Rooftop: The girl who commited suicide

138 6 1
                                    



 Ang palayaw ko ay nikkay, grade 2 pa lang ako nakakaranas n ako ng mga hindi pangkaraniwang bagay. Mga bagay na mahirap paniwalaan, mga bagay na kinakatakutan.

August 13, 2016 grade 8 ako at tandang tanda ko pa, sino ba namang makakalimot sa karanasang ito? Ito na yata ang pinaka nakakakilabot kong karanasan sa buong buhay ko. 5:00 pm saktong uwian namin ay nagkwentuhan kami ng dalawa kong kaibigang sina louie at hannah tungkol sa mga pangyayari sa school naming wala ni sino man ang gugustuhing maranasan ito. Ilang minuto ang nakalipas, natapos na din kaming magkwentuhan. Madilim na din nun at konti nalang ang mga estudyante. Nang biglang magsalita si hannah ""Mag ghost hunting kaya tayo?"" Walang nagsalita samin ni louie at tinignan lang namin si hannah na parang nagsasabing 'Seryoso ka ba?' Nang biglang may inilabas si hannah sa kanyang bag. Isang camera.

So ayun nga, wala naman kaming magawa kundi mag ghost hunting. Hindi kami makaayaw kay hannah dahil mapagtampo itong kaibigan. Ako ang nagdala ng camera. Nirerecord namin bawat hakbang namin, bawat lugar sa eskwelahan pupuntahan namin.

Ilang oras na ang nakalipas, nalibot na namin ang lahat ng classrooms, ang loob ng campus pero wala kaming nakita. Rooftop nalang ang hindi namin napupuntahan. Sinita din kami ng guard kung bakit andun pa kami eh gabing gabi na, baka daw hinahanap na kami ng mga magulang namin. Pinapauwi na kami ni kuya guard pero hindi kami sumunod. Umakyat pa rin kami papuntang rooftop at nagvivideo pa rin ako.

Nasa rooftop na kami ng mga oras na ito, tuloy tuloy lang sa paglibot sina hannah at louie sa rooftop. Habang ako, ito napako sa kinakatayuan ko dahil sobrang iba na ang pakiramdam ko sa lugar na to. Nilalamig ako as in sobrang lamig, nanginginig ako at feeling ko lumalaki yung ulo ko. Bigla akong bumalik sa tino nang sumigaw si hannah, pumunta naman si louie sakin sabay tanong ""Narinig mo ba yun?"" ""Oom si hannah yun diba?"" At dali dalian kaming pumunta sa direksyon kung saan namin narinig na sumigaw si hannah. Naabutan namin si hannah na nakaupo sa isang tabi at umiiyak, tinanong namin siya ""Anong nangyari?"" Tanong namin dito. Hindi siya nagsalita at itinuro niya lang ang isang direksyon kung saan kami nakakita ng isang babaeng duguan, naka school uniform at nakabigti. Labas na ang dila nito't sobrang putla na. Halos maihulog ko ang camera nang makita iyon. Pinulot ko ang camera't itinapat ito sa babaeng nakabigti, Makukuhanan na sana namin ito ng video ngunit bigla itong naglaho na parang isang bula.

Dinasalan naming tatlo ang rooftop, nagtirik din kami ng tatlong kandila. Simula non ay hindi na kami pumunta ng rooftop kailan man. Itinapon na din namin ang camerang aming ginamit sa pag ghost hunting.

PS. Nagtanong tanong kami sa faculty ng school namin tungkol sa babaeng nakabigti sa rooftop at ang sagot samin ay, nagpakamatay ang babaeng iyon dahil sa kahihiyan. Matagal tagal na din, kumalat sa eskwelahan ang video niyang nakikipagtalik sa kapwa estyudante. Simula nang kumalat ang video ay naging usap usapan siya sa eskwelahan at binubully siya. Hindi niya kinaya ang kahihiyan kaya siya nagpakamatay.

Nikkay


A\N : Nakaka takot talaga suggest ko lang basahin niyo to kapag gabi mas dama niyo siya HAHAHA

True Horror StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon