HSL #4

39 4 0
                                    

HSL #4

~Querbin Chua's POV~

So ayun dinala ko sya sa office ni daddy kanina at nagkwento ham lang kami. Eto namang si Elise kala mong bulaklak na Biglang timikom, nahiya ba sya? Haha Baka nga XD Wala lang gusto ko lang sya ipakilala kay papa pero hindi ko alam ang dahilan. Natuwa naman si papa kay Elise at nagkwentuhan sila at napag-alamanan na anak pala sya ng magalit na kaibigan ni papa. Kaya siguro sya dito pinasok ng papa ni Elise dahil alam nyang kaibigan nya ang may-ari ng school. Mayaman pala sila eh may sarili ng company ang papa nya at ang mama nya yata eh doctor ba? Ewan basta yun na iyon. Nung iiwan na eh hi natin ko sya hanggang gate at may sundo pala sya ang kuya nya pati ang papa nya.

" Bye Elise~ " sabi ko at nagwave sya sa akin at pumasok na ng kotse nila at umuwi na. Alam kong parang tanga akong nakangiti dito pero masaya ako eh.

Naglakad ako papunta sa office ni papa dahil sasabay ako sa paguwi. Umupo ako dun sa may sofa saka nahiga at naglaro sa IPhone ko. Si papa naman nagliligpit na ng mga gamit nya. Mamaya-maya rin nasa kotse na kami. Nakalagay ang headset ngayon sa tenga ko ng biglang tanggalin ito ni papa at ngumiti ng nakakaloko sa akin

" Bakit ganyan ka makangiti papa? May sakit ka ba? Manong tuloy mo na po sa mental hospital bilis!!" Sabi ko kay manong at isang malakas na kutong ang natanggap ko kay papa.

" Loko kang bata ka no? Ikaw dalhin ko sa mental eh! " pasigaw na sabi nya sa akin. Umayos ng upo si papa saka nagsalita ulit "Gusto mo yung anak ng pare ko no? Gusto mo I-arranged marriage ko kayo? " sabi sabay tawa

Ano?! Arranged marriage? Galing rin ni papa no? Kaibigan ko lang si Elise no! Pero pwede rin haha! Crush ko sya pero kunti lang!

" Papa.. Friends lang po kami saka kung magugustuhan ko sya, ayaw ko ng arranged marriage no! Mas gusto ko yung true love papa! True love!!" Proud ko pang sabi sakanya.

Tinawanan nya lang ako kaya manahimik na ako. Kainis mang-aasa tapos ganyan tsk! Tumingin ako sa labas ng bintana. Kailan kaya uuwi si kuya? Nakakamiss rin pala. Wala akong kaaway at maiinis sa bahay eh ang lonely ko tuloy. Walang rin akong kasama magtrip sa mall kaya nakakamiss na talaga si kuya. Hay bahala na nga si kuya babawiin ko na! Hindi ko na sya namimiss!

- - -

Elise Buenaforte's POV

Hay.. naiinis ako grabe! Paano naman lagi akong nauunahan at natataaswn ni kutong lupang ito sa lahat ng recitation, quizzes, seatworks, activities at ibang gawaing may grade nitong nakaraang dalawang buwan!! Nakakaasar na ah?! Paano ko ba matatalo ang kutong Lupa na ito ah?! Naiistress na talaga ako sa kakaisip kung papaano matitiris at mawawala ang kutong ito! s Baka naman kasi sa honors assembly ay sya ang maging top 1 no? NO WAY! Kasi AKO dapat AKO!! Frustrated na talaga ako kaya isinubsob ko na yung mukha ko sa tore ng libro sa harap ng lamesa ko. Nakarinig na lang ako ng parang may nagpatong ng kung ano sa table ko kaya napatingin ako kung ano bagay na iyon. Natuwa naman ako kasi lasagna ng 7eleven yung nakita ko! Favorite ko kaya lasagna nila! Kinuha ko iyon saka binuksan at narinig ko na lang tumawa si Querbin.

