sa iyong buhay na inyong punagsaluhan? Pipiliin mo bang balikan ang mga alaalang sisira sa pagkatao mo sa kasalukuyan? Hahayaan mo na lang bang lamunin ng g...