1: Transferee

218 6 2
                                    


Yeah I know, bago na naman. Hahaha XD Pagpasensyahan niyo na. Anyway, I'll update this one everyday tapos week end yung MDLG.

---------------------

Takira Cerys Ashben's POV

Everyone is looking at me as if I'm an alien or a mutant walking under the sun. Napabuntong hininga na lang ako sa mga tingin nila tsaka tinuloy ang paglalakad. Wala akong ibang dalang gamit bukod kay Sedi na isang Teddy Bear, lahat kasi ng gamit ko eh pinadala na ni Saturna sa Academy. Tumakas naman ako sa driver namin kaya eto, naglalakad ako papunta sa Academy. Sino ba naman kasi ang gustong pumasok sa Academy sakay ng sasakyang yun, Porsche Panamera, masyadong takaw pansin.

"Hello Miss, sa AAA ka ba pupunta?" bati ng isang lalakeng humaramg sa daraanan ko. Naka-school uniform na ako kaya napaka-nonesense ng tanong niya para sa akin. Hindi ba halata? Naka-uniform ako ng AAA.

"Hindi po ba halata?" tanong ko kaya natawa siya.

"Hahaha... Palabiro ka pala. Naliligaw ka ba? Tara ihahatid na kita." alok niya kaya napa-iling ako. Kabisado ko na yung dadaanan ko kahit na hindi pa ako nakakapunta doon. Bago naman kasi ako pumunta dito, minemorize ko na yung buong mapa ng syudad na ito. Tsaka hindi naman ako nagpapatawa.

"Maraming salamat pero hindi na kailangan." sabi ko tsaka nagtuloy sa paglakad. Hindi pa ko nakakalayo eh humabol na siya sa akin.

"Ah. Wag ka namang masungit miss. Ihahatid na nga kita eh." hindi katiwa-tiwala ang taong ito.

"Anong value ng Pi?" tanong ko sa kanya. Mukha namang nagtaka siya sa tanong ko.

"Pi? As in Pizza? Naku depende sa flavor. Gusto mo ba? Ililibre kita." sabi niya kaya pumikit ako saglit at nagsalita.

"No. I'm pertaining to the mathematical term Pi which is also the 16th letter of the Greek alphabet. Aside from that, the symbol of Pi is used to denote the ratio of the circumference of a circle to its diameter. Regarding with my question, the value of Pi is 3.14159265 in eight decimal places." sabi ko tsaka siya napakamot.

"How about the chemical compound pottasium chloride?" tanong ko tsaka siya napakamot at napaatras ng isang hakbang. Now it's working.

"Ah... Potassium?" tanong niya kaya tumango ako.

"Hmmm... Potassium Chloride. It is first used in 1868. Potassim chloride is an ionic crystalline chemical compound consisting of equal numbers of sodium and chorine atoms. Commonly, people called it salt." sabi ko bago siya tinalikuran at lumakad. Kagaya ng inaasahan ko, hindi na nga siya sumunod. Karamihan naman kasi kapag nagsalita na ako ng mga bagay-bagay na hindi nila naiintindihan, nananahimik na sila. Sa tantiya ko makakarating ako sa Academy sa loob ng sampung minuto, malapit na din naman kasi ako. Naglalakad ako ng deretsyo nang may mapansin akong kumpol ng tao.

"Maaga pa naman." bulong ko sa sarili ko tsaka niyakap ng maayos si Sedi. Sabi nga ni Saturna, curiosity ko ang papatay sa akin. Nakisiksik ako dun sa mga tao na nagkakagulo lang pala dahil sa isang lalake at dalawang babae na nag-aaway. Kaparehas ko na naka-uniform yung lalake sa gitna at pati na din yung dalawang babae pero kung ikukumpara sa uniform ko mas maiksi yung sa kanila.

"You liar! Ako ang nauna. Hindi ba Ovi?"

"Ikaw? Nagsimula kaming mag-date nung Lunes. Sa itsura mo, baka napulot ka lang niya kanina sa daan."

"Wow. Napulot kanina? FYI, noong Linggo pa kami nagdedate."

"Girls, calm down. Pinagkakaguluhan na tayo."

Akala ko naman eh kung ano ang pinagkakaguluhan nila. Naiiling naman ako na nakisiksik paalis doon nang may makabangaan ako. Inangat ko yung tingin ko sa nakabangaan ko tsaka napakurap. Masyado siyang malapit.

Mystery and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon