8: Red Thread

107 7 10
                                    


Takira Cerys Ashben's POV

"Cerys! Yuhooo... asan ka na?" umupo ako sa may pinto tsaka niyakap si Sedi. Kanina pa ko nagtatago kay Vivi. Sinabi na kanina kung sinu-sino yung mga kasali sa Ms. Alpha of Athens at kagaya ng gusto ni Vivi, sinali niya ko sa contest na yun.

"Boo." may bumulong sa kaliwang tenga ko kaya napatayo ako bigla at nauntog sa doorknob.

"Aww..." naiiyak na daing ko. Tinignan ko naman si Chaos na nanlaki yung mata. Nagulat ata siya nung nauntog ako.

"Sa liit mong yan, nauntog ka pa doorknob?" tanong niya kaya tumayo ako tsaka sinilip kung nasa labas pa si Vivi.

"Mas mababa sa akin yung doorknob pag tumayo ako. Kanina ka pa ba dito?" tanong ko. Tumango naman siya humatak ng upuan at umupo sa harap ko.

"Bago ka pa pumasok, nandito na ko." sagot niya. Ah... di ko napansin. Si Vivi at ang nakakatakot niya kasing paghahanap lang ang iniisip ko.

"Cerys! Geezzz... Where is she? Magpapractice pa kami ng talent niya eh. Hoi Ovi, Vito, tulungan niyo kong hanapin si Cerys para magkasilbi kayo!" sigaw ni Vivi na rinig na rinig hangang dito. Desidido talaga siyang mapasali ako sa contest na yun.

"Kababae mong tao ang inggay mo."

"Calm down Vivs. Lalabas din yan si Cerys."

Napabuntong hininga na lang ako tsaka umupo ulit sa sahig at sumandal sa pinto. Narinig ko namang natawa si Chaos kaya pinatong ko yung baba ko sa tuktok ng ulo ni Sedi tsaka siya sinimangutan.

"It's not funny." sabi ko.

"You always do that when you're pissed." sabi niya kaya umayos ako ng upo.

"You always observe my actions." sagot ko naman.

"That's because your unpredictable and I'm a detective." sabi niya kaya napasimangot ako. Nanahimik lang kami hangang sa biglang may nag bukas ng pinto. Kamuntik muntikan na kong sumubsob, buti na lang at malambot si Sedi.

"Ow sorry Cerys." sabi ni Sir Rocco kaya tumayo ako at umayos. Bakit nga ba ako pumwesto sa pinto ng opisina ni Sir Rocco? Palagi nga pala siyang bigla  bigla na lang nagbubukas ng pinto.

"It's fine." sabi ko tsaka sinara ulit yung pinto at bumalik sa pagkakaupo.

"What are you doing here?" tanong ni Sir Rocco. Nauna namang sumugot si Chaos tapos ako.

"Nag-aantay ng kaso."

"Nagtatago."

Natawa naman siya tsaka umupo sa may swivel chair niya.

"Hahaha... Ahh, kaya pala nagwawala si Vivi sa hallway." sabi niya tsaka sumandal sa upuan. Wala akong nakikitang nakakatawa sa pagwawala ni Vivi. Nakaupo na ako ng maayos nang bigla na namang bumukas yung pinto.

"Awww!" daing ko kasi masyadong malakas yung pagkakabukas. Ang sakit sa likod. Sabay na sumilip si Vito at Ovi tsaka pumasok at nilapitan ako. Yeah. Once is a mistake, twice is stupidity.

"Sorry Cerys. I, este We don't know that your there." sabi ni Ovi kaya tumango ako at niyakap ng mahigpit si Sedi. Lumayo naman ako sa pinto ng marinig ko yung malakas na footsteps ni Vivi kasama ng pagtawag niya kina Ovi. Ayoko na ata sa pinto. Thrice should never happen!

"Gosh! Andito ka lang pala Cerys." sabi ni Vivi na bigla ding binuksan yung pinto. Nilapitan niya ko agad.

"Yeah." Tumayo naman ako ng maayos bago sumagot.

"Wag ka ng sumali sa Ms. Alpha of Athens!" bigla niyang sabi kaya tinignan ko siya ng seryoso. Anong nangyare? Bakit biglang nagbago ang isip niya?

Mystery and BeyondTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon