HSL #2

89 6 0
                                    

HSL #2

Eto kami ni papa sa White Blossom Academy para mag-entrance exam. Hindi n ako nagreview kasi alam ko namang ako ang magiging no. 1 dito. Agad kaming pumasok sa loob at isang exclusive school pala ito at puro mayayaman ang nag-aaral perp who cares mas mayaman kami no!! Pumasok ako sa isang classroom at nagsimulang matest. Malipas ang 10 minutes ay isa na lang ng hindi ko masagutan dahil eto ang kinakalituhan ko eh.

A ba o B ?

Haish dapat perfect ito kung hindi nako baka may malagpas sa akin at hindi ako papayag dun! Maya-maya ay A na lang ang sinagot ko pero malakas ang instinct kong tama yun sana. Pero bago ko pa maipasa yung papel ay may nauna na sa akin, isang lalaking napaka---- PANGIT BWISIT!! INUNAHAN PA AKO!! AYOKO PA NAMAN NG INUUNAHAN AKO! Lumabas ako ng padabog at napansin naman un ni papa

'' What's with the long face? '' tanong nya at ngumiti na lang ako " Ikaw talaga Elisse, mana ka sa mama mong mainitin ang ulo. Siguro naunahan ka lang magpasa nung lalaki kanina no? '' tama ka papa paano mo nalaman un?

'' Papaano nyo po nalaman papa? '' tumawa lang ito

'' Syempre matalino kaya ito! Tara na at umuwi na tayo '' sabi ni papa at naglakad na kaming papaalis. Sumakay na kami sa Ferrari car ni papa saka dumaan sa bahay nila Kuya Aden. Bumusina si papa at lumabas si kuya. Nginitian nya kami at pinagbuksan ng gate.

'' Good afternoon po papa .. '' sabi ni kuya at nagmano ito

" Kamusta na anak? Laki mo na! '' sbi nito at parang nahiya naman si kuya hahaha! Tutuksuhin ko ito mamaya. Punapasok kami ni kuya sa loob ni papa. Andun si mama Rena at nag-usap sila ni papa at pumasok na lang kami sa kwarto ni kuya. Naglaro ulit ako ng PSP habang sya naglalaptop at may tinitingnan.

'' Ano yan kuya? '' tanong ko at bigla naman syang nagulat at agad sinarado yung laptop nya.

Napangisi na lang ako '' Siguro nanonood ka ng nga 'ano' no? Nako isusumbong kita kay mama Rena! '' sigaw ko pa

'' Hoy hindi ah! '' sigaw naman nya '' Eh ano kasi ung tinatago mo? Patingin ako sige na! '' pilit ko syang kinukulit at natalo ko rin sya. Binuksan nya yung laptop at pinakita sa akin.

'' Sino yan kuya? Girlfriend mo?! '' bigla naman nyang tinakpan ung bibig ko

"Huwag ka ngang sumigaw kainis ka! Si Denise, nililigawan ko pa lang sya ngayon kaya wag kang mainggay kay mama at papa ah? '' ngumiti na lang ako

" OKiiie~ Promise!! '' sabi ko pa ng biglang bumukas yung pinto

'' Ano yung ayaw mong ipaalam sa amin ha, Aden? '' sabi ni mama at kasunod si papa '' Oo nga anak ano yun? '' hindi ko alam pero biglang bumuka ang bibig ko at nagsalita

'' May nililigawan po si kuya at maganda sya papa, mama!! '' at dun ko tinakpan yung bibig ko at tinignan si kuya, nakatingin ito ng masama sa akin at inirapan ako. Woow nabakla na si kuya!!

'' Ikaw talaga ELISSE! PISTI KANG KAPATID ALAM MO YUN?! '' at hinabol na ako ni kuya at tumak bo na lang ako papalabas ng bahay '' Bumalik ka dito '' sigaw nya habang hinahabol ako, ang weak talaga ni kuya kainis XD

'' Ayoko! Uuwi na ako behh!! '' saka ako pumara ng taxi at sumakay papauwi. Sorry kuya, masyado kasi akong madaldal eh pagpasensyahan na haha

Pagkauwi ko sa bahay nakita ko si Mudra. Tiningnan nya lang ako at inirapan. Sama talaga ng ugali ng nanay ko na ito pwes inirapan ko nga rin. Padabog akong pumanik sa taas at tumuloy sa kwarto at nagbihis. One week na lang at pasukan na kaya excited na naman akong maging bida!

