Kabanata 30

2.3K 121 21
                                    

Kabanata 30
Deal

"Hoy, Rivero! Mukha ka ng tarsier sa ginagawa mo sa kapatid ko!" Suway ni kuya Aljun.

"Sus, Aljay! Hindi ka pa ba sanay?" Asar rin ni Michelle.

Tahimik lang na nakayakap sa akin si Ricci habang nasa byahe kami pabalik sa bahay dahil ihahatid nila ako doon. Mag babar pa sila pero ako uuwi agad dahil tinawagan ako kanina nila Daddy.

"Baby?" He whispered.

Nakita ko muli ang panibagong text ni Tito Architect at Daddy.

Tito Architect:

Did the plane land safely??

Daddy:

Where are you? We're almost done preparing.

Agad kong inilayo ang cellphone ko nang gumalaw si Ricci para tignan iyon.

He pouted, "Pansinin mo naman ako,"

Niyakap ko siya ng mahigpit, "Bakit ho, mahal na hari?"

"Ayoko talagang sumama sa kanila," He commented.

Tumawa ako, "Bakit naman?"

"Malamang wala ka! Sinong lalandiin ko dun?" He playfully answered.

"Madami ka namang babae, e!" I fired.

"Heh! Kayo lang ni Mama ang babae ko sa buhay, no!" Masungit niyang wika.

"Aba dapat lang! Nako, pag nalaman kong may hinalikan ka talagang babae, mag papatali ako agad kay Kyrie!" Banta ko sa kanya kaya agaran siyang kumalas sa yakap namin upang tignan ako.

"Seryoso ba?" Natatakot na tanong niya.

"Rivero, do I look like I'm joking?" Inis kong sambit.

"You look like my future wife," He smiled.

"Bolero!" I exclaimed.

"Alexis," He called my name.

"Yes?" I gave him a genuine smile.

"May sasabihin ka ba sakin?" Tanong niya.

Nanlamig ako at onti onting nawala ang ngiti ko sa labi.

Umiwas ako ng tingin, "Wala naman. Teka, iiglip muna ako,"

He looked at me for a few seconds and smiled. It creeped me out.

"Tumigil ka nga kakatitig," I said uncomfortably.

"I'm just... memorizing your face," He tucked my hair behind my ear.

"Para saan?" Tanong ko pero umiwas na lang siya ng tingin.

Pag dating ko ng bahay ay agad akong nag beso kay Daddy. Nasa labas daw ang mga bisita ngunit hindi ako nag pakita dahil mag bibihis ako. Mukhang pormal ang pag uusapan dahil naka-shirt and tie.

"Good noon, dad," I greeted habang bumebeso sa kanya, "What's with the clothes?"

"Good noon, anak. Mag bihis ka na. Wear something formal, okay? Hindi pa naman kompleto but please, hurry up,"

Kumunot ang noo ko pero nag pasya akong tumango at umakyat na sa kwarto ko. I took a quick shower and dried my hair. I also used make up para naman medyo mag mukha akong may class.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
If I Stay | Ricci Rivero (Book 2: DISCONTINUED)Where stories live. Discover now