Jihoon's
Umiiyak kaming lahat dito, hindi nya kami pwedeng iwan. Malakas sya at lalaban sya.
Biglang lumabas ang nurse na tulak tulak ang isang bed syempre may nakahiga doon at nakatakip na ng puting kumot ang katawan hanggang ulo. Ibig sabihin patay na
"T..teka san nyo po sya dadalhin?" Tanong ni Vernon habang naka hawak sa bed nun.
"Patay na po ang pasyente" nagulat silang lahat sa nangyari at lalo akong napaiyak.
"Mr. Kwon time of death 3:32 AM" sabi nung babae.
"H..hindi" nag iyakan na silang lahat.
"Hyungs" hindi ko alam kung sino ang tumatawag pero wala akong pake.
Nakasunod sila doon sa babae kung saan dadalhin yung bangkay.
Hindi mo ko pwedeng iwan Soonyoung. Diba sabi mo magiging tayo pa? Yung promise mo uuuy.
"Hyungs!" Tawag ni Dino pero hindi namin sya pinapansin.
"S..soonyoung bat mo ko iniwan? S..sonyoung" mg makarating na kami sa room ay nag iiyakan ang lahat.
"Hoshi hyung bakit ka nangiiwan? Hyung naman eh. E..eto oh t..tinirhan kita ng Pic-A alam k..kong paborito mo to" sabi ni Seokmin na maga na ang mata.
"Hyungs!"
Inalis ni Jeonghan ang puting kumot na nagtatakip sa mukha ni Soonyoung ng. . .
"PAKSHET NAMAN MGA HYUNGS!! HINDI SI SOONYOUNG HYUNG YANG INIIYAKAN NYO! STABLE NA ANG LAGAY NI SOONYOUNG HYUNG AT INILIPAT NA SYA SA ROOM 169!!!" sigaw ni Dino na ikinagulat namin. Napatingin kami sa bangkay na nasa harapan namin.
"G..guys h..hindi si Soonyoung yan" sabi ni Minghao.
"I..its not Soonyoung" sabi naman ni Vernon. Natigilan ako. . .
Hindi nga si Soonyoung. Wala akong masabi. Gusto ko magmura. Magka surname lang pala sila ni Soonyoung mga brad.
"Ah sorry po sir. Wag nyo po kami mumultuhin" sabi ni Jun at isa isa na kaming lumabas.
"BAKIT DI MO BA SINABI?!" suway ni Jeonghan sakanya
"Kanina pa ko hyungs ng hyung ayaw nyo makinig" sabi ni Dino.
"Wag na kayo magsisihan puntahan nalang natin si Soonyoung" sabi ni Jisoo hyung na agad naman silang tumango.
Pakshet ka Kwon Soonyoung pinakaba mo kami.
Ng makarating na kami'y agad kong niyakap si Soonyoung na ngayo'y gising.
"A..aray b..bebeq" sabi nya kaya napakalas agad ako. Namiss ko sya, namiss ko yung mata, ilong, bibig! Everything about him.
"Pakshet! Pinakaba mo kami" tumawa lang sya ng mahina.
"Guys haha may nahanap na blood type ko. Kaya napadali nalang para gamutin ako" sabi ni Soonyoung at napatingin sa aming lahat. Natawa sya ng malakas.
"HSHAHAHHAHAHAHAHAHA YUNG MGA MATA NYO HAHAHAHHAha" sinamaan sya ng tingin ni Jeonghan.
"Naiyak na nga kami tatawanan mo pa kami!" Sinakal sya nito ng pabiro at sumama si Seokmin pati narin si Seungkwan.
"hahahahhah g..guys udneubx d..di haha" napansin naming di na makahinga si Soonyoung kaya agad na silang bumitaw.
Isipin nyo nalang kung pano nasabi ni Soonyoung yun 'udneubx'
Pero nahihirapan parin ito. At tumitirik din ang mata nya sabay napapikit na.
"Gago ka hyung patay patay ka dyan OA mo ha! Yung machine dito sa tabi ko pumipintig pa daw ang hearteu mo" sabi ni Seungkwan kaya natawa si Soonyoung.
"Joke lang to naman! Hahaha wonuuuuuuu~ uuuuy mingyuuuuu~ chaaaaaaan!" Bati nya sa lahat. Parang ako di naman nya ko napapansin.
"May kailangan ata mag usap" sabi ni Jun at lumabas.
Isa isa silang lumabas.
"Mga pashnea kayo wag kayong gagawa ng milagro dito!" Sigaw ni Seokmin bago lumabas. At naiwan kaming dalawa.
"T..tangina mo soonyoung" naiyak nanaman ako.
"Oh bebeq wag kang umiyak. Nakuuuuu nakakapangit yan!" Sabi nya kaya napalo ko lang ang kamay nya
"Aray di tayo bati!!"
"Edi wag!"
"Joke lang to naman eh hehehe I love you Jihoon"
"I love you too Soonyoung"at hinalikan nya ko.
BINABASA MO ANG
upside down • soonhoon
Cerita Pendek"Mahal kita Soonyoung" "Ok" [ kabaklaan series #1]
