You can call me Lee(Let's keep my indentity hidden), kasalukuyan akong nagiintay para magstart ng work so naiisipan ko ishare ito. I can't say I'm a believer but i'm very open when it comes to paranormal ideas. Here it goes: last year napansin ko nung magstart ako magwork sa dati kong second company na BPO company, napansin ko lagi akong nagkakasakit, dinededma ko lang kasi naisip ko may healthcard ako so okay lang may pangcover ako. Fast forward after 4years napagstay ko sa dating Kong bpo company sa northgate alabang naisipan nag housemate ko na si Louie (Babae po siya) na nagresign, partly because panget na ang pamamalakad nila. Nakahanap kami ng work sa bgc, credit card company. September 2016 end ng pagrender ko sa old bpo company ko and ang start ng work ko sa most recent company ko is October 2016. Mahaba ang pahinga ko , saka sa new apartment na inuupahan ko libre ang WiFi so maganda ang start ng work ko. Fast forward nag start na me October. Okay naman I met a lot of new faces. May maging kabuddy-buddy ako na gurl name is tish, I was enjoying everything then all of a sudden after 2 weeks bigla ako na dengue. Good thing si tish kahit maitim ako, napansin niya may mga red spots ako, so confirmed nung nagpa st. Luke's ako na dengue it is. With a little prayer and water 5 days lang tinagal ng saket ko kahit nagbleeding ako sa gums. After ko gumaling akala ko okay na, here comes ojt, or to some bpo industry, they call it nesting. First week of ojt, I remembered nagpa wax ako sa isang kilala ng waxing saloon( ayoko na I mention ang name) sa market market. Lagi naman ako nagpapawax so alam ko na ang drill. I followed the steps pero napansin ko, the next day may tumubo na butlig sa right underarm ko. Dinedma ko lang kasi maliit lang, the next parang nagusap sila ng left underam ko so nakijoin din si left underam. Parang maging pigsa at parang nilalagnat ang underarms ko. Tiniis ko kahit Hindi ako makapagfocus sa training. Hindi nahahalata ng boss kasi Hindi ko pinapahalata sa kanila that I'm in pain. Lahat ng cream pinahid ko na lalong lumala, dumami pa sila so nagkabutas-butas ang underarms ko(don't imagine it baka magkaphobia ka). Then the following week this made think of this possibility na baka Hindi na ito simpleng sakit lang. The following week nagka U.T.I AKO. So sabay na yung sa underarms at UTI KO. Bigla Kong naalala yung friend ko na si bab(Hindi niya tunay na pangalan) kasi doon sa dati Kong work nagapartment din kami sa may las pinas, si bab makasama namin siya sa house. Nung time na magstay siya lagi siya nagkakasakit, yung akala ko may TB siya yun pala kinulam siya ng kamaganak niya. Anyways, back to my dilemma, mga bandang December. After our party, tatag ko nakapagparty pa ako kahit may saket na ako, kinontact ko si bab. Nabanggit ko sa kanya yung nangyayari na weird sa akin, sabi niya ka kausapin niya yung albularyo na nakatulong sa kanya. Fast forward after Hindi maset ang schedule na set ko na rin at napuntahan ko ang lugar ni bab(susme, napakalayo, bandang Santa Anna) nakita ko na rin yung albularyo(nakalimutan ko na name niya, pero thank you kasi ang laki ng naitulong po ninyo, god bless). First meeting Kay ateng albularyo. Tatlo kami ni bab sa kwarto, si bab is taga sulat ng kung sino nang holly ang sasapi may ateng albularyo at ako. Fast forward, after the introduction at orasyon, sumanib na si holly spirit sa kanya. Kinonfirm ni ateng albularyo na KINULAM NGA AKO, ng isang babae, pero ang kinagulat ko, doon ako naniwala sa kanya doon sa pangalawa na sumumpa sa akin.
BINABASA MO ANG
True Horror Stories
TerrorNais ko lang po mag share ng mga isang ka kila kilabot na totoong istorya na mangagaling sa ating mga kababayan. Kung may mga kwento kayong kababalaghan at nais niyong i-share free to message me ahihi Team kababalaghan tayoo.