Kabanata 1

4.8K 117 25
                                    

Kabanata 1

Welcome to the Rivero family

It was two days before Christmas day at nag aayos ako para pumunta sa mga Rivero. Susunduin ako ni Ricci papunta sa Ilagan then babalik kami dito para siya naman ang bumisita. Pupunta kasi sila ng Baguio pag tapos ng Christmas kaya di kami magkikita. Pag sapit ng Christmas evening ay kasama na namin ang sariling pamilya. Ayun kasi ang plano naming dalawa. Syempre, Christmas. Pamilya muna bago ang relasyon namin. Sa bagong taon naman ay kasama ang barkada.

"Manang, mauna na po ako papuntang Ilagan. Sa pamilya ni Ricci. Babalik rin po ako agad." Pag papaalam ko sa taga-tulong namin dito sa bahay.

"Sige, Hija. Mag iingat kayo ng nobyo mo at mag papasko pa man din. Bumalik ka agad ah!" Sambit ni Manang.

"Opo! Pasabi nalang po kayla Dad na nauna na ako ah? Di ko na siya na-intay e. Andyan na po kasi si Ricci. Tatawagan ko naman po siya." Wika ko sa kanya na kina-tango niya lang bilang sagot.

Nang narinig ko ang busina ni Ricci ay lumabas na agad ako ng bahay bitbit ang mga dala ko. Nag dala ako ng mga personal na kailangan ko at syempre, dinala ko ang mga regalo ko sa kanila. Lumabas siya ng kotse upang tulungan ako. Isang araw lang naman kami mananatili roon at aalis agad upang maka-balik.

Suot namin ang couple red shirt namin at naka-tuck in iyon sa high waisted white pants ko. Suot suot rin namin ang couple white adidas namin na may green na stripes.

Naks! Ano 'to? Twins?

Umiling ako at pumasok sa kotse. Pag pasok niya ay nag seatbelt siya. He immediately kissed on my left cheek na ikinapula ko. Hay, I'm still not used to this.

He chuckled because of my reaction, "Goodmorning, baby,"

Ngumiti ako at pinisit ang isang pisngi niya, "Ricci, I'll help you drive along the way ah? Palitan tayo. No buts!"

"May choice pa ba ako, commander?" Sarkastikong tanong niya sakin at nag pasyang mag drive.

I rolled my eyes at him dahil alam naman naming dalawa na walang patutunguhan 'tong usap na ito. Nag decide akong tawagan si Dad sa phone ko. With few rings, he picked up the call.

"Dad!" Bati ko sa kanya. I looked at Ricci whose eyes shifted to me.

"Yes, anak?" He asked.

"I'm with Ricci na po, we're on our way to Ilagan na." Wika ko sa kanya.

Mabuti noong nalaman niyang sinagot ko si Ricci ay hindi siya nagalit. He was just sad kasi daw ay dalaga na ako.

He sighed, "Okay, nak. Mag i-ingat kayo dyan."

Ricci signaled me na i-loud speaker ko daw yung phone ko.

"Tito Jun, hello po!" Masiglang bati niya.

"Hi, Cci! Alagaan mo anak ko ah? Unica hija ko 'yan kaya ayus ayusin mo. Yung bilin ko nga pala ah? Please greet your family a happy holidays from the Melecios, okay? Pinadala ko na rin kay Alex yung gift ko para sa parents mo." Wika ni Dad sa kabilang linya.

If I Stay | Ricci Rivero (Book 2: DISCONTINUED)Where stories live. Discover now