TPTTW 4

12 3 0
                                    

Kinusot ko ang aking mata at kumurap ng tatlong beses. What was that?

Nakita ko lang naman kasing parang gumagalaw yung mga dahon ng mga puno sa kakahuyan ng matagalan ko itong tiningnan.

Ano yun? May namamahay lang na ibon? O baka naman dun nakatira yung ibon na nakita ko this pass few days.

Di ko nalang inintindi ang nakita ko at bumaba na lang.

Pagkababa ay kumuha ako ng suklay para ayusin ang magulo kong buhok dahil sa hangin sa itaas.

Pagkalapag ko ng suklay ay maay narinig akong ingay. Yung ingay na parang may hinihilang bagay sa sahig.

Nilingon ko kung saan nanggagaling ang ingay na iyon.

Nanayo ang aking balahibo ng makitang nasa labas ng ilalim ng aking higaan ang box na ang laman ay ang mga drawing ko ng akoy bata pa.

Lumapit ako. Nakalatag na sa sahig ang mga papel na may mga guhit.

Nakakapagtaka, wala namang hangin ang pumasok rito kanina.

Nanatili ang aking mga mata sa guhit na ngayon ay nagkalat sa sahig.

Napakunot ang aking noo nang may nakita ako. Pinulot ko ang isang papel na may guhit ni Theodore.

Bakit.. B-bakit may nakasulat sa papel nito?! Dati naman wala to ah!.

Wala sa sarili kong binasa ang nakasulat.

Let your curiosity drive you, Lavender. And you'll find the answer. -TH

Inilibot ko ang aking paningin sa aking kwarto. Ngayon ko lang napansin na may ballpen rin sa sahig.

Kahit takot ay pinulot ko pa rin ang mga papel at inayos tsaka iliagay pabalik sa box.

Let your curiosity drive you

Di pa rin mawala sa isip ang nabasa kong sulat sa papel na iyon.

Nasobrahan na ba ako ng inom ng kape? Este, gatas? Hayyy.

Naglakad ako papunta sa sa aking kama at pabagsak akong humiga. Ipinikit ko ang aking mata.

"Lola, tell me a story" Magiliw na sabi ko sa aking lola.

Nakangiti itong hinaplos ang aking buhok.

"Sige. Ano bang story ang gusto ng apo ko?" Ngumiti ako rito.

"Kahit ano lola"

Umayos ito ng upo kaya ganon rin ang ginawa ko.

"There's this one girl that likes to imagine things. Little did she know that, that was her ability. Ang mga imahenasyon niya sa kanyang isip ay nagkakaroon ng buhay"

"Just like me!.  I like to imagine things but, my imaginations only exist on my mind. How I wish I was that girl" Sabi ko sa aking lola. Ngumiti ito sa akin

"Wanna know what kind of ability she has?"  Tanong nito. I nodded in response.

"She has the ability of ph----"

______

Iminulat ko ang aking mata. Bumangon ako at tiningnan kung anong oras na. Laking gulat ko ng makitang dapit-hapon na pala.

Ni di ko namalayan na nakatulog pala ako. Bigla tuloy akong nalungkot ng maalala ko ang aking lola.

Sayang at ang dali lang ng panaginip ko, kahit sa panaginip man lang ay makasama ko ang aking lola. I heaved a sigh.

Dahil wala akong magawa ay kumuha akong ng band paper at lapis. Pa indian sit akong umupo sa sahig.

Ano kayang iguguhit ko?

Nakatitig lang ako sa band paper.
Wala sa sarili kong ginalaw ang aking kamay at nagsimulang gumuhit.

Napagdesisyonan kong e drawing si Theodore, ang imaginary friend ko nung akoy bata pa.  Di ko naman talaga alam kong anong istura nito, pero ewan ko ba at bigla na lang pumasok sa aking isipan ang imahe nito.

Sinimulan kong e guhit ang anggulo ng kanyang mukha. Sunod ay ang buhok nito.

Sinunod kong ginuhit ang mga mata nito, pagkatapos ay ang kanyang ilong, sinunod kong iginuhit ang kanayang labi.

Nang matapos kong ma sketch ang mukha nito ay sinimulan ko itong kulayan. I colored his hair brown. Then, I colored his eyes blue, light shades of blue. Tapos ay ang labi nito, maingat ko itong kinuluyan. Nang matapos ay tiningnan ko ang aking ginawa.

Napangiti ako at pinuri ang sarili. I did a great job. I inherited my lola's talent in arts.
I stared at it for a long time. Ewan ko ba at di ko matanggal ang titig ko rito. Inilapit ko pa ang aking mukha rito.

I blinked several times... Did..

D-Did the drawing... just blinked?

Bigla ko na lang nabitawan ang band paper na hawak ko ng makitang umangat ang sulok ng labi nito.

Jusko! Malunggay-eggpie-applepie-at iba pang pagkain na may 'ay/ie'.

Crap! Did the drawing just.. smiled at me?!

Kinusot ko ang aking mata at tiningnan ulit ang aking ginuhit. Tinitigan ko itong mabuti. Bumalik ulit sa dati ang porma ng labi nito.

Ano bang nangyayari sa akin at kung anu-ano na lang ang nakikita ko.

Binalingan ko ulit ang aking ginuhit. Namamalik-mata lang ba ako kanina? O talagang nakita ko talaga itong kumurap at.. ngumiti.

Inayos ko na ang aking mga ginamit at ibinalik sa kung saan ko ito kinuha. Sa susunod ko sigurong iguguhit ay ang ibang imaginary friends ko noon. I admit na parang bumabalik ako sa pagkabata ko. Nang magdalaga kasi ako ay puro na lang paaralan at libro ang inaatupag ko. Ni wala na akong oras para maglaro at maglibang.


"Lavender"

Natigilan ako sa aking ginagawa. Dahan dahan akong lumingon sa aking likuran at napakunot na lamang ang aking noo ng makita walang tao.

Am I hearing things?

Napadapo ang aking mata sa band paper na ginuhitan ko. At halos lumabas ang aking mga mata sa aking nakita...

Wala na yung guhit ng mukha ni Theodore sa band paper.!

"You've got to be kidding me". Nasabi ko na lamang at pabagsak na umupo sa kama.

______

To be continued.









        

The Pathway Through the WoodsWhere stories live. Discover now