Andito na ko ngayon sa covered court pero wala pang tao kaya naghintay muna 'ko.
Tangina naman nila. Sabi 8:00? Nakakaimbyerna.
Umupo muna ako sa may bleachers at nagphone muna tinignan ko kung active ang mga tukmol pero hindi. Kaya inopen ko muna yung 'Wooji Puji' account ko. Oo tama ang nababasa n'yo ako yon.
Narinig kong may papalapit dahil nga siguro tahimik pati ang footsteps naririnig ko na. Kaya napatayo ako at tinignan ko ang nasa pinto.
Si Soonyoung..
Putangina na set up kami..
Humanda lang talaga yung mga ulupong na yun pag uwi ko
"Oh asan yung iba?" Tanong nya at umupo sa kabilang side.
"Ewan wala pa" sabi ko at umupo nalang sa kaninang kinauupuan ko. So bali dalawang side yun. Magkalayo kami.
Chinat ko sya sa Wooji Puji
Wooji: Soonyoung?
Soonyoung: Oh?
Wooji: Kasama mo si Jihoon..
Soonyoung: Oh anong meron dun?
Wooji: Wala naman. Hindi ba bumabalik yung feelings mo para sakanya?
After ilang minutes lang di sya nagreply kaya tinignan ko sya. Nag headphones nalang sya..
Siguro nga Soonyoung naka-move on ka na sakin.
Pinagsisisihan ko ang lahat Soonyoung.. Sana di nalang kita pinakawalan nun.
Sorry kung nagawa ko yun, Sorry Soonyoung. Gusto ko mang maibalik ang dati pero parang imposible ng maibalik ko pa yun.
Nakita kong papalapit sya sakin at tumabi.
"Umiiyak ka ba?" Simpleng tanong nya kaya hinawakan ko ang pisngi ko.
Hindi ko namalayang umiiyak na pala ako.
"Ha? Haha wala to nakakaiyak kasi yung K-drama na napanuod ko. Yung part na nagkunwari si Joon Jae na hindi nya kilala si Sim Cheong yung sa legend of the blue sea" putangina ng dahilan ko pambakla.
"Tss. Oh panyo" sabi nya at inabot 'to sakin. Tinignan ko naman sya.
Namimiss ko na yung ngiti mo Soonyoung. Dati tuwing magkasama tayo lagi kang nakangiti. Yung ngiti mo na hindi mo na pinapakita kahit kanino..
Sana Soonyoung kahit hindi sakin, ngumiti ka. Okay lang kahit hindi ako ang dahilan basta sana sumaya ka.
"Mag punas ka ng luha mo wag mong hawakan lang" kinuha naman nya yung panyo sakin at ipinunas sa luha ko.
Eto din yung ginawa nya nung nasa rooftop kami dati. Nung umiyak ako dahil nireject ako ni Seungcheol. Ngayon sya na ang dahilan kung bakit ako umiiyak.
"Ibang iba ka na Soonyoung.." Nagkatinginan naman kami saglit at agad din syang umiwas ng tingin.
"Ano nanaman ba Jihoon?" Malamig na tanong nya na nakapag palungkot lalo sakin.
"Bakit ka naging malamig? Asan yung Soonyoung na nakilala ko? Yung nanligaw sakin? Yung Soonyoung na mahal ako at minahal ko?" Hinaplos ko ang mukha nya, ang kapal ng eyeliner nya at kung mapapansin mo pang fuckboy ang porma nya. Naka piercing narin sya. At alam kong lahat ng 'to ay dahil sakin.
"Wala na Jihoon. Wala na yung Soonyoung na yun" sabi nya.
"Ganun ba talaga yun Soonyoung? Ginagawa ko naman lahat para mag kaayos tayo ah?" Sabi ko at tinignan sya.
Halata sa mga mata nya na naawa na sya sakin. Ayoko ng kina aawaan ako. Nakakababa ng pag katao. Pero pag sakanya okay lang.
"That's the point Jihoon. I'm afraid maybe.. Maybe pag naging close tayo I might fall for you" sabi nya kaya hinawakan ko ang kamay nya. Namiss kong hawakan 'to. Ngayong nasa tabi nya ko parang nakumpleto ako.
"Then why would I stop? Mahal parin kita Soonyoung" natatakot ako sa pwede nyang sabihin.
"Then accept it Jihoon. Hanggang dito nalang tayo, hindi nagiging mag kaibigan ang mag-ex. The day you left me? Wala akong nagawa kundi umiyak. Hindi na ko natutulog simula nun dahil ikaw lang ang iniisip ko. Hinihiling ko na sana iniisip mo din ako. Pero parang hindi dahil pumunta ka ng Japan. Now tell me Jihoon, pano tayo magiging magkaibigan kung hanggang ngayon nasasaktan parin ako?" Wala akong masabi. Sobra nga ang ginawa ko. Nakayuko lang ako na parang presong pinapaamin ng pulis. Wala akong masabi.
It's like, my mind is blocked.
"Siguro nga pinlano nyo lang 'to para mag ka ayos tayo? Tss maling mali 'to itigil nyo na. See what happened? It's not working Jihoon" tumayo na sya at naglakad paalis. Naiwan akong mag isang lumuluha.
Im sorry Soonyoung.. I still love you. Hindi ko alam 'tong plano na to. Pero gagawa ako ng paraan para mabalik yung dating tayo. Desperado mang pakinggan pero gagawin ko.