TPTTW 5

16 4 1
                                    

Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin. Wala sa sarili ko ring sinampal ang pisngi at umaasang hallucination ko lang yung nakita ko. Binalik ko ang tingin sa puting bond paper pero wala pa rin itong laman.

Imposible.. Napaka-imposible.

Hindi kaya nababaliw na ako?
Or worst baka may sakit na ako.

Dahan dahan akong lumapit sa kinaroroona nung papel at pinulot iyon. Nilukot ko ito at tinapon sa labas ng bintana.

Sinundan ko ng tingin ang pagkakahulog nito. Tsaka ko lang sinara ang bintana nang bumagsak na ito sa lupa.

Aktong i-sasara ko na sana ang kurtina nang mapadapo ang tingin ko sa kakahuyan. A pathway is slowly forming and some voices are even calling my name.

Pinikit ko ang aking mata at pinalipas ang ilang segundo.
Dumilat ulit ako tiningnan ulit ang creepy na kakahuyan.

Confirmed.. I really am a psychopath..

Naglakad at ako patungo sa aking kama at humiga. Itutulog ko na lang siguro to. Ang bata bata ko pa para ma stress. Hayy.

"Theodore.. Iyan ang ipapangalan ko sayo. Ang ganda diba?" Masayang wika ko sa ginuhit ko. Pero alam ko namang walang sagot akong makukuha.

"Sana totoo ka na lang. Para may kalaro ako pag wala si lola sa bahay. Di bale. Magdra-draw na lang ako ng iba pang kagaya mo para magkaron ng friends."

Inilapag ko ang aking ginuhit sa sahig at kumuha ng isa pang bandpaper. Ginuhitan ko ito at nilagyan ng pangalan sa baba.

Invi.

Inabala ko ang sarili sa pagguhit. Nang matapos ay pinasadahan ko ang aking mga ginawa. Bawat guhit ay mga pangalang nakasulat sa baba ng papel.

Ayan andami niyo na. Madami na rin akong friends.*giggles*

"Lavender apo? May kasama ka ba riyan?" Rinig kong tanong ng aking lola.

"Naglalaro lang po ako lola." Sagot ko rito.

"Is that so.. Come down now, dinner's ready sweetie."

"Sige po."

I stood up and roamed my eyes across the room. My eyes sparkled when I saw an empty box.

Kinuha ko ito at gamit ng pentel pen, sinulatan ko ang pantakip nito.

"Childhood Imaginary Friends"

Tapos ay kinuha ko ang aking mga ginuhit. Bago ko nailagay sila sa kahon ay wala sa sarili akong napangiti.

Maayos kong inilapag ang aking mga ginuhit sa kahon at dahan dahang sinara ito. Pero bago yun..

Nakita ko silang ngumiti.. And that time.. I knew I wasn't imagining.

"They did really.. smiled at me." I whispered.

I just realized that.. I wasn't imagining things all along..

Bigla na lamang akong napadilat at pabalikwas na bumangon sa kama. That dream... That dream seems so familiar.. Ugh. What is wrong with me.

Hinilot ko ang aking sintido at tumayo na sa kama. Ipinusod ko ang aking buhok at lumabas sa aking lungga.

Diretso akong nagtungo sa kusina at kumuha ng isang basong tubig.
Hindi pa ako nangangalahati sa pag-inom ay bigla na lang bumukas ang pintuan at iniluwa nito ang aking mga magulang.

"Sinasabi ko na nga ba't babae mo yun Leandro! Walang hiya ka talaga!" Sigaw ng aking ina at sinasabunutan si papa. Sinasangga ng aking ama ang bawat palo nito.

I stood still.. Nakatingin lamang ako sa kanila na nag-away. Akala ko ba hindi na to mauulit? Sabi pa nga nila yun eh. Pero anong nangyare?

Ni di ko namalayang may luha na palang tumulo sa mga mata ko.
Napabaling ng tingin sa akin ang aking ina ng mapansin ako. Natigil rin ito sa kaka palo kay papa. Napatingin na rin si Papa sa aking direksyon.

