(Real experience) january 21st , 2017
Alam niyo guys, di naman talaga ako naniniwala sa mga haka hakang may nagmumulto daw sa Sleeping lounge , yang tinatawag nilang Junjun oh di kaya si Melody na nagpaparamdam dito sa min sa cebu. Ganito kasi yun..
First time na na hire ako. Training ground ko nasa Banawa. Almost a year din akong employee dun. Until eto na nga.. nag papa lateral transfer sila.. ginawan kami ng extension from banawa to It Park. Kaya nag decide akong umalis dun at mag pa transfer sa It Park. At take note.. almost a year din ako natutulog dun sa sleeping lounge namin sa banawa. Pero ni isang kebot oh paramdam man lang wala akong na feel. Ni goosebumps wala. Eh tsismis pa naman dun na melody daw name ng girl na nagpaparamdam dun.
Lamig ng AC's oo... Hanggang nag ITPARKER na nga ako. Ayun.. 2 months ako nun sa it park dun ko pa feel maki tulog sa sleeping lounge nila. Siyempre bagohan eh. Kaya nagmamasid masid pako nun.. di ko kasi feel at first pero nung natry ko na... Aba'y okay pala.
Hanggang sa may mga tsismis ng ibang agents dun.. kesyo uso daw bangungot dun.. lagi daw may mga agents na napapaiyak na lang na nagigising dahil binabangungot daw sila..
sabi ko naman. Haler! Natural yan sa mga call center agents na kagaya natin.. "Sleep paralysis" tawag jan oie! Oo alam daw nila yan.. pero kakaiba daw na bangungot meron dun sa lounge na yun..at ito na nga.. pang apat na tulog ko na to sa sleeping lounge (Girls lounge) nasa 7th floor kasi yung for boys. Eh nakakatamad kaya pasikreto na kong maki tulog sa womens lounge. Sorry!Sarap sarap na po ng tulog ko... Lamig lamig.. ito yung di ko makakalimutan kaya na ishare ko sa inyo...
kasi. 2:00 pa ng umaga Shift ko pero dumating ako sa office 12:00 kaya ginawa ko natulog ako sa lounge.
Hesus maryosep..ba't ganun? Ni hindi ko magalaw Paa ko.. lagi po akong nakaka experience ng sleep paralysis.. pero mabilis ko naman ito natatanggal sa katawan ko. Pero ito kakaiba.. ni hindi ko magalaw mga daliri ko.. pinipilit ko banggitin pangalan ni "Hesus" .. pero ayaw eh.. para bang may nakabara at may nagtatakip sa bibig ko.. hanggang sa may naaninagan ako ..
Putcha! Dalawang Madre po.. na blanko yung mukha... Dun ako nag panic.. yung isa nasa ibabaw ng ulo ko.. tas yung isa naka hawak sa mga paa ko. Kaya di ko naigagalaw katawan ko. Tulong!!!!! Lagi ko siyang sambit pero ang hirap. Nagising ako sa tapik ng isang tao.. isang ahente rin . Kakapasok lang daw niya.. magandang babae
. Ang alam ko ibang acct siya.. Intuit , base sa ID niya. Sabi ko " Miss , thank you. Thank you. Siguro kong wala ka ewan .. di ko alam..."
Sabi naman niya.. oo sir alam ko.. alam ko binangungot ka.. kaya nagdadala ako ng Bottled water nilalagay ko da uluhan ko para di ako bangungutin. (Effective pala yun?)Pero ang lakilaki ng pasasalamat ko sa kanya..matangkad na babae. Maputi. Medyo mugto yung mata. Di ko na po nahingi pangalan niya at akoy agad ng lumabas at nagtungo sa cr. Pagkatapos maghilamos , ay agad ko siyang binalikan baka kasi andun pa siya. At gusto kong magpasalamat ulit. Pero wala siya dun. Siguro di na yun babalik kasi wala na rin sa higaan niya yung bottled water na dala niya. Di ba siya umidlip? Kataka taka...
Sakto 30 mins before 2:00 nasa floor nako. Kinwento ko yung nangyari sakin.. dama nila yung takot.. sabi ko ayoko ng bumalik sa lounge na yun.. di sa tinatakot ko sila pero basi na rin sa naging karanasan ko .. ayokong maulit yon.. baka sa susunod eh magiging huling araw ko na sa trabaho ko. Hindi nga na terminate pero namatay naman sa bangungot... kakatakot.
Pero ang ikinagulat ko.. ay ang sagot ng Tl ko.Tl: "nagbibiro ka ba? Eh walang intuit ngayon eh. Saturday shift. Restday sila."
Me:Kaya miss, kung sino ka man.. kung andito ka man sa group na to. Buhay man o patay. Thank you. Thank you ng sobra..dahil ginising mo ko.
Thank you !
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
HorrorNais ko lang po mag share ng mga isang ka kila kilabot na totoong istorya na mangagaling sa ating mga kababayan. Kung may mga kwento kayong kababalaghan at nais niyong i-share free to message me ahihi Team kababalaghan tayoo.