-Charlotte-
"Oh ano yan?" tanong ko kay baby Nate. Understanding naman ako pinsan pala niya siMusang Erica kaya okay na medyo humupa na ang inis ko sa kanya. At ngayon...hihihi di ko ineexpect na pupunta sya sa classroom ko para magbigay ng FLOWERS!! Tatlong dosena atang red roses at white roses.
"It's flowers. I just want to say I am really sorry sa ginawa ko kahapon at tsaka noon, pati na rin sa ginawa ng pinsan ko sayo." I just stared at him for a full minute. I can't believe na nag sosorry sa akin si baby Nate. Oh my god parang may butterflies sa stomach ko. NAKAKAKILIG!!
"Oh my god nanliligaw ba si Nate kay Charry?" bulong ni classmate ko. Di ko kilala pero kablockmate ko sya. At kung maka CHARRY best friend kita teh?
"Nakakakilig naman. Ang sweet no. Anng swerte talaga ni Charry."sige maiinggit ka teh. Laki din ng hirap ko ditoo kay Baby Nate.
"Thank you." kinuha ko na ung flowers ang laki nakakahiya naman na bitbitin ko to sa pauwi.
"And..." si baby Nate. Manligaw ka na kasi hindi naman ako mag papakipot please Nate please ligawan mo ako. Lord please.
"And?" impatient na tanong ko. Ano na kasi? Baka dumating na ang kontrabida kong prof. Tsaka para syang di maihing pusa .
"Uhmm AAYAHINSANAKITAMAGLUNCHKUNGOKAYLANGSAYO." ganyan na ganyan ang pagkasabi nya walang space. (AAYAHIN SANA KITA MAG LUNCH KUNG OKAY LANG SAYO.)
OH MY GOD?? Did he just invite me??? Maglunch? Ito na ba ang umpisa ng aking LOVE STORY??
"Uh yeah sure." I hide my smile. Baka anong isipin nya. Matawag pa akong SLUT. Kailangan mahinhin.
"Yun lang susunduin nalang kita sa dito." then nag smile sya. God talaga to. POGI!!
"Okay."
Nang sure ko ng wala na sya sa paningin ko di ko napigilang kiligin. SHET!!! Nangyayari na ang pangarao ko!!!
"MAGLALUNCH KAMI!!" sigaw ko kila Kelly at Laine.
"What's that noise Miss McLean?" andito na ang kontrabidang balyena sa buhay ko.
"None Maam" bwiset ka!! yan ang gusto kong isigaw. Bakit ganyan siya? Ang init ng dugo sa akin.
"Lunch Detention." putcha naman ei! Ito na nga ang pagkakaton!! Ito na lunch DATE na namin ng Baby Nate ko mapupurnada pa sa balyenang to!
Hindi nalang ako sumagot. Nakakainis talaga. Sa dinami dami ba naman kasi ng araw ngayon pa.
Letche!!!
Nag beep ang phone ko. Text galing kay Kelly.
Kelly: K lang yan girl. I'll tell Jamie na sabihin kay Nate na may detention ka sa lunch.
Charlotte: Thank you girl. Bwiset na balyena yan.
Tinago ko ang cellphone ko. nakakainis naman talaga kasi. Di rin naman ako nakinig sa kanya. Ang dali dali lang naman kasi ng tinuturo niya. chicken! 5 minutes bago mag bell pinalabas na nya kami.
"Letche sya.." ako na talaga ang nang gagalaiti sa prof na yon. Nakakainis. Kulang na lang talaga at mag lupasay na ako sa daan.
"Charlotte punta ka na sa classroom ni Ms. Agoncillo."si Laine. Tsss kung alam lang nila ang pinag daraanan ko ngayon. Ang sakit ang saklap.
"Okay girls bye.." nag beso beso na kami then pumunta na ako sa classroom ni Ms. Balyena. Asa naman syang tawagin ko syang Ms.Agoncillo.
Pumuwesto ako sa dulo malapit sa bintana. Makikita mo kasi ang garden ng school.
Wala pa sya ng dumating ako kaya nilabas ko ang cellphone ko at naglagay ng earphones. Full ang volume para di ko marinig si Ms.Balyena. Pumikit muna ako. Nakalimutan ko kasing bumili sa canteen ng lunch ko. Tsk sa sobrang pag iisip ko ng kasaklapan ng love story nakalimutan ko tuloy.
Nagulat nalang ako ng may biglang magbaba ng plastics sa mesan ko. Yummy naman ng pagkain. favorite ko Mcdo fries at big mac may float at sundae din. Pero mas yummy ang nag dala. OH MY GOD!!!!!! Shocks!! SI BABY NATE!! Dinalahan ako ng FOODS!!! Parang nag iinit ang cheeks ko BLUSH na ba to??