" Kawawa naman si Elise, gutom na gutom na. Aww yan ang hirap sa mga matatalino eh... Grade conscious lalo na kapag malapit na ang quarterly examination at buti na lang ang mga katulad kong normal na estudyante, hayahay lang" may pagmamalaki na sabi ni Querbin. Nasabi ko na bang napa kaclose na daw namin? Sya lang ang may sabi nun pero ako ewan. Mahirap kasi diba? Pero makakapagtiwalaan naman sya eh kaya friends na talaga kami, gulo ko no?

" Eh bakit ikaw, hindi man lang ba marereview at magpapasa ng lahat ng activities natin ah? Alam mo bang 50% ng grade natin ang activities?!! Tapos parang ikaw wala kang pakielam sa grades mo?! Samantalang eto ako nagkakandahirap na lagpasan yung kutong lupa na iyon!!!" pasigaw na sabi ko sa kanya. Nakakainis lang kasi pero sinubo nya lang sa akin yung tinapay kaya natahimik na lang ako.

" Laki ng problema mo grabe, Elise. Bakit ba gustong-gusto mong lagpasan si kutong dilaw ay este si Ocampo? Bwisit ka nagagaya narin ako sa iyo!!" Natatawa nyang sabi sa akin pero inirapan ko lang sya at tinaboy sya para makapagreview ng maayos.

Mamaya-maya rin ay bumalik na ako sa classroom at nadatnan kong natutulog si kutong dilaw na mahimbing. Lagi itong natutulog kapag lunch break ni hindi ko nga rin sya nakikita ng nagrereview eh. Talagang matalino nga sya pero matalino rin naman ako ah? Ay nasabi ko nabang magkatabi na kami nito? Hindi pa ba? Ganito kasi ang nangyari nun eh

Flashback

Naglelesson si ma'am nun nang yung mga bwisit kong kaklase eh nagsuntukan ba naman kahit may teacher. Namurahan pa at eto malala itong Ocampo na ito natutulog pa tapos ng maalimpungatan sya na may nag-aaway ay kala mong ibang tao na tumayo at pinaguntog yung dalawa. Lahat kami nagulat sa ginawa nya kaya yung dalawa ay nanahimik sa sakit, sa lakas ba naman nun hahaha! Kawawa tuloy sila Kin at Ren. Nadetention silang tatlo dahil nakisali kasi si Ocampo kaya natuwa ako hahaha! Nadetention sya!! Pero nung makabalik si ma'am eh pinalipat naman ako ng upuan dun sa pwesto ni Kin kaya ayon katabi ko ngayon sina Ocampo at Rin, nakakainis! Hindi kami nag-uusap nyan pero itong si Ren masyadong FC eh! Kausap ng kausap sa akin kahit hind ko naman sinasagot.

" Hi Elise!!! " sabi nya minsan

"......."

Pagkatapos nun ay nagtawanan yung mga lalaki kong kaklase sabi pa nga nung isa " Awww kawawa naman, busted na agad ni hindi pa naman nanliligaw hahaha!"

" Saka taken na yata yan, yung Chua sa kabilang section ang boyfriend nya yata! Laging kasama eh!" Sabi pa nung isa. Ako at si Querbin? Duh hindi no friends lang kami okay? Hinayaan ko na lang silang kantyawan si Ren dahil wala naman akong pake.

End of Flashback

Tiningnan ko lang yung kutong ito. Naghihilik pa nga eh masarap kasing matulog ngayon dahil malakas yung hangin na pumapasok sa classroom. Yumuko ako sa arm table ko saka pumikit na hindi ko namalayan nakatulog narin ako. Nanaginip narin ako nun eh kaya wala na hindi ko na nalaman ng nakatulog na pala ako.

Herson's POV

Nakatulog na naman pala ako, ang sarap kasing matulog lalo na kapag tanghali pero nakakapanibago lang ah? Kasi dati pag na gigising ako ay ako lang ang Tao sa classroom pero andito rin pala si Buenaforte ngayon. Mahimbing syang natutulog ngayon kaya hahayaan ko na lang siguro. Habang nakaupo lang ako dito ay pinagmamasdan ko lang syang natutulog parang ayaw ko pa syang gisingin eh saka may 30 minutes pa naman bago mag time kaya siguro papanoorin ko na lang syang matulog at gigisingin ko na lang mamaya.

[ TO BE CONTINUED ]

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 24, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Highschool LifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon