Same day. Same time.
---
Papunta na ko sa Covered Court pero nakita kong madilim. Nag aalangan pa ko kung pupunta ba ko o hindi eh. Parang alam ko na kinahinatnan nito. It's either napagtripan nila ako o sinet up kami ni Jihoon.
Pag pasok ko agad kong nakita si Jihoon na nasa bleachers. Na set up nga kami.
Makakasama ko nanaman ang mahal ko..
"Oh asan yung iba?" Tanong ko at umupo sa kabilang side.
"Ewan wala pa" sabi nya at nag cellphone.
Maya maya lang biglang nag vibrate ang phone ko. Hudyat na may nag chat.
Wooji: Soonyoung?
Soonyoung: Oh?
Wooji: Kasama mo si Jihoon..
Soonyoung: Bakit? Pano mo nalaman? Ikaw ba si Jihoon? [Message sending failed]
Soonyoung: Oh anong meron dun?
Wooji: Wala naman. Hindi ba bumabalik yung feelings mo para sakanya?
Soonyoung: Hindi. Bakit naman babalik? Hindi naman nawala ang feelings ko kahit katiting.
Waiting to send message...
⭕ Waiting for network..
Tss. Umikot ka nalang wag ka ng pa stop stop! Aish!! tuluyan ng nawalan ng connection kaya nag music nalang ako. Ah no actually nag headphones lang ako.
How to stop this fcking feelings?! Alam ko nagiging rude ako kay Jihoon o sa iba. Pero nasaktan ako.. Gusto kong pag sisihan din ni Jihoon.
Narinig ko namang umiiyak sya kaya nilapitan ko.
Ako nanaman ba ang dahilan nyan Jihoon?
"Umiiyak ka ba?" tanong ko at tinago ang phone ko.
"Ha? Haha wala to nakakaiyak kasi yung K-drama na napanuod ko. Yung part na nagkunwari si Joon Jae na hindi nya kilala si Sim Cheong yung sa legend of the blue sea" K drama lang pala. Akala ko ako na.
"Tss. Oh panyo" medyo nabadtrip naman ako kasi parang wala lang sakanya pero inabutan ko na sya ng panyo.
"Mag punas ka ng luha mo wag mong hawakan lang" pinunasan ko naman ang luha nya gamit ang panyo. Syempre alangan namang paa ko gamitin ko.
Naalala ko nanaman nung mga panahong umiiyak si Jihoon dahil kay Seungcheol. Ako lagi ang nasa tabi nya, ako ang timba nya na taga salo ng lahat ng luha. Ako yung panyo nya na pupunas lagi ng luha nya..
"Ibang iba ka na Soonyoung.." Nagkatinginan naman kami saglit lang ni Jihoon pero umiwas ako. Wag ka namang ganyan Jihoon. Baka mayakap kita. Anuba.
"Ano nanaman ba Jihoon?" Malamig na tanong ko sakanya na alam kong nakapag palungkot lalo sakanya. Nakasimangot kasi sila.
"Bakit ka naging malamig? Asan yung Soonyoung na nakilala ko? Yung nanligaw sakin? Yung Soonyoung na mahal ako at minahal ko?" Hinaplos nya ang mukha ko.
Napapansin mo ba yang porma ko Jihoon? Yang pag eyeliner ko? Yang piercing sa tenga ko? Lahat ng to dahil sayo.
"Wala na Jihoon. Wala na yung Soonyoung na yun" sabi ko at iniwas ang mukha ko sakanya. Tuwing nakikita ko syang umiiyak parang hindi ko matiis, pero kinakaya ko.
"Ganun ba talaga yun Soonyoung? Ginagawa ko naman lahat para mag kaayos tayo ah?" Sabi nya. Kung titignan mo sya ka-awa awa ang mukha nya.
Gusto ko syang yakapin..
"That's the point Jihoon. I'm afraid maybe.. Maybe pag naging close tayo I might fall for you" sabi ko pero hinawakan nya ang kamay ko. Ang init ng kamay nya.. Dati lagi ko tong nahahawakan.. Nakakamiss din pala.
"Then why would I stop? Mahal parin kita Soonyoung" nagulat ako sa sinabi nya. Mahal pa din ba nya talaga ako? O gusto nya lang ako ulit saktan? Andaming pano pinakawalan ko.
"Then accept it Jihoon. Hanggang dito nalang tayo, hindi nagiging mag kaibigan ang mag-ex. The day you left me? Wala akong nagawa kundi umiyak. Hindi na ko natutulog simula nun dahil ikaw lang ang iniisip ko. Hinihiling ko na sana iniisip mo din ako. Pero parang hindi dahil pumunta ka ng Japan. Now tell me Jihoon, pano tayo magiging magkaibigan kung hanggang ngayon nasasaktan parin ako?" Negative na kung negative. Atlis sigurado akong di ako kasasaktan dito sa gagawin ko.
"Siguro nga pinlano nyo lang 'to para mag ka ayos tayo? Tss maling mali 'to itigil nyo na. See what happened? It's not working Jihoon" tumayo na ko at maglakad paalis. Iniwan konsyang nag iisa doon.
Bakit Jihoon? Nung nagpaliwanag naman ako sayo.. Tinanggap mo ba? I'm just being fair. Mas okay na to Jihoon, mas okay na hindi na kita nilalapitan. Mas okay na ipinapakitang di na kita mahal. No chances of falling too hard, no up's and down. Im sorry Jihoon.
