Nanlamig ang pakiramdam ko nang makita ko ang laman ng kahon.
Damit ng isang babae na puno ng dugo at isang piture. Ang asawa ko at dalawang lalaki. Nsa gitna nilang dalawa si Alexa. Pero di ko makita ang mukha nung dalawang lalaki dahil sinunog ang part nito.
Sa likod ng litrato may nakasulat.
"HINIHINTAY KA NA NANG LIBINGAN MO."
"BABAWIIN KO ANG PAG AARI KO NA KINUHA MO."
Agad kong tinawagan si butler Johan. Dalawang ring lang ay sinagot na nya ang tawag ko.
"boss my problema ba?" Tanong pagkasagot sa tawag ko.
"pumunta ka dito ngayon na." maotoridad na sabi ko.
Tsaka ko inend call.
after 30minutes dumating na si Johan.
"I want you to trace who the hell send this f*cking things to my wife." mahina ngunit my diin na sabi ko kay Johan.
"and check all the CCTV in this house. Gusto kong malaman kung may nagmamasid ba sa bahay na to. Padalhan mo rin ng 5 bodyguards si Alexa sa ayaw nya o sa gusto dapat ay lagi nyang kasama ang mga ito. Wag nilang hahayaang mawala sa paningin nila ang asawa ko. And asign more securities around this house." dagdag ko pa.
Tumango lng sya at umalis na.
di ko hahayaang may mangyaring masama sa asawa ko.
Nagpadeliver na lang ako ng makakain naming mag asawa.
Pagdating nang oagkain ay agad kong inayos. Nilagay ko ang mga pagkain sa pinggan tsaka ko nilagay sa tray at umakyat na sa kwarto.
"hon kain na tayo."sambit ko habang hinahaplos ko ang ulo ng misis ko.
Nagulat ako ng hawiin ni Alexa ang kamay ko at nanginginig na bumangon at tumakbo sa sulok ng kwarto.
"wag mo kong sasaktan. Lumayo ka saken. Please wag kang lalapit." umiiyak na sabi nya.
Bakas sa mukha nya ang takot.
Nilapitan ko sya at niyakap.
"shhh. Hon ako to. Nandito lang ako. Walang mananakit sayo." Pag alo ko sakanya.
Ilang sandali pa ay kumalma na sya. Inalalayan ko sya patayo at muling pinaupo sa kama.
pagkatapos namin kumain ay bumaba ako para hugasan ang pinagkainan namin.
Umakyat na ako agad sa kwarto pagtapos kong maghugas. Nakapag bihis na pala sya ng pantulog nya.
"hon ano pang ginagawa mo dyan? halika na matulog na tayo." paglalambing ng asawa ko.
"hon nang aakit ka ba?" hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko.
"hindi. Bakit hon? naaakit ka ba?" panunukso nya.
Agad ko syang sinunggaban nang halik. halik na may kasamang pagnanasa.
"matulog na tayo hon." sabi ko nang maghiwalay ang labi namin.
Tumango lang sya at yumakap na sakin.
Inakap ko naman sya pabalik.
hindi ko hahayaang saktan ka nila Alexa. Bulong ko sa isip ko bago ako pumikit
~••~
YOU ARE READING
Lies Behind Love
RomancePag-ibig o nakaraan mo? Nanaisin mo bang kalimutan ang pagmamahalan at masasayang pangyayari sa iyong buhay na inyong punagsaluhan? Pipiliin mo bang balikan ang mga alaalang sisira sa pagkatao mo sa kasalukuyan? Hahayaan mo na lang bang lamunin ng g...