Kabanata 10

3.6K 111 7
                                    

Kabanata 10

Ship

Kasalukuyan na kaming nag aayos ng mga gamit at nilalagay sa van na pinarentahan namin papuntang airport upang maka-lipad papuntang Boracay. Di nga lang kami maka-alis dahil wala pa si Ricci at si Brent.

"Asan na ba ang dalawang iyon?!" Iritableng tanong ni Andrei.

"Chill, Drei!" Sabi ng lalakeng kakarating lang din, bitbit pa ang mga gamit.

"Paps, ang tagal niyo naman!" Reklamo ni Kib.

"Sorry, paps! Tagal kasi neto ni Cci, kala mo may pinopormahan eh.." Nanlaki ang mata niya sa sinabi niya mismo, agad ng nag si-ubuhan ang iba samin sa sobrang awkward siguro. "I mean, parang babae pala!"

"Uy, window seat ako ah!" I called after clearing my voice.

"Sige, tabi tayo!" Sambit ni Kib nang biglang may bumagsak na bag bigla. Nagulat ako sa pagka-bigla nito kaya medyo napa-atras ako. Pag tingin ko ay si Ricci iyon kasama ang kanyang mata na nag aalab ng galit habang diretsong naka-tingin samin ni Kib.

"A-ako nalang tatabi kay, Alex!" Wika ng mabait kong kambal.

"H-hah?" Kunot noong tanong ni Kib pabalik.

"Ano kayo? Ako ang tatabi kay Alex!" Masayang wika ni Michelle.

Agad ng umayon lahat sa sinabi ni Michelle kaya mabuti iyon. Sapagkat, Si Kib at Ricci ang natitirang walang katabi kaya silang dalawa ang magka-tabi ngayon sa harapan ko.

"This is so awkward.." Michelle hissed na ikina-tango ko.

Pinatay ko ang oras patungong airport sa pag scroll at thank you sa mga nag greet sakin sa Twitter at Instagram. Masaya parin ako sa pagiging Rookie of the Year award ko at pagiging champion namin lalo na't unang taon ko palang sa UAAP at DLSU.

Sa Eroplano ay ganun parin ang pwesto. Ako at si Michelle, Brent at Bettina, Andrei at Tin, Ysay at Aleck, Kayi at Kuya Prince, and of course- Kib at Ricci. Kuya Aljun at Achi Desiree. Ayaw kasi tumabi nung dalawa kay Ricci, pati sila ay naapektuhan sa nangyare samin. Binaliwala ko nalang ang mga nangyayare at nag pasyang matulog, dahil panigurado sa oras na pag apak naming sa Boracay ay puyatan ang lahat.

Ginising ako ni Michelle, sinasabing nandito na daw kami. Kinakailangan pang sumakay ng bangka patungo sa isla mismo. Nang naka-sakay kami sa bangka ay walang tigil sa kaka-picture ang lahat. Pag tapos ko i-snap ang mga nangyayare ay pinanuod ko 'to, nang napansin kong may mga pamilyar na matang naka-titig saakin. Lumingon ako kung saan galing ang direksyon na iyon at tama nga ang hinala ko.. galing kay Ricci. Agad siyang umiwas ng tingin at may kinuha sa bag niya. Di ko mapigilan ang sarili kong maging kuryos at tinignan kung ano iyon... Kinuha niya ang wayfarers niya at sinuot ito.

With him wearing white sleeveless tee, grey sweatshorts, and these wayfarers....... Di ko na talaga alam. Sinasadya niya ba ito?

Pumula ang aking pisngi sa view na nakikita ko at lumihis ng tingin upang di niya iyon makita. Ngunit masyado ata akong nahuli dahil naririnig ko na siyang nag smirk. Umirap nalang ako sa kawalan dahil sa pag akto ko ng ganon.

Hindi pwede. Dahil hindi na pwede.

Bumaba na kami ng isla at nag kuhaan na ng mga rooms. Tig-apat na tao bawat rooms. Nagkaroon din kami ng rule na dapat hiwalay ang girls sa boys, dahil hindi na natin alam.......

Nag aayos ako ng mga gamit at nilalagay iyon sa cabinet namin. Lumabas naman si Michelle galing sa CR bihis ang kanyang two-piece.

"Tara na, girl! Nag pareserve sila Tin para sa beach volleyball natin!" Excited na yaya ni Michelle.

If I Stay | Ricci Rivero (Book 2: DISCONTINUED)Where stories live. Discover now