Halos 2 buwan rin akong isang normal na tao eh gusto ko ulit maging bida haha! Sigurado namang ako na ang top 1 sa mga nag-entrance exam dun eh. I KNOW IT ! Pero hindi ako kinakabahan, bakit? Kasi matalino ako period okay. Si Kuya Aden, mga isang linggo lang ako hindi magpapakita sa kanya at pagkatapos nun bati na kami haha.

= Araw ng pasukan =

Eto na ang hinihintay kung araw at sa wakas dumating narin. Agad akong bumangon at naligo at sinuot ang uniform ng school ko ngayon. Syempre bagay sa akin kasi maganda ako okay? Inayos ko ung buhok ko para kapag tinawag ako sa entrance ceremony eh maganda ako diba haha! Agad akong bumaba at nagpaalam kay papa at hindi kay mama. Wala kaming pakielam sa isa't isa kaya ganoon. Ihinatid na ako ng driver namin sa school ko. Ang ganda talaga dito at puno pa ng mga bulaklak at halaman ang school. Napakasosyal talaga dito! Lumakad na ako papalabas ng kotse at pumunta dun sa may bulletin board para tingnan kung sino ang top 1.

Hinanap ko ang pangalan ko at nasa #1 ako teka teka? Hindi ako yun ah !! #2 lang ako!!

This can't be happening! Panaginip lang ito diba? Pinisil ko yung pisngi ko at hindi totoo itong nakikita ko! Shet sa tala ng buhay ko may roon ng nakatalo sa akin impossible! Sino ba itong mokong na ito at mapa-massacre na! Herson Ocampo pala ang pangalan ng kutong lupa na iyon ah! Sige pagnakita kita nako, titirisin kita.

Auditorium

Ang dito na lahat ng Freshmen para sa entrance ceremony ng school year namin. Umupo ako sa bandang gitna at umupo habang nakasimangot. Hindi ko kasi matanggap eh nakakainis! Maya-maya ay may tumabi sa aking lalaki at tiningnan ko sya. Bakit kulay dilaw ang buhok nito? Diba bawal yun? May nakasubo lang naman na stick-o sa bibig nya at may hawak pa ito at kumakain. Nung tumingin sya sa akin ay inirapan ko lang. Nagsimula na ang ceremony at nagdasal muna sila. Isa-isang pinakilala ang mga school teachers and staffs at dumating ang hinihintay ko.

'' Para sa pagtatapos ay tatawagin natin ang top 1 na estudyante na nakakuha ng pinakamataas na score sa exam at naperfect pa nya ito. 1st year representative for this year, Herson Ocampo '' sabi nung principal at pumalakpak naman yung mga estudyante. Nakakainis lang ah! Siguro napaka nerd nung lalaking iyon saka napaka-pangit nun at sigurado ako dun!

Biglang tumayo yung katabi kong dilaw ang buhok. Wag mong sabihing sya yung si Herson Ocampo! Naglakad na sya papuntang stage at nagsalita. Napanga-nga na lang ako.

'' Sa inyong lahat sana maging magkaibigan tayo at mabait kayo sa akin. I'm Herson Ocampo and I'm happy to be your representative for this batch '' saka sya ngumiti ng pamatay. Lalo kong nabuka ang bunga-nga ko. Hindi pala sya pangit at sobrang nerd ng inaakala ko dahil napakapangit nya! Naiinis talaga ako ah pisti napansin siguro ako nung katabi ko pang isa

'' Miss kanina kapa naka nga-nga dyan baka pasukan yan haha! '' tawa naman nya '' I'm Querbin Chua at nice to meet you '' ngiti nya saka alok ng shake-handa tinanggap ko na lang baka kasi makita nila agad sungay ko eh

'' I'm Elisse Buenaflorte at nice to meet you too '' ngiti ko pabalik a fake smile kumbaga

'' So friends? '' ngiti nya

'' Sure '' binalik ko ung tingin ko dun sa Herson at ang saya-saya nya sa stage. Humanda ka dahil ngayon ka lang nandyan dahil hindi magtatagal at matatalo kita!

- - -

Next update is next month haha XD Geh goodnight :)

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon