Meet The Bad Guys!

221 8 0
                                    

I've Got Mixed-Up: CHAPTER ONE.

Krishel on the right side. :D

-------------

(Krishel's POV)

"Ma. Ayoko kila tita Stella! Ang higpit no'n e! Parang gagapusin ata ako no'n sa kama e!" Pagrereklamo ko sa mommy ko.

"Krish. Saan ka tutuloy? 4 days lang naman e. Tiis ka ng onti-- Ay! Si Josh! May condo yon. Gusto mo?" Tanong ni mommy.

"Sige! Sige! Kay Josh nalang po!" Excited ko namang sabi.

"Krish. I'm warning you. No gimiks. Ang bata mo pa---"

"Ma! 17 na 'ko!" I insist.

"Then! Kila tita Stella mo nala---"

"Okay, no gimiks." Malungkot kong sabi.

"To make sure, I'll be checking you everyday kay Josh.. Hindi ka rin allowed na lumabas ng condo, baka kung anong mangyari sayo." Pag-aalala ni mommy.

Tango lang ako ng tango, since wala rin naman na siyang magagawa kung may gawin man ako, kasi wala naman sila dito ni dad.

Ah, ganto kasi yan. 20th Anniversary nila ni dad bukas, so they've decided na mag 2nd honeymoon, out of the country.

----------------

DAY 1:

Binigyan nila ako ng allowance para sa 4 days na wala sila. Pinag-off muna rin nila ang katulong at driver namin.

Hinatid nila ako sa condo ni Josh pero di na sila pumasok.

Abot tengang ngiti naman ang pamamaalam ko.

Papasok na ako ng biglang may humagip at kinaladkad ako papasok ng kotse..

Si Josh yon. -.-

"Oy, san tayo pupunta? Iwan ko muna gamit ko sa condo mo!" Sabi ko at pababa na rin ako ng kotse nya ng pinigilan niya ko..

"NO. I'll be going somewhere." Sabi niya.

"So sasama ako?" I asked.

"NO! Hell, no. Di lang ako makatanggi kay tita e. Tapos i-ch-check ka pa daw nya sakin araw-araw. Pero sa friend ko nalang ikaw magstay." He said as he started the car.

"Sa friends ko nalang! Okay lang yon!" Tuwa ko namang sabi.

"Hindi, di pwede. Alam ko kalokohan mo Krish. So sa friend ko ikaw mag-i-stay." 

"Don't you think na awkward yon?"

"Krish no more excuses." Pag-end niya sa conversation namin at may tinawagan.

'WHAT?! We're on our way! How was that?!' Sigaw ni Josh sa kausap sa phone habang nagddrive.

'Okay, sige. Try ko.' At nagdial ulit ng bagong number.

*crossed finger* sana wala siyang mahanapan so I could stay with my friends. ^^

'Favor naman, pa-sleep-over yung pinsan ko... oo.. masipag naman to.. mabait.. ha? maganda? ahh.. TAGILID tayo dyan--- ARAY! AW!'

"Ano ba Krish!" Sigaw sakin ni Josh after ko siyang hampas-hampasin.

'Krishel.. sige, on the way na kami.' Pag-end niya ng call.

"Ay, Krish. Magkano pera mo dyan?" Tanong ni Josh.

"10k bigay nila mommy, pero may 5k pa ko." Sagot ko naman.

"Pahiram naman o, 15k. Sige na.. Babayaran ko bukas." He pleaded.

"Sige.. bukas ha!"

So ZERO balance na talaga ako ngayon.

I've Got Mixed-Up!--On hold.Where stories live. Discover now