I've Got Mixed-Up.
Prologue:
"Hoy, hugasan mo nga yung mga plato sa sink." Utos ni Storm na nakahilata at nagbabasa ng libro.
"Okay." Sagot ko naman.
"Bebang, nalinis mo na ba yung music room?" Tanong naman ni Klein na kakababa lang galing sa kwarto.
"Oo." Sagot ko.
"Paabot nga ng baso ko." Utos naman ni Yu-an na nakatingin sa basong nasa harap niya. At napatingin ang lahat.
"HOY! Sumusobra ka na! Ayan lang o! Aabutin lang ng kamay mo ng 5 seconds! I-uutos mo pa!" Sagot ko.
"Hoy! Ano ko? Tanga? 3 seconds lang ang pag-abot-- teka, nagrereklamo ka na? LAYAS." Mahinahong sabi ni Yu-an na parang walang pakialam sa paligid.
"Oh! Eto na baso mo!" Takbo at pag-abot ko sakanya ng baso ng pilit.
BWISET!
Di naman gan'to buhay ko e!
Dahil sa napakawalang h'yang pinsan kong si Josh nasira ang pagkabuhay prinsesa ko!
Sa bahay namin, never akong naglinis ng bahay! Never humawak ng maduming plato! Tapos anong ginagawa ko dito!
Aish! Buhay!
Ang kasama mo sa bahay kung di ka nga naman mamalasin!
HAMBOG!
UBOD NG SUNGIT!
MAKASARILI!
MGA PANGET!
...
Oo! Panget! Tama!.. Aish. Sige, joke lang.
Basta! MGA EPAL!
Kung totoo nga ang...
'Why do we always fall for the bad guys..'
Paano ko pipili? Kung lahat sila UBOD-NAPAKA-MEGA-ULTRA-SAMA!!
YOU ARE READING
I've Got Mixed-Up!--On hold.
HumorMatutuwa ka ba kung makakasama mo ang napakasikat at gwapong banda?! Eh ang ugali naman eh wala pa sa sakong ng paa! GRRR!! Masasabi nyo pa ba na 'girls always fall for the bad guys?!'