Ara's PoV
Hindi ko alam kung bakit pero paggising ko palang kanina,mabilis na ang tibok ng puso ko at masama ang kutob ko.
I had this weird dream na pagkagising ko kanina ay hindi ko matandaan kung anong meron sa panaginip na 'yon. Pero isa lang ang sigurado ako...
Hindi 'yun maganda.
4:30pm na. Hindi talaga ako mapakali dito sa kwarto ko.
Lumabas ako ng kwarto ko dito sa palasyo at hinanap si Daphne.
Nakita ko siyang nakikipagkulitan kay Rence.
"Daph. I need your help"-Me
"Huh? Bakit Ara?"-Daph
"May problema ba?"-Rence
Umiling ako.
Hinila ko agad si Daphne papunta sa kwarto ko.
"Nalalaman mo ang panaginip ng isang tao diba?"-Me
Tumango siya.
"Alamin mo yung sakin Daphne. Pagkagising ko kanina,alam kong may napanaginipan ako pero ang weird lang kasi hindi ko matandaan."-Me
Nagulat siya bigla.
"B-bakit?"-tanong ko.
"Sabi ng lola ko--sa kanya ko nakuha ang kapangyarihan ko, ang mga ganung panaginip daw ay nagkakatotoo, kapag nagkatotoo na dun mo lang masasabi na 'parang nangyari na to' at marerealize mo na yun ang napanaginipan mo. Let me ask you, nung gumising ka anong naramdaman mo?"-medyo kinakabahan niyang tanong.
"I..... felt uneasy... scared.... uncomplete"-Me
"Close your eyes."-sabi niya at ginawa ko naman.
She touches my forehead at ilang segundong nakahipo siya sa noo ko ay biglaan niyang nailayo ang palad niya na parang bang napaso at nagulat.
"A-anong nangyari?"-tanong ko.
"H-hindi maaari."-Daphne
"Bakit? Anong nakita mo?"-Me
"N-nakita ko... babarilin ka pero..."-daphne. Para bang takot na takot siya.
"Ano?"-Me
"H-hindi sayo tumama ang baril."-Daphne
"Anong ibig mong sabihin?"-Me.
"C-crown prince."-Daphne.
"Anong meron sa crown prince?"-tanong ko pero may tumawag sakin.
"Bakit?"-Me
"Maghanda na daw po kayo sabi ni Heneral John."-Isa sa mga babae dito sa palasyo.
Tumango naman ako.
Tumayo na si Daphne.
"Mag-ingat nalang kayo Ara."-sabi niya at lumabas.
Naligo muna ako bago nagbihis.
color blue ang gown ko with touch of white. White linings na may beads, napakaglitterizing ng gown, tube yun pero may fur coat na ang ganda *-*
Minake-up-an ako ng isa sa mga babaeng katiwala ng palasyo at inayos ang buhok ko. Nilagyan din niya ng face paint na blue crystal ball ang kanang parte ng noo ko. Wala akong flower crown this time dahil korona na ng reyna ang isusuot ko mamaya.
Hindi pa man ako itatalagang Reyna, korona na niya ang isusuot ko, sa araw ng kasal namin ng crown prince ay tsaka pa lang ako hihiranging reyna.
Pagkatapos ay lumabas na ako ng kwarto ko.
Naglalakad ako habang may apat na babaeng katiwala ang nakasunod sa akin.
"Princess. Ang ganda mo"-Rence. Nginitian ko siya.
"Tara na"-sabi ni Vin. Ang popogi nila ah. Mga nakataas ang buhok habang puro puti ang suot, may mahahaba silang coat. Tanging ang Crown Prince at Princess lang ang naka asul ngayon.
"Si Ken?"-tanong ko. Ngumiti lang sila
"Makikita mo din mamaya"-sabi ni Rence.
Sinamahan nila ako sa Grand hall ng palasyo. Ang daming tao--err Permagena at Permageno
Umakyat kami sa may parang stage. Charot xD. May hagdan kasing 2 steps lang tapos nandun yung dalawang upuan. Isa para sa reyna/crown princess at isa para sa hari/crown prince.
Pagnagka-anak na daw,tsaka lang dadagdagan ang upuan.
"Good evening Permagenos and Permagenas. We are all gathered here to witness and recognize our new Crown Princess and celebrate her birthday together with the crown Prince..."-si tito john ang nagsasalita.
"Please welcome our new Crown Princess-- Dawn Aratuen."-tawag ni tito john kaya agad akong pumunta sa harapan na inaalalayan ni Rence.
"And our crown Prince--Francis Aquaken."-Tito John.
Putahamnida. A-anong kalokohan to? Lumingon ako kayna Rence at nakangiti silang lahat. Paglingon ko sa kanan ko, katabi ko na ang nakangiting si Ken
"K-ken."-Me
"Hi. Happy birthday"-sabi niya.
"I-ikaw... i-ikaw ang crown prince?"-Me
Tumango siya.
"Bakit d mo sinabi?"-tanong ko.
"You didn't ask me my real identity"-sabi niya kaya nagpout nalang ako.
Ng may maalala ako bigla
"Hindi sayo tumama ang baril..."
"C-Crown Prince..."
Bumalik sa isip ko ang sinabi ni Daphne. H-hindi. Hindi pwede.
Lumingon ako kay Daphne at halatang kinakabahan at natatakot siya.
Hindi yun totoo. Kumalma ka Ara.
Hindi ko namalayang nasa tabi ko na si Tito John at hawak niya na ang korona.
Unti unti ng dumidilim.
"5...4...3...2...1... Greetings to our new Crown Princess"-sabi ni Tito John at ipinatong sa ulo ko ang korona na biglang lumiwanag. Pakiramdam ko lalo akong lumakas.
Ngumiti ako sa harap nilang lahat. Nakangiti din si Ken.
Masaya kaming lahat pero...
Sa pagkawala ng liwanag ay nakita ko si Jin at may kasama siyang babae. May hawak na baril..
H-hindi.
Napalingon si Ken sa direksyong tinitingnan ko at kasabay non ay ang pagputok ng baril...
Dapat ay sakit dulot ng bala ng baril ang mararamdaman ko pero hindi...
Hindi yun ang naramdaman ko kundi..
Ang yakap NIYA na punong puno ng PAGMAMAHAL.
~~~~****
BINABASA MO ANG
Icy Destiny (Completed)
FantasiaLet's enter the world of Ice/Water Tribe in the Kingdon of Permagen :).. First Fantasy story. hope you like it ;)