TPTTW 1

19 3 0
                                    

Nagising ako dahil sa sigawan na narinig ko sa baba. Nag inat ako at bumangon sa aking higaan. Binuksan ko ang pinto at sumulip. Dun ko nakita sila Mom at Dad.. Nag-aaway.. nanaman.
Sinara ko ulit ang pinto. Nagpakawala ako ng buntong hininga. Im used to it. Kung nandito lang si lola, ay hindi ako mananatili sa puder na ito. Away dito, away doon. Nakakabingi. Minsan naiisipan ko pang maglayas. Kaso naalala ko iyong bilin ni lola, bago niya ako iwan.
Hayy.

Umakyat ako sa hagdan patungo sa rooftop. Dito ako namamalagi kapag nag-aaway ang magulang ko. Dito ko lang kasi nalalasap yung katahimikan. Yung para bang walang away, walang gulo na naganap. All I want is peace, yet they can't give it to me. Pinagmamasdan ko ang mga mumunting bundok sa bayang ito. Di ko maipagkakailang maganda rito, disciplinado ang mga tao. Madalang ko napapansing may gulo. Pero kung dito sa bahay namin ang pinag-uusapan. Masasabi ko talaga na 'madalas bumibisita ang away dito'.

Minsan nag iimagine na lang ako na mayroon  kaming marangyang bahay, masaya lage. Walang problema. Walang away. Thats my way of escaping this cruel reality. Pero madalas sa aking imahenasyon ay tungkol sa di pangkaraniwang bagay. Tinuon ko nalang ang aking pansin sa kagandahan ng Malvaros. Ginala ko ang aking mata, at napansing malapit lang pala sa amin ang kakahuyan ng Malvaros.

It's been three months since we transfered here. Pero ngayon ko lang ata napansin. Sa taas, makikita mo na malulusog ang mga puno at malawak ang espasyo sa kakahuyang iyon. Wala pa akong nakikita na pumasok doon, kaya nakakapagtaka. Wala bang nangangahuy roon?. Matagal kong pinagmasdan ito.

Hindi ko alam pero. Nakita ko nalang sa'king isipan ang aking sarili na naglalakad papasok sa kakahuyang ito. I followed a pathway through it.

Napakurap akong ng tatlong beses. What the puff.. was that? Binalingan ko ang aking pwesto. Ni walang nagbago rito. Ni hindi ako umabante o umatras. Binalik ko ang aking tingin sa kakahuyan. Wala akong nakitang pathway o daanan na siyang sinyales na may dumadaan rito. Nanaginip ba ako ng gising? O imahinasyo ko lang iyon. Napa-iling na lang ako. Perks of being gutom.

Napag-desiyonan kong bumaba na dahil gutom na ako. Tapos na siguro yung dalawa sa kakaaway. Ayaw ko kasi sa lahat n makita silang harap harapang nag aaway, lalo na pagkumakain kami. Binuksan ko ang pintuan at bumaba na. Nakita kong nakahanda na ang aking almusal.

Umupo ako at kumuha na dalawang pirasong sandwich at nilagyan ito ng mayonnaise. Nagsalin na rin ako ng tubig. Kumagat ako sa sandwich at nilanghap ang katahimikan sa paligid. Kumagat ako ulit dito,pero nagulat na lang ako ng may biglang kumalabog sa itaas.

Akala mo ba  hindi ko alam ang tungkol sa mga pinanggagawa mo Leandro?! Ginagastos mo ang pera para sa babae mo!.

Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na wala.nga.akong.babae.
Bakit ba ayaw mo akong paniwalaan?!.

Rinig kong sigawan nila sa itaas.
Uminom ako ng tubig at ibinaba  ang sandwich na hawak ko. Dinig kong may nabasag roon. Pagkalipas ng ilang segundo ay nakita ko ang pagbaba ng aking ina na sinusundan ng aking ama.
Natigilan sila ng makita akong blankong nakatingin sa kanila. Nagbago bigla ang ekpresyon ng aking magulang.