"L-Lavender.. anak." Mapait ko silang nginitian.

"Liars. You broke you promise!. Ayaw niyong magalit ako sa inyo but you're the ones who's giving me reasons to hate the both of you! Are you really my parents?!
I hate the both of you.. so much!

Marahas kong pinunasan ang aking luha at tumakbo papalabas ng bahay. Ayaw ko ng manatili sa kwarto. Kahit magkulong man ako dun, paglabas ko naman mag-aaway na naman ang dalawa. Nakakapagod na.. Nakakarindi.

Ba't ang malas ko pagdating sa pamilya? Masama ba akong tao?
Ba't ba ang gulo ng buhay ko?! Ba't ayaw nila kong bigyang ng katahimikan. Ba't di nalang nila tigilan yang mga away na yan.

Hinayaan ko lang na tumulo ang mga luha ko.

Takbo lang ako ng takbo hanggang sa umabot ako sa kakahuyan ng Malvaros. I abruptly halted when I realized where Im going. . I roamed my eyes in the woods. Nilingon ko ang aking pinanggalingan ngunit malayo na ang naabot ko, di ko na memorado ang daan papalabas ng kakayuhan.

Lakad lang ako ng lakad, tanging mga tunog ng damo ng aking natatapakan lamang ang aking nariring.

"Lavender"

Napatigil ako bigla at lumingon lingon sa paligid. Ngunit wala akong makitang tao na maaaring tumawag saking pangalan.
Sinisimulan na akong kabahan.

What if haunted ang kakahuyan na ito kaya walang nangangahoy?
Lord, wag niyo po akong pabayaan please..

Nagsitayuan ang balahibo ko ng makitang may nabuong pathway saking unahan.

"W-Wala. . .W-Wala to kanina ah"
Utal kong sabi.

Kahit natatakot ay wala sa sarili kong sinundan ang nabuong daan. It seems like something's telling me to follow it.

Hinahawi ko ang mga sanga habang nakasunod pa rin sa nabuong daan. Ilang minuto rin akong nakasunod hanggang sa mapatigil na lang ako. Wala nakong masusundan na daan dahil tumigil na ito sa harap ng isang gate.

Napanganga ako saking nakita, lalo na't biglang bumukas ang gate at bumungad saken ang isang mansion. Nilibot ko ang aking tingin, napakaganda. May fountain at ibat ibang klaseng bulaklak ang nasa paligid.
The beauty of the surrounding is beyond description.

Wala sa sarili kong kinurot ang sarili. . "W. . Wow. I really am not dreaming.."

Naglakad ako papunta sa door step ng mansion at kumatok sa pinto. Ngunit walang sumagot. Nagulat ako ng malamang nakabukas lang ang pinto. Pumasok ako sa loob, at halos malaglag ang panga ko ng makita ang loob ng mansion.

"Ang. . . Ganda."

Lahat ata ng mamahaling kagamitan ay nandito na sa mansyong ito. The inside is so neat.. Its properly cleaned.

Wala bang nakatira dito? Antahimik naman.

Naglakad ako papunta sa isang sofa at umupo rito. Ang weird lang dahil parang familiar saken ang ambience ng place. Its like I've been here, but no, ngayon pa lang ako nakapunta rito.

Napadapo ang aking tingin sa isang painting. Tumayo ako at nilapitan ito. Its a painting of a girl. . . following a pathway.
Hinawakan ko ang painting. Kumakabog ng malakas ang aking dibdib habang tintingnan ko ito.

Its like the pathway I just followed all the way from here..

Napaatras ako ng ilang hakbang..

"Welcome, Lavender"

Muling nagsitayuan ang aking balahibo ng may marinig akong nagsalita sa aking likuran. . . A-Akala ko ba. . Ako lang mag-isa rito?

Ilang beses akong lumunok bago humurap..

At para akong naestatawa saking nakikita. What the . . .

No. . . It can't be. .

"M-Miss.. Zephany?"

She smiled. . .

" Yes Lavender, It is I."

_______

To be Continued. . .






The Pathway Through the WoodsWhere stories live. Discover now