I've Got Mixed-Up: chapterFIFTEEN.
------------------------------
(Krishel's POV)
Oo! Tama! Tears of joy! Malamang, gusto ko sya maging bestfriend diba?
Tapos natupad ngayong birthday ko!
NAAAAKS.
Tulog na ko. -__________-
------------------------------------
Day 9: daytime.
(Yu-an's POV)
At dahil ako nanaman ang unang nagising, ako rin ang mag-re-ready ng breakfast.
At dahil dyan. Mag-oorder lang ako, malamang.
Intay ng konti--
*dingdong!
Nang makuha ko ang delivery galing sa gate, pagbalik ko, andon na pala si Storm at parang may tinapon sa basurahan, parang badtrip pa rin ang aura niya.
Mainit pa rin kaya yung dugo niya kay Krish?
"Morning." Bati ni Krish pababa ng stairs,
Ngumiti lang ako pero si Storm.. walang reaction.
Hanggang sa matapos na ring kumain si Krishel at masayang sinabi,
"Yey! May cupcake pala ako for dessert!"
Tumayo siya at pumunta sa ref.
"Bakit wala dito? May nakita ba kayong cupcake dito?" Pagtataka niya,
"Wala." Sagot ni Storm,
"Inaaway mo nanaman Storm?! Birthday kaya niyan kahapon!" Sigaw ni Klein na kakagaling lang sa taas.
"Abnormal." Bulong ni Storm.
peroo,
"Happy Birthday!" Bati ko kay Krish. Di ko alam na birthday niya.
BABAWI AKO!!
"Thanks Yu-an, pero Klein. Alam mo yung cupcake na binigay m--" Di natapos yung sasabihin ni Krish.
"Wala akong binigay na cupcake." Sagot ni Klein,
"Wag ka ngang titira ng drugs." Sabi ni Storm.
"Pero, marami pa ngang candles yun e--Hay, baka nga inaantok lang ako kahapon." Sagot ni Krish.
"Guys, punta na tayo kay John, bilisan niyong kumain--" Paalala ko.
"Aalis kayo?" Tanong ni Krish.
"Ngayong yung concert namin." Sagot ko.
Tumingin si Krish kay Storm at napayuko,
"Ah. Oo nga pala. Sige, ingat nalang kayo."
-----------
Umakyat na rin sila at ako nanaman ag nahuli.
Tinignan ko ang trash kung san nakita ko si Storm na parang badtrip.
O.O
Tama nga ang hula ko,
So si Storm pala nagbigay non..
Hay Storm.
----------------------------------------
(Krishel's POV)
Galit pa rin ba sya?
Anobayaaaan.
Sinubukan kong pumunta sa kwarto ni Storm, sa tapat lang.
YOU ARE READING
I've Got Mixed-Up!--On hold.
HumorMatutuwa ka ba kung makakasama mo ang napakasikat at gwapong banda?! Eh ang ugali naman eh wala pa sa sakong ng paa! GRRR!! Masasabi nyo pa ba na 'girls always fall for the bad guys?!'