Meet Alexa and Luis at the side - - - - - - ->
~••~
Alexa's POV
Ilang araw na ang lumipas simula nang may magbigay ng nakakatakot na bagay na yun.
Natatakot ako na nagtataka. Sino yung dalawang lalaki sa larawan? Di ko naman makilala dahil sunog at talagang di maidentify yung image nila.
Nakakainis din dahil kahit nasa bahay lang ako ay todo sunod tong mga unggoy na to.
"Hon alis na ko." Luis.
"Aalis ka? Linggo ngayon ahh.?" sabi ko naman na sobrang nagtataka? San naman kaya ang punta nito? Halos araw araw na sya ginagabi ng uwi at pag umaga naman laging nagmamadali.
"Hon may inaasikaso lang ako. Dito ka lang ahh. Alis na ko. Bye" then he waved his hand tapos umalis na.
Napapout na lang ako. Tinawagan ko na lang si lea para naman may makakwentuhan ako.
Di naman sya tumanggi dahil wala din naman daw syang gagawin.
Habang hinihintay ko si lea ay gumawa ako ng snack. Siguro magmomovie marathon muna kami.
Ilang sandali lang ay narinig ko na ang sasakyan nya sa labas.
Akmang lalabas na ko nang unahan ako ng isa sa mga bodyguards ko.
"ma'am ako na po" BG
"ako na, si lea yan" ako
"ma'am sabi kasi ni sir-" pinutol ko na yung sasabihin nya.
"b*llsh*t. Sabi nang si lea lang yan ehh." singhal ko skanya.
masindak sana. bulong ko sa isip.
Bigla namang parang kinabahan ang itsura nya. Kung di lang siguro ako umaacting ngayon baka humagalpak na ako ng tawa.
"a-aahh ma-a'am a-ano ka-kasi a-ahh sige po ma'am." umalis naman agad sya sa dadaanan ko.
kailan pala sinisindak to ehh.
Paglabas ko naman ay ramdam ko ang pagsunod ng mga asungot sa likuran ko.
"hi lea" bati ko. Ngumiti naman sya bilang tugon. "tara pasok ka." at giniya ko ba sya papasok.
Habang namimili sya ng panonoorin namin ay inihanda ko na ang ginawa kong snacks at juice. Paglabas ko sa kusina ay nakita kong mag uumpisa na ang palabas.
Inilapag ko na ang pagkain sa table malapit sa sofa.
Habang nanonood kami ay biglang sumakit ang ulo ko na animoy binibiyak.
May mga pangyayari na kahalintulad ng nagaganap na eksena sa palabas.Nakita ko naman ang pagngisi ni lea bago ako mawalan ng malay.
"Kuya anu ba naman yan. Kailan ka ba magiging responsable? Malaki ka na kuya. Ehh kung tinutulungan mo ko sa paghandle sa company na pinamana nila mommy kesa dyan sa pambababae, alak, sugal na bisyo edi sana di ako mamomroblema ng ganito." Bulyaw ng dalaga sa kuya nya.
"bigyan mo ko ng magandang rason para gawin ko yang gusto mo" matapang na sagot ng binata.
"gusto mo ng rason kuya? hindi ka na makakakuha ng allowance na mangagaling saken. I'll freeze all your bank accounts, credit cards at lahat ng pwede mong pagkuhaan ng pera. I will alsi call your friends para walang tutulong sayo. Now kuya? are you going to help me now?." confident na tugon ng dalaga.
"ayytss. Sige na nga" tugon ng binata habang ginugulo pa ang sariling buhok tanda ng kanyang pagkainis sa dalaga.
Biglang nagdilim. Tumakbo ako ng tumakbo.hanggang sa may maaninag akong liwanag.
Sinundan ko yun at napadpad ako sa isang....
"airport?"bulong ko.
Luminga linga ako at nakita ko nanaman ang magkapatid na nagtatalo kanina lang sa harap ko.
"kuya huh, yung binilin ko sayo. baka naman pagbalik ko mababalitaan ko na lang na wala kang ibang ginawa dito kundi puro yang kalokohan mo huh." sermon ng dalaga.
Habang tinitignan ko ang nangyayari sa dalawang tao sa harap ko ay unti unting nagiging malinaw ang imahe nila.
"oo na. ako nang bahala dito.Mag iingat ka dun ahh." paalala naman ng nakakatandang kapatid nya.
"syempre naman kuya. Si absdkdsks. Wag mong pabayaan kuya huh. Alam mo naman yun medyo matigas na din ang ulo." ssabi ng dalaga. Sino kayang tinutukoy nya?
Ilang sandali pa ay mulimg binalot ng kadiliman ang paligid.
tumakbo akong muli at pinilit ko hanapin ang pinanggalingan ko. May nakita akong isang munting liwanag at sa pagsunid ko sa liwanag na yun ay biglang nanindig ang balahibo ko at nanlambot ang tuhod ko.....
~••~
A/Npabitin muna Huh. Hahaha. PEACE :)
YOU ARE READING
Lies Behind Love
RomancePag-ibig o nakaraan mo? Nanaisin mo bang kalimutan ang pagmamahalan at masasayang pangyayari sa iyong buhay na inyong punagsaluhan? Pipiliin mo bang balikan ang mga alaalang sisira sa pagkatao mo sa kasalukuyan? Hahayaan mo na lang bang lamunin ng g...