TPTTW 2

15 3 0
                                    


Pagkagising na pagkagising ko ay sumilip ako sa labas at binaling ko sa kakahuyan ang aking tingin..Di pa rin ako makapaniwala. Nakakapagtaka kasi may ganong klase ng kalapati. Akala ko hanggang imagination lang iyon. May ganun rin pala?
Pero... Imposible namang nagmamay-ari kay Theodore.
Kasi--

Naputol yung iniisip ko ng may kumatok sa aking pintuan. Naglakad ako patungo rito at binuksan. Nakita ko ang aking ama't ina na nakabihis, mukhang may lakad. Blanko akong nakatingin sa kanila.

"Lavender anak, okay lang ba sayo kung ikaw muna mag-isa rito? May gagawin lang kami ng Papa mo." Sabi ni Mama. Pero di ako sumagot.

"Wag kang mag-alala anak, tatawagan ko ang tita mo na magpahatid ng katulong rito, para may kasama ka". Tumango na lang ako at sinara na ang pinto.

Sa totoo lang, okay lang naman sa akin kung ako lang mag-isa sa bahay. At least walang ingay. Peace and quite. Tiyaka hindi naman ito ang unang beses na mag-isa lang ako sa bahay sa tuwing may gagawin sila. Pagwala sila ay malaya akong gawin ang gusto ko sa bahay. Pero madalas ay nasa kwarto lang ako. Nagbabasa. Nagsosocial media. etc. Kung ako tatanungin, mas pabor pa sa akin ang mag-isa. Kesa kung may kasama ka kung puro sigawan at awayan naman nagaganap.

Kaso tuwing naalala ko ang sinabi ng lola ko, pakiramdam ko ang sama sama kong anak.

"Lola, ayoko po dun. Dito na lang po ako. Mas gugustuhin ko na lang pong mag-isa kesa makasama sila. Mas gusto ko po dito." Umiiyak na pakiusap ko kay Lola.

Hinaplos ni Lola ang pisngi. Nakita ko rin ang nagbabadyang luha nito.

"Apo, hindi sa lahat ng oras maalagaan at mababantayan kita. M-malapit na rin ang oras ko. At isa pa apo, pagbaliktarin man ang mundo, magulang mo pa rin sila."

"Lola, a-anong ibig mong sabihin? A-anong malapit na ang oras mo? Lola naguguluhan ako." Niyakap ako ni Lola at hinalikan ang aking noo.

"Basta apo, matanda na si Lola. Di na kita maalagaan. Tandaan mo palagi ang mga tinuro ko sayo ha? Lalo na yung mga bilin ko. Mahal kita apo."

Naguguluhan ako, kasi pakiramdam ko nagpapaalam sa akin si lola.

"Mahal din kita Lola."

Makalipas ng ilang linggo ay nalaman ko na lang sa magulang ko na pumanaw na si lola. Umiyak ako ng umiyak nun. Wala man lang ako sa tabi niya ng kinuha na siya, ni di man lang ako nakapag paalam. Nung araw ng burol ni Lola ay para akong pinagbagsakan ng lupa. Tahimik lang akong nakatingin sa ataul habang dahan dahan itong binababa. I was only 10 that time. Di ko namalayan na may nga luhang tumulo sa mga mata ko.
My grandma died at the age of 89 dahil sa sakit nito. Hanggang ngayon masakit pa rin sa loob ko ang pagkawala ng aking lola.

Naglakad ako patungo sa aking higaan at umupo rito. Kumunot ang noo ko nang may masipa ako sa ilalim ng aking kama. Lumuhod ako at itinaas ang bed sheet ng aking kama. Dun ko nakita ang isang kahon na napalibutab ng alikabok. Kinuha ko ito at pinunasan ito.

'Childhood Imaginary Friends'

Basa ko sa nakasulat sa gitna ng kahon. Napangiti ako ng maalala ang mga memories nung bata pa lamang ako. Di ko alam na andito pa ito. Akala ko ay naitapo na ito kung saan. Binuksan ko ang kahon at dun ko nakita ang mga mga papel na may mga guhit at pangalan sa baba nito. Kinuha ko ang mga ito. Sa unang papel ay may nakaguhit na damit ngunit wala kang makikita na tao na nakasuot sa damit. Binasa ko ang nakasulat sa baba.

Invi. The invisible girl.

Ang kasunod ay isang babae na lumilipad dahil nakaangat ito sa lupa. Binasa ko ang nakasulat sa baba.

Emily. She's lighter than air.

Napangiti ako sa mga ginawa ko nung akoy 8?9?10? years old?Di ko na maalala. Di ko akalaing makikita ko ulit ito. Sunod na papel ay may guhit ng isang kambal na batang babae na may maskara.

The Twins. Cute but deadly.

Kasunod na papel ay guhit ng isang batang babae na naka pigtails at buhat buhat ang isang kotse.

Brea. The strong one.

Next ay isang magandang babae na may pakpak sa likod. May mahaba itong buhok na kulay asul.

Miss Zephany. The Lady Master.

Ang huling papel ay nakakuha ng aking atensiyon. May isang lalaki na nakaupo sa puno at may ibon na nakapatong sa balikat nito. Isang ibon na may iba't ibang kulay. I-ito si...

Theodore.. The Nature Whisperer.

Oh my... Nakadikit lang ang mata ko sa ibon sa balikat nito at sa lalaki. Hindi ba talaga ako namamalik-mata. Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.
Naguguluhan talaga ako. Sa lakas kung mag imagine pati bagay bagay inaakala kung totoo. Hayst. Pinasok ko ulit iyong mga papel sa kahon at isinara. Di ko maitatangi na hanggang ngayon ay nag iimagine pa rin ako na ang mga taong iginuhit ko ay totoo. Ito ang mga di pangkaraniwang bagay sa aking imahenasyon. Hay napakaimposible. Tiningnan ko kung anong oras na.

3:35 pm

Makatulog na nga lang tutal inaantok pa ako dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Nag inat ako at humiga sa aking kama. Inilapag ko na rin ang kahon sa ilalalim ng kama ko. Nakatingin ako sa kisame hanggang dahan dahang pumikit ang mata ko. Dun nako dinalaw ng matinding antok.

Zzzzzzzzzzzzzz

To be Continued~












The Pathway Through the WoodsWhere stories live. Discover now