17: Case Free

64 4 8
                                    

Vito Rhett POV

"Hindi ba kayo kakain?" tanong ko habang hawak tong chicken leg.

"I'm on a diet." sabi ni Vienna tsaka uminom ng malamig na tubig. Isang linggo na siyang on diet samantalang wala naman akong nakikitang nagbabago sa katawan niya. Halos isang linggo na din kaming walang kaso pero hindi kagaya noong nakaraan, mukhang ok na din na wala kaming kaso. May after shock pa yung huling kaso namin.

"You don't need to diet Vivs  your perfectly hot." sabi ni Ovi na inirapan naman ni Vienna. Hinayaan ko nalang silang dalawa tsaka tinignan si Chaos na tahimik na nakaharap sa laptop niya. Ano kayang ginagawa niyan? Ilang araw na din siyang abala sa harapan ng laptop niya.

Bahala na nga sila, basta ako kumakain.

"Ah nga pala!" napatingin kaming lahat kay Vivi. Bigla-bigla kasing sumisigaw.

"Eh?" sabi ko kasi ang bastos, tinabi yung kinakain ko tsaka nilapag yung ticket na kinuha niya mula sa loob ng uniform niya. Ilang beses na siyang sinabihan na wag ulitin yang kahalayan niya. Tsk.

"Dahil wala naman tayong kaso ngayon, puntahan na lang natin si Cerys sa Mansyon nila ni Saturna. Magpunta tayo dito sa amusement park." sabi ni Vivi. Guess what... all of us is planning to say no but since its Vivi, imposibleng hindi matuloy ang gusto niya. This girl is a great combination of seduction and violence.

"Do we have a choice Vivs? Hahaha... Pero tingin ko pwede naman." sabi ni Ovi. Tinignan ko naman si Chaos na mukhang wala namang angal.

"Nga pala, ok na bang puntahan si Cerys?" tanong ko nang maalala kong nagleave nga pala si Cerys sa school ng isang linggo. Pagkatapos kasi noong nangyari sa kaso ni Mr. Pelaes eh sa bahay na siya ni Ms. Saturna umuwi. Ang sabi lang papasok na siya sa Monday. Thursday pa lang ngayon kaya baka hindi pa siya ok.

"No need to worry guys. Nakakausap ko na si Cerys kahapon pa, mukhang ok naman na siya. Tinatamad lang yun tsaka ano ba kayo hindi problema sa kanya kahit umabsent siya ng isang buwan." sabi ni Vivi kaya napatango na lang ako. Inabot ko yung pagkain na inilayo niya sa akin tsaka pinagpatuloy yung pagkain. 

"Ui ano na? Let's make kilos-kilos na." sabi ni Vivi na tinopak ng pagiging conyo.

"Ikaw ang kumilos na at ikaw ang mabagal." sabi ko.

"Vito has a point. Mabagal ka talaga mag-ayos Vivs." sabi ni Ovi sabay kindat. I can't imagine how many times he wink his left eye to girls.

"Whatever! Bahala kayo basta kailangan pagbalik ko ok na kayo." sabi niya na mabilis naglakad paalis. Nagkatinginan pa kami ni Ovi bago tumayo para magpalit na din.

"Ikaw Chaos?" tanong ko. Mukhang pinatay naman niya muna yung laptop bago tumayo at sumunod sa amin.

Kagaya ng inaasahan, nauna pa kami kay Vivi.

"Told you, mabagal ka." sabi ko tsaka nauna nang sumakay sa sasakyan ni Ovi.

"Shut up ok. Natural yun dahil babae ako." sabi niya. Natural? Not at all.

"Address ni Cerys?" tanong ni Ovi. Narinig ko naman yung pagsara ng pinto nung pumasok si Chaos.

"Fascapalla Village, No. 7" sabi ni Vivi.

"Fascapalla... That's an elite village." sabi ni Chaos.

"Yep. Naku kung alam niyo lang, may pagkakuripot kasi yun si Saturna kaya mabilis na yumaman not to mention na mayaman na talaga sila." sabi ni Vivi. I can't imagine how wealthy they are. Mayaman kami pero Fascapalla Village is not just a village. High maintenance ang pag-stay doon. Mga 20 minutes siguro nang makarating kami sa tapat ng bahay nila.

Mystery and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon