Bakit tayo nagmomo-move on sa isang tao? Para makalimot? Para makapagsimula ng bagong buhay na wala siya? Para kapag may dumating na bago ay handa na tayo para sa kanya?
"Ilang beses ko nang ginawa iyan. Pero saan ako dinadala ng letseng 'move on, move on' na yan, ha? Sa kanya. Sa kanya pa rin. Siguro nakakapag-move on nga ako para lang ma-in love ng paulit-ulit sa kanya," inis na sabi ni Ginny.
"Ang hirap na talaga sa panahon ngayon ano? Kahit hindi naging kayo, kailangan mo na ring mag-move on," pailing-iling na sabi ni Purita sa kanya.
Sabay silang napadungaw sa veranda nang may humintong sasakyan. Lumabas doon si Bhon at ang bago nitong girlfriend na si Louise. Nagkatinginan ang magkaibigan.
"Ano, move on ulit?" untag sa kanya ni Purita.
"Tss. Hanggang sa mas maganda pa rin ako sa mga naging girlfriends niya, I think I couldn't move on, " kampante niyang sagot.
***
A/N
Hello guys! Subaybayan niyo rin itong kuwento nina Ginny at Bhon ha?Warning!
It may contain some mature contents. Kaya sa mga bata diyan, below 18 years old, huwag na lang pong basahin ha? Or patnubay at gabay ng magulang ang kailangan.Thank you!
BINABASA MO ANG
I'm Bhon For You, Ginny
HumorHokage Girl Series presents... Ginny Rose Suarez and Bhon Emmanuel Raymundo