Kabanata 26

3.2K 134 26
                                    

Kabanata 26
You and your abs

Everything's back to the way it was. Although, napagka-sunduan namin ni Ricci na mag lie-low sa relationship namin.

"Nakakamiss," Kuya Aljun said.

Kakasimula lang ng christmas break at andito kaming dalawa sa balcony ng kwarto ko.

I chuckled, "Ang?"

"Eto, tayong dalawa lang mag kapatid, just like the old times," Sagot niya. "Except, dati ay wala tayong kasamang pencil at mga papel,"

We both laughed.

"Ang drama mo, alam mo 'yon?" Asar ko.

"Kasi naman! Minsan na nga lang tayo mag kasama, nag ddrawing ka pa sa harap ko," He pouted.

"Kuya naman.." I laughed.

"Okay na, e! Everything's perfect! Yung pajamas natin ngayon. Yung christmas songs sa baba na rinig na rinig. Yung lamig. Yung hangin. Yung vibes." Simula niya, "And it's now ruined because of your obsession over architecture!"

"Kuya—"

"No! Don't talk to me! Di tayo bati ng one minute!" He threw a tantrum.

Tumayo ako, "Uy, that's my line!"

Nag labas siya ng dila para asarin ako, "And it's mine now, bleh!" Sabay bato sakin ng papel na cinrumple ko kanina dahil sa mali kong drawing.

"UGH, Kuya!" I shouted nang nakatakbo siya.

I ran as soon as I can just to catch him. Buong bahay ay nag hahabulan kami. Tawa ng tawa ang iilang kasambahay namin kasabay ng pag baba ni Dad sa hagdan.

Dad laughed. "Para kayong mga bata!"

Nanlaki ang mata namin ni Kuya Aljun nang nakita namin ang hawak nito.

"Bakit may sinturon?!" Kuya Aljun shouted.

"Parin?!" I added.

"Palo pwet! Palo pwet! Palo pwet!" Asar nina Manang sa gilid.

"Dad, si Alex nauna!" Kuya Aljun blamed.

"Anong ako?! Ikaw kaya nangbato ng papel!" I shot back.

"Eh, hindi mo kasi ako pinapansin!"

"Tse!"

Nanahimik kaming dalawa ng nakarating si Dad sa harap namin. Hinihimas himas ang sinturon na hawak niya. Kuya Aljun and I gulped because of it.

"Si Alex may kasalanan," Kuya Aljun blamed again but he held my shoulder and pulled me sa likod niya.

The bitter-sweet childhood memories flew back. Ganto kami dati noong bata kami. Kapag nag aaway o asaran kami ay ako ang sisisihin ni Kuya Aljun pero hindi niya hahayaang masaktan ako ng mga palo ni papa kaya sinasalo niya iyon. He was my knight in shining armor simula pa dati.

Nagkaroon ng ilang segundo ng katahimikan ngunit naputol iyon dahil sabay sabay kaming nag tawanan ng walang dahilan.

"Ano? Naka-miss kayong dalawa, ano?" Asar ni Dad.

"Si Alex kasi Dad, akala mo matanda na kung maging busy!"

"Ikaw kaya 'yun! Papakasalan mo na nga basketball, e!"

If I Stay | Ricci Rivero (Book 2: DISCONTINUED)Where stories live. Discover now