Tinaggal ko na ang earphones ko. Nandito na si Ms.Balyena may food din kagaya nung dala dala ni baby Nate.
"Bakit ka nandito?" bulong ko? Baka kasi maghimagsik ulit si Ms.Balyena baka mapatay ko na yan.
"Sabi kasi ni Jamie na may detention ka daw ngayong lunch break, kaya dinalahan na kita." grabe ang ganda talaga ng smile nya. HEAVEN. Ngayon ko lang sya napagmasdan ng super tagal in person. Sa picture ko lang sya minsan hinaharass ei. ngayon ko lang napansin na parang greyish brown ang color ng eyes nya di ko masabing grey di din naman broen parang pinaghalo. Yong nose nya patrician at ang lips GOD!! Parang sarap ikiss. Mestizo sya at parang broenish black ang hair nya. Parang may European blood.
"Pinayagan ka ni Ms.Balyena na mag stay dito?" kumakain na kasi sya. Magkaharap kami.
"Ms.Balyena??" clueless na tanong nya. Nginuso ko lang si Ms.B sa harap. Tapos tumawa sya. Sarap pakinggan.
"Yeah.Ah hindi ko kasi alam ang gusto mo kaya binili ko nalang ang favorite ko sa Mcdo. Sa labas sana tayo kakain." di ko pa kasi nagagalaw ang pag kain ko. Pero sabi niya favorite daw nya?? Favorite ko nga din ito diba MEANT TO BE!!
"Actually ito nga ang mga favorite ko." gustong gusto ko na talagang lamunin ang mga dala niya kaya lang kailangan mahinhin nga diba.
Nakakatuwa syang kausap.Di mo akalaing sya ang leader ng gang nila Jamie. Sobrang gaan ng loob ko sa kanya. Mahal ko na talaga sya. How I wish na ligawan nya ako walang isip isip sasgutin ko sya. Marami rin akong bagay na nadiscover sa kanya. Marami rin bagay na pareho kami. Natapos ang lunch detention ko ng super saya. Hiningi din nya ang number ko thank you lord. hinatid niya pa ako sa classroom ko!
"Thank you sa lunch nag enjoy talaga ako," ang dali lang palang mag pa tweentums kesa maging wild.
"Wala yun. Free ka ba mamayang uwian?"
"YEAH! I mean oo wala din naman kaming pupuntahan nila Kelly at Laine." maka YEAH naman ako agad agad. Ang malanding kaluluwa ko kasi.
"Great.. sunduin nalang ulit kita dito make sure wag ka ng madedetention ulit." nag smile ulit sya. Kanina ko pa nga napapansin. Lagi syang nakasmile sa akin.
"Yup." nagulat nalang talaga ako ng ikiss nya ako. SA CHEEKS pero ito ang first namin!! ITATATAK ko to sa pader ko. Parang ayoko na ngang maghilamos ng mukha.
"Bye." tapos umalis na sya. SHIET!!!!! Napayakap ako sa bouquet na hawak ko.
"What the heck is that?" si Laine kakaupo ko palang. Halata namang naiinggit ang mga MUSANG sa paligid ang tatalim ng mga mata. IF LOOKS COULD KILL I AM SUPER DEAD.
"Anong gayuma yun pahingi.." biro ni Kelly.
"Kontrabida talaga... susunduin daw nya ako mamayang uwian." ako naman parang nag de daydreaming. Hay ito na nga ang biyaya.
*************************************************
AYON SUPER SORRY MATAGAL AKONG MAG UPDATE. PERO ITO NA UPDATED NA BUKAS PWAMISS MERON ULIT. HINATI KO SYA.ISASAMA KO SANA ANG POV NI NATE. AYON SUPER THANKKK YOUUUU MGA READERS SA PAG BABASA.
ANO GUSTO NYONG MANGYARI KAY KEVIN??
CHARLOTTE AND KEVIN O CHARLOTTE AND NATE O NAMAN KAYA NATE AND KEVIN hahhah LOLS SPARE po ng VOTES :)
VOTE.COMMENT.BE A FAN. PLEASE PARA SUMAYA AKO.
ELYCHCHEWIT <3 ALWAYS GIVES YOU LOVE,...
BINABASA MO ANG
MY BOYFRIEND IS A HIGH PROFILE GANGSTER
Humor"Kahit ganyan ka. Mahal na MAHAL kita. Ipagtulakan mo man ako ng ilang ulit babalik at babalik ako. Kasi pag nagmahal walang bata walang matanda. Walang kama kamag anak. Di mo to maiiwasan. Mag muhka man akong SLUT okay na...basta masabi ko lang na...