"And before our time demands goodbye, can you sing me one last lullaby?"
Lullaby, Professor Green
Hello RJ,
Is everything okay?
I can't sleep. I can't... do anything else. Basta andito lang ako palagi nakaupo at naghihintay sa'yo.
You sounded so worried nung huli kitang nakausap.
I'm sorry I didn't tell you. I'm sorry that I had to lie to you.
I want you to focus on your mission and not think of anything else.
I'm sorry kung ang selfish ko.
I want you to come home alive. I need you to come back alive. And well.
You haven't lived your life the way you're meant to. Yun lang naman ang hiling ko para sa'yo. Yun lang naman ang gusto ko.
Please promise me that no matter what happens, you'll try and live your life the way you deserve. Promise me that even if I won't be able to be with you, you will go on with your life.
I will try my best and wait for you.
I love you. x
M
Tiningnan ko ang litrato ng isang magandang babae na may hazel brown eyes at hanggang balikat na buhok. Maamo ang kanyang mukha at nangungusap ang kanyang mga mata. Siya ang babae na palagi kong nakikita sa mga panaginip ko.
Tumingin ako kay ate April na nakaupo lamang sa aking harapan. Bakas sa kanyang mukha ang pag aalala.
"Is this for me?" tanong ko sa kanya.
Tumango lang siya.
Hindi ko naiintindihan. Bakit... wala akong maalala sa kahit anong tungkol kay Maine.
Sabi ng doktor ko siya ang girlfriend ko. Ganon din naman ang sinasabi ni ate April kaya malamang hindi nila ako pinagtitripan.
"Siya ang girlfriend mo RJ."
Napasinghal ako. Isang buwan ako sa loob ng hospital pagkagaling ko ng Nigeria pero ni isang babaeng nagngangalang Maine walang dumalaw sa akin.
Sila daddy, Angel at at ate April lang.
"Hi RJ." bati ng isang matangkad na babae na may hawak hawak na maliit na batang lalaki.
Napatingin ako kay ate April. "Si - sino ka?"
Kitang kita ko ang pagkagulat sa kanilang mukha. Agad na tumakbo si ate April palabas ng aking kwarto.
"Ako to, si - si Ate Nikki mo. Hindi mo ba ako natatandaan? Kapatid ako ni Maine."
"Ma - Maine?"
Tumango ito pero napansin ko ang panginginig ng kanyang boses.
"Pa - pasensya na po kayo... pero - sino po si Maine?" tanong ko.
Biglang bumagsak ang luha nya. Hindi ko alam kung anong nagawa ko para umiyak siya kaya agad akong bumangon subalit natigilan ako nang biglang umikot ang paligid ko.
Hinawakan ko ang aking ulo at doon ko napagtantong may benda ito.
Muli akong tumingin sa babae.
May sinabi siya pero hindi ko na marinig.
Napahawak ako sa aking dibdib. Mayroon nanamang masakit dito.
BINABASA MO ANG
BUBOG (An AMACon4 Entry)
FanfictionSi Lt. Fox o RJ sa iilan, ay sinubok ng kanyang tungkulin bilang isang US Navy SEAL na pinadala sa Abuja, Nigeria upang iligtas ang isang doktor mula sa mga militanteng rebelde. Ngunit sa pagtatapos ng kanyang misyon, ang akala nyang maayos na buha...