"Our rewards in life will always be in exact proportion to our contribution, our service."
-Earl Nightingale
Ganon lang ba kadali lahat ng yon?
Ginawa ko naman lahat ng makakaya ko ah?
Naglingkod ako para sa bansa.
Tumulong akong ipagtanggol ang mga naaapi.
At hindi ko naman pinabayaan ang mga taong humingi ng tulong sa akin.
Saan ba ako nagkulang bilang alagad ng batas at anak ng diyos?
Anong kasalanan ko para parusahan ng ganito?
Matapos ang lahat ng mga bagay na ginawa ko para sa ibang tao, ito lang pala ang kapalit ng mga sakripisyo ko.
Pinilit ko namang mabuhay.
Pinilit ko rin namang bumangon.
Sabi nila, hindi pa naman daw tapos ang buhay ko.
Kaya ko naman daw.
Tuloy pa rin daw ang ikot ng buhay ko. (Oh sige kanta kasi yun.)
At kahit na wala na ang mga taong pinakamamahal ko, ituloy ko pa rin daw ang buhay ko.
Pero ang sakit. Sobrang sakit.
Wala silang alam sa kung ano ang nararamdaman ko.
Wala silang alam sa kung ano ang pakiramdam ko nung nalaman kong wala na pala ang nag iisang dahilan kung bakit pinilit kong makauwi.
Anong klaseng buhay ang babalikan mo kung pag uwi mo wala na pala ang taong mahal mo?
Buhay nga bang matatawag iyon?
Isang malakas na pag sabog sa bandang kaliwa ko ang nakapukaw ng atensyon ko pabalik sa kasalukuyan.
Andito ulit ako ngayon sa Nigeria.
Nakialam na ang US sa digmaang nagaganap sa pagitan ng mga namumuno rito at ng mga militanteng rebelde na kumakalaban sa kasalukuyang rehimen dahil masyado ng marami ang nagiging casualties of war.
Karamihan sa kanila mga bata, babae at matatanda.
It's been over a year and I'm still here. Fuck my life yeah?
"LT!"
Agad akong dumapa ng sumigaw si Red. Muntik muntikan na akong matamaan ng bala.
Mainit ang bawat tagpo namin ng mga militante. Ilang taon na ang gerang ito, marami na ang nawala sa mga sundalo ng kasalukuyang rehimen at panigurado akong nauubos na rin sila.
Aaminin ko bilib din naman ako sa paninindigan nila sa kanilang ipinaglalaban pero halos limang taon na ang gerang ito, hindi ba sila napapagod?
Sabagay... kung ako nga na wala ng dahilan para magpatuloy andito pa rin nakikipag laban. Kung para ba sa buhay ko, o buhay nila hindi ko alam.
Ayoko nalang rin alamin.
Sumenyas ako kay Zig na pumwesto sa bandang itaas para magkaroon kami ng magandang vantage point.
Kailangan ko ng sniper sa taas kung hindi, hindi kami makakausad dito.
"Red, Zee... to the left, Rock, on me!"
Naghiwa-hiwalay kami at pumwesto.
Sumenyas ako sa ilan pang mga sundalong kasama namin na maghanda sa pagsugod namin.
BINABASA MO ANG
BUBOG (An AMACon4 Entry)
FanfictionSi Lt. Fox o RJ sa iilan, ay sinubok ng kanyang tungkulin bilang isang US Navy SEAL na pinadala sa Abuja, Nigeria upang iligtas ang isang doktor mula sa mga militanteng rebelde. Ngunit sa pagtatapos ng kanyang misyon, ang akala nyang maayos na buha...