Kabanata 16

3.6K 125 13
                                    

Kabanata 16
Rivero

"Baby ko..." Malumanay na gising nito sa akin.

Minulat ko ang aking mata at kinusot ito nang makita ko si Ricci na may hawak na tray habang nakaupo sa tabi ko.

"Ricci?" Kunot noong tawag ko.

"Goodmorning!" Bati nito at pinatakan ako ng halik.

Agad akong lumayo sa kanya, "Cci, kakagising ko lang!"

"Oh, bakit?" He innocently asked. "Natikman naman na kita ah?"

"Ricci!" Sita ko sa kanya habang nakakaramdam na pulang pula ang pisngi ko.

"Umagang umaga sinisigaw mo pangalan ko, pwede bang mamaya ng gabi?" Pa-cute niyang sambit.

"Ricci Paolo Uy Rivero!" I warned.

"Ahhhh memories.." He daydreamed.

Tumili ako ng malakas na ikinatawa niya lang.

Nag ayos kami parehas para umuwi na ng bahay. Shit. Kinakabahan ako.

Tahimik ako habang nag d-drive siya pa-Alabang. Napansin naman niya iyon kaya bigla siyang tumigil sa gilid ng daan.

"Ricci-"

"Okay ka lang ba?" He was dead worried.

Nilagay niya ang kanang kamay niya sa likod ng uluhan ko and he leaned in.

"I'm fine, Cci. Bakit mo naman natanong?" I fakely smiled.

"Hindi ka mukhang okay," Singit niya habang mariin na nakatitig sa akin.

"Cci, I'm fine. Masakit lang puson ko." Malamig na bansag ko.

"Do you want to eat something? Cravings? What? Stop over tayo? Ano nga? I'll buy it for you." Sunod sunod niyang sambit.

"Can you relax?" I chuckled, "Wala 'to. Let's just go, inaantay na tayo ni Dad."

Pero ang totoo ay ayoko pang umuwi.

Pag dating namin sa village ay agad akong binalot ng kaba sa aking buong sistema. Kita roon sila Dad at Kuya Aljun na nag hihintay sa amin.

"Alex," Kuya Aljun called pagka-labas ko.

"Kuya," Sambit ko at tumingin kay Dad, "Dad."

"Alex.." Dad said slowly nang nakalabas na si Ricci sa kotse niya at tumabi sa akin.

"Good afternoon, Tito!" Ricci genuinely greeted na ikinatango lang ni Dad.

"Cci," Tawag ni Kuya Aljun kay Ricci, "Samahan mo muna ako, may pinapabili si Dad,"

Tumango naman ang inosenteng si Ricci at lumihis ng tingin kay Dad, "Tito, samahan ko lang po si Aljun.."

Tumango lang din si Dad at hindi na nag salita. Nang nakaalis na ang dalawa ay sinensyasan ako ni Dad na pumasok sa loob ng bahay.

"Dad, ano bang nangyayari-"

"Alexis, my dear!" Tawag nang pamilyar na boses.

Tumingin ako kung saan ito nanggaling at lumaki ang mata ko, "Ky!?"

"Alex.." Bati nito na medyo malungkot ang tono.

"Why are you here?" Kunot noong tanong ko.

"Alexis, listen carefully." Striktong sambit ni Dad. "Please consider."

"Consider what, Dad?" Kinakabahan kong tanong.

Binigay niya sa akin ang papel na nasa tapat ni Kyrie. Tumingin ako kay Kyrie na napa-tingin nalang din sa baba.

If I Stay | Ricci Rivero (Book 2: DISCONTINUED)Where stories live. Discover now