Nakangiti akong nilapitan ng aking ina at hinalikan sa noo, ganon rin ang ginawa ng aking ama. They're acting like nothing happened. Im tired. Im tired of them.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at umaambang papanhik pataas ng magsalita ang aking ina.

"Anak, tapos ka na bang kumain? Ni hindi pa nangangalahati ang sandwich mo." Ani nito.

"Oo nga naman anak, kumain ka. Baka mangayayat ka niyan". Ani nang aking ama.

Binalingan ko sila ng tingin.

"Nawalan ako ng gana. Sa taas lang po ako." Sabi ko at dire-diretsong pumanhik sa taas.

Pabagsak kong isinara ang aking pintuan. Lumapit ako sa aking kama at umupo. Kinuha ko ang aking unan at ibinaon ang mukha ko rito. Dun ako sumigaw Nakakairita. Nakakinins. Ang sarap sarap maglayas. Maikli na nga lang ang buhay, puro ganito pa. Why is the world so cruel? Nagiging blur ang aking pananaw dahil sa aking luha na gustong gusto nang bumagsak. Pero pinipigilan ko lang. Yung iba nga diyan hinihiling na sana magkaroon ng kompletong pamilya. Yung may nanay, may tatay. Nabigyan nga akong ng oppurtunidad na magkaroon, ganito pa ang sitwasyon.

Humikbi ako. Di ko na napigilan ang luha ko. Pinikit ko ang aking mga mata. Dito sa imahenasyon na nabuo sa aking utak, dito ko lang naramdaman ang pagigibg buo ng pamilya. Pero ang sakit lang isipin na sa realidad ay di katulad sa inaasam ko.

Pinunasan ko ang aking luha. Wala akong magagawa. Hanggang pangarap na lang siguro iyon. Napatingin ako bigla sa aking bintana na may marinig ako. Tunog ng ibon. Nakita ko roon ang isang kalapati. Tumayo ako sa aking kama at nagtungo papunta rito. Ni hindu man lang ito natakot sa presenya kong paglapit sa kanya. Dahan dahan ki itong kinuha at pinatong sa aking palad. This dove seems familiar. Napakaganda nito, dahil di tulad ng normal na kalapati ay may iba't ibang kulay ito. Binukad nito ang kanyang pakpak at namayagpag.
A curv formed on my lips. Kahit papano naibsan ang aking lungkot. A dove symbolizes peace. Namayagpag ulit ito pero sa pagakakataong ito ay lumisan ito sa aking palad at lumipad patungo sa kakahuyan ng Malvaros. Doon kaya ito nakatira? Pinagmasdan ko ito hanggang sa mawala sa aking paningin. Mabuti pa ito, malayang malaya. Walang dala dalang problema. Napadapo ang tingin ko sa gilid ng bintana. Nakita ko ang isang naiwang balahibo nito. Dinampot ko ito at pinagmasdan. Napakaganda. Tinanaw ko kung san lumipad ang kalapati, nasabi ko na lang ang salitang 'salamat'.

Kahit papano gumaaan ang loob ko. Ngayon pa ako nakakita nang ganong kalapati. Ang buong akala ko ay walang ganong klaseng ibon sa bayan ng Malvaros, ngunit mayroon pala.
Nakakapanghinayang dahil gusto ko pa namang alagaan ito. Makikita ko pa iyong muli? Will that bird visit me once again?
Dun lang nagprocesso ang  utak ko.

Ang kulay ng kalapati...

Di pangkaraniwan..

Ang makukulay na balahibo nito...

Walang ganon na kalapati.

Kaya pala pamilyar ang ibon na iyon.

Dahil ito ay nagmamay- ari kay....

Theodore...

To be Continued~

The Pathway Through the WoodsWhere stories live. Discover now